Chapter 14

7.1K 261 4
                                    




Third Person

Marami nang nagsisidatingan na mga guest para sa annual fashion show sa Shangri La. Kasama na rito ang mga Del Valle, Monteverde, at madami pa.

"Ma'am Angel, magstart na po ang show, magready na po kayo." Sabi ni Miley, ang producer nila.

"Dude, I'm nervous." Kinakabahang sagot ni Angel sa producer. Matagal nang magkakilala si Miley at si Angel kaya natural lang kung bakit niya 'tong tinawag na dude.

"Ma'am, 'di ha nakailang rampa ka na rito. Ngayon ka lang kinabahan."

Napaisip siya bigla. Dahil kasi siguro sa pinag-usapan nila ni Eris kanina.

Hays! Isa pa 'yon! Nakakainis. Iritang sabi niya sa sarili.

"O ma'am? Bakit nakakunot 'yang noo niyo?"

"Wala, may bigla lang akong naisip." Tumango naman si Miley at bumaling ng tingin sa clipboard na hawak niya.

"Please, let's all welcome Elise De Rossi." Hiyawan ang narinig ng mga tao sa backstage na galing sa labas.

Nagsimula nang kumanta si Elise, kasabay nito ang sunod-sunod na pagrampa ng iba pang model.

"Wait, Elise? As in ang kapatid ni Eris?" Kunot-noong tanong ni Angel kay Miley.

"Yes po, Ma'am. Hindi niyo po ba alam? Kilala po siya bilang singer, hindi lang 'yon isa rin siyang fashion designer."

"Hmm... I didn't know na kumakanta pala ang kapatid ni Eris."

"Eris? Eris De Rossi? Magkakilala po kayo no'n?"

"Yes."

"Ahh, so nakita niyo na siya sa personal? Ang pagkakaalam ko po kasi diba hindi naman nagpapakita sa media 'yan?"

"To answer your first question, yes magkakilala kami and your second question also is a yes." Hindi pa nakikita ni Miley ang itsura ni Eris to think na pumunta ito sa Masquerade Party. Nakita siya ng mga tao pero nakasuot ito ng maskara kaya palaisipan pa sa ibang tao kung ano talaga ang itsura niya.

"Wow! So ano po ang itsura niya? Maganda po ba?" Curious na tanong ni Miley.

"Hmm... I'll tell you later." Hindi mapigilang mapangiti ni Angel dahil nakikita niya ang imahe ni Eris.

"Pa-suspense ka pa, Ma'am. Sabihin niyo na po, tutal magpapakita siya mamaya. Para hindi ako mag-expect."

Mabilis na tumingin ang dalaga sa producer sa narinig. "Magpapakita?"

"Hindi niyo po alam? Balitang-balita po na magkakaroon po ng face reveal si Eris De Rossi, mamaya po pagkatapos ng fashion show. In fact, siya nga po ang may pinakamalaking kontribusyon dito sa fashion show. Kung wala po siya baka hindi na 'to natuloy." Miley explained.

"Diba nagpakita na siya sa Masquerade Ball?"

"Eh, Ma'am nakamaskara po siya no'n. Kaya hindi pa rin makita ang mukha niya." Napatango-tango nalang si Angel.

"Oh... I see. Pero wait, kala ko ba hindi mo pa siya nakikita?"

"Hindi nga po. Nakita ko lang po sa Instagram niya." Natawa nang mahina si Angel sa narinig.

"Instagram? Stalker ka pala, pati instagram niya alam mo."

"Eh, Ma'am paano naman po kasi sikat na sikat siya tsaka gusto ko po 'yong pagiging misteryoso niyang tao. 36 million ang followers niya hindi naman lagi nagpapakita, halos nga 'yong mga pinopost niya its either nakatalikod or blurred."

"Curious ka talaga sa kanya?" Nakangiting tumango si Miley.

Biglang may nagsalita na galing sa stage na ikinagulat ni Miley. "Now, let us all welcome. Angel Moretti!" Sigaw ng emcee.

"Grabe naman ang boses ni Trey. Ang lakas." Reklamo ni Miley, natawa nalang sa gilid ang dalaga.

Sumenyas ang producer na si Miley kay Angel na pwede na itong lumabas. "Go, Ma'am."

Ngumiti ito bago naglakad papasok sa stage.

Nasilaw ang dalaga sa sobrang liwanag ng ilaw na nakatutok sa kanya, but she didn't show it instead she walked with confidence and grace.

Audience stared at her in awe.

"Go, Angel!" Narinig niyang sumigaw ang kanyang magulang na ikinangiti nito.

Her walked was sexy, fierce, and full of confidence yet elegant.

Elise stared at her and winked while still singing. Angel smiled at her before stopping at the front and pose, she blow a kiss in the camera and smirked. Mas lalong nadagdagan ang confidence ni Angel nang narinig ang malakas na hiyawan na galing sa audience.

She turned around, glancing left and right. Pabalik na siya sa loob nang mapansin niya ang isang pigura na nakamasid sa kanya.

She stared at her, with her famous devilish smirked.

Napalunok si Angel at umalis na ng stage.

Angel

Oh my God! Nakakagulat talaga si Eris! Kaya pala feeling ko na may nakakititg sa 'kin besides sa audience, si Eris pala 'yon. Gosh! Ang lakas ng epekto niya sa akin.

"Ma'am? Okay lang po kayo?" Nag-aalalang tanong Emma, ang makeup artist nito.

"Okay lang ako. Anyways, okay lang ba ang lakad ko kanina?"

"Yes po, Ma'am. Ang ganda nga po, iconic pa rin po."

"Thank you. " Nginitian niya ako bago nagpaalam.

Tumingin muna ako saglit sa salamin at pumunta na sa stage.

Pagkatapos kasi ng pagrarampa namin, isa-isa naman kaming lalabas at tumayo sa stage hanggang sa matapos ang show. Mabilis lang naman ito dahil may kasunod pang event, which is ang auction.

Doon mangyayari ang minsang nakikita niyo sa mga movies. Ang mga ibebenta is 'yong mga suot ng previous models na rumampa kanina at 'yong akin. Pinakamahal ang akin kasi isa itong luxurious na lingerie, made exclusively para sa 'kin. Well, mahilig ako sa lingerie pero mas mabuti kung ibebenta nalang 'to at least makakatulong pa sa charity. Ang mga perang makukuha sa auction ay i-dodonate sa Cancer Foundation para sa mga bata.

Nagpalakpakan lahat ng tao nang makalabas na ulit ang lahat ng model.

Bali nasa harap ako kasi ako ang huling lumabas nasa tabi ko si Elle. "Beb, ang ganda mo kanina ha." She whispered. I smiled at her. "'Wag ka nga, ikaw nga kanina ko pa nakikitang nakatitig sayo si Kairyn, eh."

"Hmp, bahala siya d'yan." Pagsusungit niya.

"LQ agad? Hindi pa nga kayo." Pang-aasar ko.

"LQ ka r'yan, hindi ko nga pinapansin 'yon, eh." Mabuti nalang at walang nakakarinig sa amin. May nagpe-play kasing background music kaya masyadong maingay kaya nagbubulungan lang kami ni Elle.

"Sus, kunwari ka pa. Come on, Elle. I know may gusto ka sa kanya."

"Stop it, Angel. If I know kayo nga ang may relasyon ni Eris, eh."

Napatingin ako sa kanya bigla. "Bakit sa 'min napunta ang usapan? Siraulo ka ba?"

Hindi na siya nagsalita pero bakas ang ngisi sa mga labi niya. Pinandilatan ko nalang siya at tumingin sa mga audience.

"And now, to welcome the CEO of DR&Co Apparel. Ms. Eris Astra De Rossi!" Tahimik ang buong paligid dahil hindi yata ine-expect ng iba ang mangyayari.


___________

Song Title: Confident by Justin Bieber, Chance the Rapper

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon