Special Chapter I - You and I

8.4K 285 50
                                    


Enjoy. Mwahehehe.



Angel

"Hey! Hey!" Tinapik-tapik ni Laur ang balikat ko nang makalapit ito sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina ka pa kasi tulala riyan, ang lalim yata ng iniisip mo?" Napabuntong-hininga nalang ako at nagbaling ng tingin sa harap.

"Siya na naman 'yan 'no?"

"Hindi naman siya nawala sa isip ko."

"Bakit kasi hindi mo puntahan? Magpatulong ka sa kapatid niya." Umiling ako.

"Hindi na. Ayokong maka-istorbo."

"Anghelita, ang labo mo rin kasi, eh."

Napalingon ako sa kanya. "Anong ako?"

"No'ng gumaling siya, hindi mo man lang nagawang magpakita sa kanya. I'm sure namimiss ka na no'n. At saka, isang buwan na ang nakalipas, 'wag mo ngang ikulong ang sarili mo rito sa villa. Nag-aalala na ang parents mo sa 'yo."

"Hindi ko pa sila kayang harapin." Sabi ko bago uminom ng orange juice na dala niya kanina.

"Hindi kaya or ayaw mo lang?"

"Both."

Napaismid ito. "Tsk, tsk. Kung kriminal lang ako, baka napatay na kita. Naturang bestfriend kita pero hindi kita maintindihan. No'ng umalis ka at nagpunta rito, gusto mo siyang makita. Ngayon namang inaaya kita ayaw mo naman."

Inilapag ko ang baso at humalumbaba.

"Hindi ko alam. Pati ako naguguluhan na sa sarili ko."

Nagulat nalang ako nang hatakin niya ang kamay ko at pinaharap sa kanya.

"Isang tanong, isang sagot. Gusto mo ba siyang makita?"

"O-Oo."

"Iyon naman pala, eh. Ano pa ang tinatanga mo? Tara na!" Hahatakin sana ako nito pero nagpapigil ako.

"Sandali. P-Paano kung... takte naman nahihiya't natatakot kasi ako!" Frustrated kong sabi.

"Bakit ka natatakot? Tao 'yon, hindi alien." Sinamaan ko ito ng tingin. Nakuha pang magbiro alam namang seryoso ang pinag-uusapan.

"Isang buwan akong hindi nagpakita sa kanya tapos bigla nalang akong susulpot?" Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ako nagpunta rito mag-isa. Siguro para na rin makapag-isip-isip.

"Natural! Alangan namang hindi! Nako, Angel. Sinasabi ko sa 'yo, kapag hindi mo siya pinuntahan baka mahuli ka."

"At bakit? Alam ko namang ako lang ang mahal niya, eh." Mayabang kong sabi.

"O 'yon naman pala, eh. Kaya bilisan mo kundi mahuhuli ka na talaga!" Hinala pa ako nito sa loob at binigay ang tsinelas ko dahil nakapaa lang ako.

"Bakit ba atat na atat ka ha? Natatae ka na ba?"

"Gaga hindi! Bilisan mo nang kumilos dahil nasa airport na sila, papuntang Singapore at baka hindi na natin maabutan!"

"Ha?!" Gulat na sigaw ko. "Bakit hindi mo sinabi?! Akala ko naman nagpunta ka rito para mag-usap lang!"

"Tama na ang datdat, tara na!" Dali-dali kaming lumabas ng bahay.

Pinigilan ko si Laur nang may nakalimutan ako.

"Ano 'yon?"

"'Yong pares ng tsinelas ko, nakalimutan ko!"

"Anak ng! Bilisan mo!" Tumakbo ako pabalik ng bahay, pagkalabas ko ay suot ko na parehas ang tsinelas ko.

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon