AngelTwo years have pass. Sa dalawang taon na 'yon, wala akong ginawa kundi tumutok sa school. Dahil maya't maya ay nawawala ang atensyon ko sa mga importanteng bagay. Laging napupunta kay Eris. Iniisip ko na, kumain na ba siya? Inaalagaan niya ba ang sarili niya?
Pero hindi, kailangan kong magpakatatag. Mali ang mga ginawa niya. Lalo na't pinatay niya ang dalawang importanteng tao sa buhay ng pinsan ko na si Laur. Ano nalang ang sasabihin niya kapag nalaman niya sng ginawa ni Eris sa tatay at kapatid nito?
'Yan ang mga iniisip ko noon na tanong na paulit-ulit nakatatak sa ulo ko. Alam ko ng mga panahon na 'yon na darating ang araw na malalaman din ni Laur ang katotohanan.
At dumating na nga ang araw na 'yon. Naalala ko pa ang usapan namin noon.
Malungkot akong nakatingin kay Laur pagkatapos kong sabihin ang mga nagawa ni Eris sa tatay at kapatid niya. Pero tanging pilit na ngiti lang ang nakuha ko sa kanya.
"Hindi ka man lang ba magagalit?" Takang tanong ko.
"You know, Angel. Life's too short to hold grudges. My whole life, I've been dealing with grief and anger dahil sa pagkamatay nila. Pero na-realize ko noon na, hindi ko kailangan maramdaman ang mga 'yon dahil hindi naman mababalik no'n ang buhay ng Dad at Kuya ko." Tahimik siyang nagmasid sa kapaligiran.
"Hindi niyo alam 'to nila Mom pero, my brother almost killed me." Napasinghap ako sa sinabi niya.
"W-What?"
"I heard him and my Dad's conversation about their illegal transactions. And my Dad's affair with his secretary. Bata palang ako wala nang pakialam sa 'kin ang ama ko, tanging ang kapatid ko lang ang nakakakuha ng atensyon niya. Kaya hindi na ako nagtaka ng ikulong nila ako sa isang drum." Nakita kong pumatok ang luha niya, nilapitan ko ito at niyakap.
"I was screaming, begging for help but no one ever heard me. Pero God heard my prayers, natagpuan ako ng driver namin. Hindi ko sinabi kay Mom ang nangyari. But at that time, I was traumatized, halos hindi na 'ko kumakain no'n sa insidenteng nangyari sa 'kin. And I was so young back then, I didn't know what to do. But then, Mom introduced me to Uncle Javier's family, which is you guys." Napangiting tumingin ito sa 'kin.
"I'm so sorry, Laur. You dealt with it alone, kung sana nakilala kita ng maaga. Natulungan pa kita."
"Past is past, Angel. We have to keep moving forward."
Tama si Laur, we have to keep moving forward. Dahil nakasalalay ang takbo ng ating buhay.
Graduate na rin kaming magkakaibigan, ang saya lang dahil hindi ko akalain na sabay-sabay kaming tatapak sa susunod na pagsubok naming haharapin.
Hindi na rin ako nakakatanggap ng mga bulaklak mula kay Sire which is unusual dahil dati kasi halos mapuno na ang garden namin sa bahay sa dami ng mga bulaklak na pinapadala niya.
Hindi lang masasayang ala-ala ang natira noon.
Natuklasan ko mismo kay Dylan na buntis si Maris. Akala ko nga siya ang tatay pero hindi pala, isang babae ang nakabuntis kay Maris. Hindi ko alam kung paano nangyari pero sinabi rin sa 'kin na may nangyari sa kanila ni Maris, through email. I wasn't shocked when he confessed about it, it's no secret that Maris has the hots for my ex-boyfriend.
Dylan and I remained as friends, kahit masakit sa part namin nakaya namin ito. Masaya na siya ngayon with her wife and their newborn son, na ipinakilala niya sa 'kin. Ginawa pa nga akong ninang, eh. Gano'n rin kay Kiko na pumasok sa military school, he wants to take his time off from being a playboy. While si Maris, she has to deal with her fiancée na si Sheila. Her parents wanted her to marry Sheila para naman may kilalaning ina ang batang dinadala niya.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+
Random[COMPLETED] [Edited] 11.27.20 - 05.09.21 >> 𝐚𝐧𝐠𝐞𝐥 𝐚𝐩𝐡𝐫𝐨𝐝𝐢𝐭𝐞 𝐦𝐨𝐫𝐞𝐭𝐭𝐢 𝐱 𝐞𝐫𝐢𝐬 𝐚𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐫𝐨𝐬𝐬𝐢 WARNING: Mature Content! 18+ Sexual Content and Violence!