Chapter 15

7.3K 275 21
                                    




Angel

"And now, to welcome the CEO of DR&Co Apparel. Ms. Eris Astra De Rossi!" Tahimik ang buong paligid dahil hindi yata ine-expect ng iba ang mangyayari.

"Si Eris? CEO ng DR&Co Apparel? What the heck?" Nagtatakang nakatingin kami ni Elle kay Eris na lumabas ng backstage. Gano'n pa rin ang suot niya no'ng nagkita kami kanina.

Siraulo talaga 'tong babaeng 'to! Tinotoo talaga niya na bibilhin niya ang buong company namin.

"Pangalan palang ang ganda, pero grabe na 'to!"

"Oh my God!"

"Shet ang ganda niya!"

"Hala ka! Ang ganda ni Ateng!"

Sigawan ng mga tao. Halos lahat ng tumitili ay babae kaya hindi ko maiwasang mainis.

Umakyat si Eris sa stage, may hawak-hawak na mic, nang hindi pa rin inaalis ang tingin niya sa 'kin.

"Hello, Everyone." Mas lalong umingay 'yung buong stage dahil kay Eris. Parang lumilindol na nga, eh. Ang lamig no'ng boses ni Eris at the same time nakaka-attract.

"I really don't know what to say but it's a pleasure to meet you all."

"Jusko po! Ang ganda!"

"Gosh, 'yong accent niya!"

"Ang hot!"

Seriously? Hindi ito concert, bakit tili sila nang sili? Nakakaurat.

"Beb, paano naging CEO si Eris eh diba hindi pa nga nagpapakita ang totoong CEO ng DR&Co Apparel?" Bulong ni Elle sa 'kin. Mahina lang ang usapan namin dahil nasa harap namin si Eris.

"Hindi ko rin alam eh, hayaan mo mamaya itatanong ko sa kanya."





Halos nandito na ang lahat ng guests sa kabilang room kung saan gaganapin ang auction. Ang lahat ay nakaupo na sa kani-kanilang designated seats.

Naghihintay nalang kami na magstart ang event.

Nasa backstage ang lahat ng models na rumampa kanina kasama na kaming dalawa ni Elle. Ngayon gano'n pa rin ang suot namin.

Biglang may nagsalita sa stage kasabay ang pagtugtog ng isang classic music.

"Good Evening, Everyone. I hope you are enjoying yourselves today." Kagaya nang kanina ang lakas pa rin ng boses ni Trey. Sumagot naman ang iba ng 'yes'.

"Here in DR&Co Apparel, we introduced immensely beautiful, and stunning lingeries, that includes bodysuits, strapless bras, corsets, sleepwears and the list goes on." Pagsisimula niya.

"From the delicate embroidery, applique work, use of vintage laces to the quality of material used, it's astonishing how our designers have created extraordinary intimated apparels and blow away our mind. All in all lingerie shopping is always an exciting thing to do by any woman."

"And now, shall we begin the bidding?" Sumang-ayon naman ang iba.

"Alright."

"Let's start of with our first product." Sumenyas si Trey na lumabas na ang first model na si Hin.

The audience stared at her in amusement. Lalo na ang mga matatandang businessman, kitang-kita mo talaga na nakatitig ito sa katawan ni Hin.

"Our first product is worn by Ms. Hin Nishimura. A baby pink lace thong panty, with its matching bra and bustier."

"Let's start the bidding with 15,000."

"15,000." Nagtaas ng kamay ang babaeng nasa bandang likod. "Thank you, Mrs. Ventura."

"How about 16,000?" Tanong ulit ni Trey.

"16,000." Nagtaas ulit ang babae kanina.

"Hmm—going once... going twice... sold to Mrs. Ventura." Nagpalakpakan ang mga tao.

20 minutes have past and ako nalang ang natitirang model. Si Elle pang number 10 kaya hindi ko nakita kung sino ang nakabili sa product niya, pang number 15 kasi ako, eh.

"And lastly, our last product." Lumabas na ako at tumayo katabi ni Trey.

He smiled at me na ibinalik ko naman ito. Tumingin ako sa audience and kagaya ng kanina lust is evident in their eyes. I mentally rolled my eyes.

Biglang nagkasalubong ang mata namin ni Eris. Nakaupo siya sa bandang gilid habang may hawak-hawak na wine. She's looking at me, no correction staring at me. She's like staring deep inside my soul with her infamous smirk.

Suddenly, I got nervous. Kahit saan talaga siya ang lakas ng epekto niya sa 'kin. Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanya at nagbaling ng tingin sa iba.

"Ms. Moretti here is wearing one of the most expensive bra, with matching lace underwear, in the Philippines. With its soft fabric coated with pink sapphires, and a 90-carat emerald diamond in the center that is worth more than a million." Instantly, murmurs started to be heard around the place. Expect na ang DR&Co Apparel ang pinakamayang kompanya dito sa Pilipinas when it comes to a clothing brand.

"Let's start the bidding at 10 million."

"10 million." Nagtaas ng kamay si Mr. Del Valle, ang tatay ni Serena. Bakit bibili siya ng bra? Hindi naman siya babae. Baka ibibigay niya kay Serena.

"Thank you, Mr. Del Valle. Do I hear 15 million?"

"15 million." My eyes widened nang makita ko si Dad kasama si Mom. Hala! Anong gagawin nila sa bra?

"15 million. Thank you, Mr. Moretti."

"Do I hear a higher bid? Going once... going twice... so—"

"50 million pesos." Gasped were heard all over the place. 50 million ang pinakamataas na bid.

"50 million. Thank you, Ms. De Rossi."

Wait? Si Eris?

"Going once, going twice. Sold! To Ms. Eris De Rossi."

Nanlaki ang mata ko. Gumastos siya ng malaking pera para lang sa bra? What the hell, Eris!

Napansin kong binitawan ni Eris ang wine na hawak niya at inilagay sa lamesa bago naglakad papunta sa direksyon ko na ikinuot ng noo ko. "Um... Ms. De Rossi. Mamaya niyo pa po makukuha ang product." Eris stared, well more like glared, at Trey na ikinayuko nito ng ulo.

"I know, and I don't care." Pagkasabi niya no'n, nagbaling siya ng tingin sa 'kin. "Wear this." Isinuot niya ang jacket na hawak niya sa katawan ko.

Nagulat nalang ako nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng room. Tumingin sa amin 'yong mga tao nang may pagtataka sa mukha. I made eye contact with my parents and gave them a unknowing look.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Inis na tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin ako she chose to ignore me.

"Eris, ano ba?!" Hindi ko na napigilang sumigaw dahil naiirita na ako sa kanya.

Hinila niya ako papasok sa elevator at pinindot ang highest floor.

"Saan mo ako dadalhin, Eris? Naiinis na ako, hindi mo 'ko sinasagot." I crossed my arm in my chest at tumingin sa kanya.

"Nella mia stanza d'albergo." [In my hotel room.]

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon