Chapter 21

7K 240 4
                                    





Angel

Napabuntong-hininga nalang ako at napasandal sa swivel chair. Tapos ko na i-check ang mga records ng bawat estudyante dito sa school. Imagine, lagpas isang libo kami dito sa school pero sa akin lang pinagawa ni Heart lahat. Gosh, that girl!

Dapat si Nia or Natasha ang gumagawa rito, eh. Naturang vice president at secretary sila ng school na 'to pero wala sila dito ngayon. Nasaan ba ang mga 'yon?

"O Angel, ito na ang frappe mo. Hindi kita binalhan ng kape dahil baka hindi mo magustuhan. May halong kape naman ito, eh." Nabaling ang tingin ko kay Ralph na may hawak ng pinabili ko sa kanya. Nag-volunteer siyang ibili ako nito tutal tapos rin naman siya sa pinapagawa ni Heart.

Kinuha ko sa kanya ang frappe na mocha flavor. "Thank you." Nginitian ko siya bago sinipsip ang frappe. Hmm... heaven.

"Ah, Angel..." Nag-angat ako ng tingin. Akala ko nakaalis na siya pero nakatayo pa rin siya sa harap ng mesa ko.

"Bakit?"

"M-May itatanong sana ako sayo." Mukhang kinakabahan siya dahil hindi siya makatingin sa 'kin ng diretso.

"Ano 'yon?" Sabay kain ng whipped cream. Ewan ko ba, kapag um-order ako ng mga milkshake or anything na may whipped cream iyon agad ang pinapansin ko. Ang sarap kasi ng starbucks.

"Uhm... may b-boyfriend..." He trailed off. May boyfriend sino?

"May boyfriend...?"

"S-Si Lauren. May b-boyfriend na ba siya?" Napansin ko naman ang pagkamot niya ng batok.

Bigla nalang akong napangisi. "Bakit? May gusto ka sa kanya?"

Bahagya siyang nagulat. "H-Ha?! W-Wala 'no?!" 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sure?"

"O-Oo..."

"Weh? Sure na sure?" Giit ko pa.

"Ano—kasi..."

"Ano nga? Gusto mo ba siya o hindi? Oo at hindi lang ang sagot, Ralph."

"Oo na!" Maarte niyang sagot na ikinangiti ko.

Sa una, mapagkakamalan mo siyang paminta dahil sa mga kilos nitong hindi naman karaniwang kinikilos ng mga lalaki. Ang lambot niyang gumalawa, mas malambot pa sa 'kin. Kaya nagtataka ako kung bakit siya nagkakagusto kay Laur. Oh, well... maganda naman kasi ang kaibigan ko, matalino't mabait pa.

Kung sakaling hindi dumating si Eris, baka nagkagusto pa ako sa kanya.

Speaking of Eris, simula no'ng may nangyari sa amin noong nakaraan ay hindi na muli itong nagpakita. Mas lalo pa akong naiinis sa babaeng 'yon! Iniwanan pa ako kinabukasan. Sinubukan ko siyang i-contact pero ang siraulong 'yon ay hindi ako sinasagot. Yari talaga sa akin 'yon kapag nagkita kami.

Nabalik ako sa wisyo ng bumukas ang pinto. At iniluwa na nga ang taong kanina ko pa hinahanap.

"Saan ka na naman nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Mataray kong bungad sa kanya. May hawak na naman itong bulaklak.

"Ito naman, kumain lang kami saglit kami ni Natasha sa cafeteria. Nagutom kami, eh." Pagdadahilan niya. Hindi ko naman napansin na wala na pala si Ralph sa harap ko.

"Dapat dito nalang kayo kumain! Edi sana natulungan niyo pa ako diba?" Inis na turan ko. Nakakapagod na ako lang ang gumawa ng pinapagawa ni Heart.

"Easy ka lang, Anghel! Ito nga oh! May nagpapabigay ulit sayo ng bulaklak." Inilapag niya ito sa lamesa ko.

"Hindi ko kailangan ang bulaklak. At kanino na naman ito galing?" Naiinis na talaga ako dahil every week ako nakakatanggap ng bouquet ng roses, minsan white minsan naman ay red. Sino ba ang taong ito? Imbes na matuwa ako dahil may nagpapadala ng mga bulaklak sa 'kin, lalo lang akong naiinis.

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon