This chapter is dedicated to wykiwonder for being my first ever voter. Thank you!
Angel
Isang linggo na ang nakakalipas hanggang ngayon hindi pa rin kami nag-uusap ni Eris. Seems like she's avoiding me, well I can't blame her.
Last class na namin ngayon at wala pa rin akong gana. Maghapon akong lutang sa lahat ng klase ko. Kahit kailan hindi ako nakaramdam ng ganito sa tana ng buhay ko.
Shet na malagket naman oh! Gusto ko siya makita!
"'Gel! Hoy! Kanina pa kinakausap eh, hindi ka naman nakikinig." Hampas ni Lauren sa braso ko para mawala ako sa pag-iisip.
"Ano ba 'yon?" Iritang tanong ko.
"Tinatanong kalang ni Lauren kung nakahanda ka na ba para sa Fashion Show sa Sabado." Lou stated. Wala si Elle pati si Yna at Rina nasa ibang class kasi sila.
"Oo, nasabihin na ako ni Mom tungkol do'n." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
"'Yan ka na naman, ano ba kasi 'yang iniisip mo? I'm getting worried, Angel." Malungkot na sabi ni Lauren.
"I'm okay, Lauren. I'm just too occupied."
"Are you sure? Baka ma-stress ka n'yan, hindi ka pa makapunta sa Fashion Show niyo."
"Don't worry. I'm fine." I assured her. She gave me a small smile bago ulit nakinig sa professor namin.
I'm currently here at Eris' penthouse, debating whether to go inside or just walk away. Kakatapos lang ng klase and hindi na 'ko nagpaalam kala Lauren. Gusto ko na talaga makita si Eris.
Magback-out nalang kaya ako? Kinakabahan kasi ako.
Hays! Bahala na nga si Batman. It's now or never.
Nagdala rin ako ng pagkain na in-order ko baka kasi hindi pa 'yon kumakain. Kumatok ako sa pintuan ng penthouse niya, naghihintay lang na pagbuksan.
Nang bumukas ito bumungad sa 'in si Eris na nakabathrobe lang. "A-Angel?" Mukhang hind niya ine-expect na darating ako.
"Hi." Ngumiti ako sa kanya.
"What are you doing here?"
"I just want to say I'm sorry for yesterday. Believe me I am. I brought you food actually." Sabay angat ko ng paper bag na hawak ko.
"Re—" Naputol ang sinabi niya ng may nagsalita sa likod.
"Babe! Sino 'yan?"
Babe? May girlfriend na siya?
May babaeng sumulpot sa tabi niya at sinandal pa talaga ang ulo nito sa balikat ni Eris. "Who are you? Dala mo na ba ang pinadeliver ko?" Sumulyap muna ako kay Eris na nakayuko lang bago ako ulit bumaling ng tingin sa babae. Tinaasan ko siya ng kilay, mukha ba akong delivery girl? Sa ganda kong 'to?
I straightened my posture and smiled at her sarcastically. "Yes, Ma'am. Actually, sinigang na hipon nga 'tong dala ko, eh. Pero sa mukha mo palang mukha kang allergic dito, kaya ayan." Hinagis ko sa kanya ang paper bag at mabilis na umalis.
"Wait! Wifey!" Eris called for me, but I ignored her.
"Wifey." Hinawakan niya ako sa braso para pigilan.
BINABASA MO ANG
𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+
Random[COMPLETED] [Edited] 11.27.20 - 05.09.21 >> 𝐚𝐧𝐠𝐞𝐥 𝐚𝐩𝐡𝐫𝐨𝐝𝐢𝐭𝐞 𝐦𝐨𝐫𝐞𝐭𝐭𝐢 𝐱 𝐞𝐫𝐢𝐬 𝐚𝐬𝐭𝐫𝐚 𝐝𝐞 𝐫𝐨𝐬𝐬𝐢 WARNING: Mature Content! 18+ Sexual Content and Violence!