Chapter 19

6.3K 230 0
                                    


Angel

Nagising ako sa lakas ng tunog ng cellphone. Napainit ako at napansing madilim na sa labas. Teka, anong oras na ba?

Tinignan ko muna ang alarm clock sa bedside table ko na alas otso na pala ng gabi. Nakatulog yata ako kanina sa sobrang pagod. Naalala ko tuloy ang nangyari sa family dinner kanina. Kinabahan ako kanina kasi kung ano-ano ang tanong na ibinigay sa 'kin ni Grandpa, kesyo may bagong nobyo ba raw ako dahil narinig nilang nagkakaproblema kami ni Dylan. Mabuti nalang nasagot ko siya ng maayos.

I reached for my cellphone, na katabi lang ng alarm clock, na kanina pa tunog nang tunog.

Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitignan kung ito. Napahawak ako sa sentido ko.

"Why the hell aren't you answering your phone?! Dammit!" Bungad agad sa akin ng wala iba kung 'di si De Rossi. Boses palang eh, gano'n ba siya, kapag galit lumalabas ang accent? Cute.

"Ano ba ang kailangan mo? Natutulog ako, eh." I cover my mouth with my hand while yawning.

"I'm trying to reach your phone since yesterday, are you avoiding me?"

"W-What? I'm n-not avoiding you, sino may sabi sayo?" Narinig ko siyang napamura sa kabilang linya.

"You're stuttering, stop lying!" Ramdam ko na galit na galit siya dahil iba na ang level ng tono ng pananalita niya. 

"Stop shouting at me!"

Biglang natahimik ang kabilang linya, tinignan ko 'yung phone ko kung binabaan ako pero hindi naman. Anyare?

I heard her sigh. "Have you eaten yet?"

"Hindi pa, kakain na sana ako kaso biglang may nang istorbo." I said playfully.

"I'm picking you up, get dress, kakain tayo sa labas." Bigla kong naalala na may pupuntahan pala kaming party mamaya. 

"Hindi pwede, may lakad ako."

"And where the hell do you think you're going?" May bahid ng pagtataka sa boses nito. 

"Sa ano—sa bahay ni Elle! Oo ayon, may group study kami..." Palusot ko.

Pero mukhang hindi naman siya naniniwala base na rin sa mga hangin na ibinubuga niya. "Where are you going? Angel. Aphrodite. Moretti." Patay, kinumpleto na nga ang pangalan.

"S-Sa study group nga! Ba't ba ang kulit mo?"

"Whatever, wait for me, i'll picking you up right now." Bigla niya nalang ibinaba ang telepeno.

Nataranta ako bigla kaya bumaba na ako sa kama at pumunta sa banyo. Hindi pwedeng malaman ni Eris na pupunta ako ng party, panigurado'y hindi ako papayagan makaalis no'n.

Tinext ko na rin sila Elle na sunduin ako as in ngayon-ngayon na.



"Hoy! Anyare sa 'yo, girl? Hingal na hingal ka?" Sumakay na ako sa kotse ni Laur at agad na tumabi kay Elle. Nandito na rin sina Yna at Rina, si Lou nauna na raw sa party.

Nakahinga na ako ng maluwag nang pinaandar na ni Laur ang sasakyan niya. Mabuti nalang hindi ako naabutan ni Eris. Patay talaga ako sa babaeng 'yon. Sana naman hindi niya malaman kung nasaan ako.

"Wala naman." Tipid kong sagot.

"Hindi halatang excited ha?" Ngiti ni Rina.

"Ang sexy mo, Beb. Grabe ka talaga!" Bulyaw ni Elle.

I'm currently wearing a black crop top which is sleeveless. Tinernuhan ko ito ng checkered mini skirt kaya litaw na litaw ang makinis at maputi kong balat.

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon