Angel"Angel!" Napalingon ako sa taong tumawag sa pangalan ko. Si Elle.
"Ba't pawis na pawis ka?" Tanong ko.
"Aba! Malamang hinanap ka namin sa buong campus, nandito ka lang pala." Hingal na hingal siyang tumabi sa akin. Napansin ko naman na kasama niya si Lauren. Tumabi naman ito sa kabila ko.
"Bakit niyo 'ko hinahanap?" Sabi ko sabay kagat ng pizza na in-order ko.
"Siraulo ka, Beb. Ginawa mo talaga akong dahilan para makalusot ka kagabi. Tinawagan pa ako nina Tita, tinanong nila ako kung kasama kitang umuwi." Sabi sabay inom ng juice na iniinom ko. Pinandilatan ko siya pero ngumiti lang ito.
Tumingin ako sa kanya. "Ano'ng sinabi mo?"
"Syempre, mabait akong pinsan sinabi ko na kasama kita. Malay ko ba kung ano ginagawa mo." Ngumiti ako sa kanya, bigla naman akong nainis dahil ininom niya ang juice ko. Favorite ko pa naman 'yon.
"Ano nga ba ginagawa mo kagabi? At sino ang kasama mong umuwi?" Nakahalungbabang tanong ni Lauren. Biglang pumasok sa isip ko si Eris. Hindi ko naman tuloy mapigilang mapangiti.
"Hala! Hoy! Anong ngiti 'yan? May hindi ka ba sinasabi sa amin? Baklang 'to!" Lauren commented.
"Huh? What are you talking about?" I gave her an innocent look while taking another bite of the pizza.
"Sus! Iniwan lang kita saglit sa table natin kagabi, nawala ka nalang bigla. Sino nga kasama mo kagabi?"
"S-Si ano..." I trailed off. Mas mabuti sana kung sabihin ko sa kanila, mapagkakatiwalaan naman sila.
"Sino?" They asked in unison.
"Si Eris." Bulyaw ko.
"Si Eris?!" Sigaw nila. Tinakpan ko naman agad ang tenga ko.
"Ang ingay niyong dalawa, hinaan niyo nga boses niyo." Saway ko.
"Sorry naman, binigla mo kami, eh." Saad ni Laur.
"Pero seryoso, siya kasama mo kagabi?" Elle. Nakangiting napatango ako sa tanong niya.
"OMG!" Parang kinikilig pa ang mga gaga.
"Hoy, Aphrodite! Tell us the full details." Niyugyog pa nilang dalawa ang magkabilang braso ko dahilan para malaglag ang pizza na hawak ko.
"Ano ba 'yan! Ang gulo niyo naman, nalaglag tuloy!" Napasimangot ako sa kanila. Sayang ang pizza.
"Parang pizza lang iniiyakan mo pa." Nag-angat ako ng tingin at hindi inaasahan na makita siya ulit.
"Ano'ng ginagawa mo rito? May kailangan ka ba?" I crossed my arm over my chest and looked at her directly.
Tinaasan niya ako ng kilay at lumapit sa 'kin. Niyuko niya ang ulo niya to aligned it with mine.
She smirked. 'Yan na naman 'yung ngisi niya, ngising nakakalaglag panty. "Actually, I wanna ask if you know this girl." Pinakita niya sa 'kin ang picture ng isang babae. Nagulat naman ako ng makita kong wallpaper niya ako.
Ang dalawa naman parang pinipigilang kiligin. "She seems familiar, but I don't know her." Binaling ko ang tingin ko sa mga taong dumadaan. Ayokong salubungin ang tingin niya, baka bumigay ako.
Umiling ako sa kanya. "Well, that's unfortunate. I was willing to take this girl on a date. Do you think she will say yes?" Mas nilapit niya pa 'yung mukha niya sa 'kin. I sucked in some air.
I bit my lower lip preventing me from smiling. "It depends."
"Hmm... depends on what?"
"Depende kung tatanungin mo siya ng diretso." I smiled at her.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+
Random[COMPLETED] [Edited] 11.27.20 - 05.09.21 >> 𝐚𝐧𝐠𝐞𝐥 𝐚𝐩𝐡𝐫𝐨𝐝𝐢𝐭𝐞 𝐦𝐨𝐫𝐞𝐭𝐭𝐢 𝐱 𝐞𝐫𝐢𝐬 𝐚𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐫𝐨𝐬𝐬𝐢 WARNING: Mature Content! 18+ Sexual Content and Violence!