Chapter 13

7.5K 267 9
                                    




Angel

Bukas na agad ang fashion show, maya-maya lang kailangan na naming umalis para makapagready na para bukas. Nagbook na rin ang manager ko ng hotel room kasi doon na ako matutulog para hindi masayang ang oras.

Sa Shangri La ang venue kung saan din naganap ang Masquerade Party.

Nasa school pa ako hanggang ngayon dahil hinihintay ko pa si Elle. Sabay kaming pupunta sa Shangri La kasama ang mga parents namin. Kakatapos lang din ng klase ko kaya hinintay ko nalang siya.

Nang mapansin ko na nakalimutan ko ang ID ko mula sa bag ko, pumunta na ako sa direksyon kung nasaan nakalagay ang locker ko. Hindi naman ako kinabahan kasi pwede naman agad 'tong mapalitan, usually kasi kapag nawala ang ID hindi ka makakapasok sa school at the same hindi ka rin makakalabas.

That's one of the perks pagkabilang ka sa pamilya Monteverde. If you're wondering kung paano ako nakasama sa kanila. Pinsan ko si Chantelle, well 'yong Mama niya which is si Tita Cybelle, may long lost sister. Si Celine, anak ni lolo Fernan at lola Elizabeth no'ng nasa high school pa sila. Itinago pala ni Lola Elizabeth si Celine, which is 'yong mama ko ngayon, dahil hindi raw ito natanggap ng papa ni Lolo Fernan kasi masyado pa silang bata para magkaanak, kaya pinaampon niya ito.

Kaya ayon nagkita sila, nagkabati. Si Mommy Celine naikasal kay Javier Moretti, ang Dad ko. Kaya may dugo akong Monteverde.

Si Laur naman, pinsan ko sa father side. Ang Papa niya which is si Uncle Felix ay kapatid ng Dad ko.

"Angel!" I was so trained at my thoughts that I didn't notice na kanina pa ako tintawag ni Elle.

"Oh? Tapos ka na ba sa klase mo?" Binuksan ko ang locker ko and I sighed in relief nang makita ko ang ID ko ro'n.

"Oo. Ano tara na?"

"Si—" May biglang pumutol sa sasabihin ko.

"Ms. Alcantara and Ms. Moretti. What are you two still doing here? Classes are dismissed." A cold, stern voice said. Napalingon kami ni Elle sa taong 'yon. At hindi nga ako nagkamali kung sino siya.

Si Serena Heart Del Valle, the Supreme Student Governor President, she's known for being strict and extremely perfectionist. Kilala siya sa buong campus dahil sa angkin nitong talino at kagandahan. Pero mas maganda ako. Mayaman din ang pamilya nila na kinabibilangan ng kanyang ama. Bali-balita na namatay na ang ina nito kaya naging heartless and cold-hearted ang turing sa ibang tao.

"Ms. President, may kinuha lang naman ako sa locker ko. Aalis na rin kami." She looked at me, expressionless.

She didn't even spare us another glance at tumalikod na papalayo. "Grabe talaga 'yan si Heart. Ang cold talaga, hindi ko man lang nakikitang ngumiti." Sabi ni Elle. It's true, ako rin naman hindi pa siya nakikitang ngumiti, mas higit pa yata sa yelo ang dating no'n, eh. Sobrang cold.

"Hayaan mo na, tara na. Hinihintay na tayo nila Mom."




"Oh, Ms. Angel. Maya-maya lang rarampa na kayong mga supermodel. Panghuli po kayo nila Ms. Chantelle." Paliwanag ng manager ko.

"Sige po, Ma'am. Mauna na 'ko, tatawagin nalang po kayo."

"Thank you." She smiled at me at umalis na ng kwarto ko.

Tapos na nila akong make-upan, suot ko na rin ang black lace lingerie. Naka robe pa ako sa ngayon dahil malimig sa kwarto. Ako nalang ang natira sa loob dahil 'yong iba busy sa pag-ayos ng event. Kailangan maging succesful ito.

"You look good." A voice said behind me. I turned around and saw her leaning on the door, with her arms on her chest. Hindi ko man lang napansin na pumasok siya.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. She looks hot. Well, lagi naman.

She's wearing a light pink short sleeve v-neck button down shirt, with blue ripped jean shorts. Nakatupi ang sleeve ng shirt at nakabukas ang dalawang butones sa unahan.

"Done eye-fvcking me?" She asked, amused is evident in her voice.

"I-I'm not." I mentally cursed myself for stuttering.

"Come on, wifey."

"Seryoso? 'Yan talaga ang susuot mo?" Tanong ko which she just shrugged.

Hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa 'kin. "You look so sexy." I gulped, her voice is so sultry and seductive.

I squealed in surprise nang ipinaupo niya ako sa lap niya. "Eris, ano ba? Baka may makakita sa atin. Ibaba mo 'ko." She shaked her head.

"No one will see us. Naka-lock 'yung pinto." I raised an eyebrow on her.

"Wifey, I miss you." She confessed, stroking my cheek with her hand.

"I miss you too." I smiled at her.

"Sorry nga pala no'ng nakaraang araw."

"It's okay. I forgive you." Marupok.

Naramdaman ko ang kamay niyang gumagapang sa likod ko papunta sa batok ko. "Eris..."

"Hmm...?"

"What are you doing?"

She giggled. "Nothing."

"You're so beautiful, wifey. Dito muna tayo, okay?"

"Eris, hindi pwede. Maya-maya lang bababa na 'ko." She shaked her head like a child.

"No. Stay here. Ayokong makita ka nilang ganyan ang suot mo. It's for my eyes only."

"It's for my eyes only." I mocked her, pinandilatan niya ako ng mata. I smiled sheepishly.

"Sira ka ba? Matagal na akong model, kaya marami na ang nakakita sa katawan ko."

"I don't care. Mapapatay ko kung sino man ang titingin sa'yo."

"Seryoso ka ba? Eris, trabaho ko 'to."

"Yes, I'm serious. Bibilhin ko nalang 'yang agency mo, para sa 'kin ka na magtrabaho."

Tumayo ako sa lap niya na ikinakunot ng noo niya. "Eris, naman. Buhay ko 'to 'wag mo naman ako pakialaman. Napakaano mo rin masyado eh..."

"Wifey, gusto ko lang naman na walang tao ang makakita sayo." She reasoned.

"Eh, ano pa ang purpose ng pagiging model kung wala ring makakakita?"

"Eris, you have to understand. Trabaho ko 'to." I looked at her intently.

"Fine. But in one condition."

"Condition? Ano na naman 'yan?"

"You have to give me a private show." She smirked nang nakakaloko.

"Private show? Hindi ako stripper 'no."

"Hindi nga. Gusto ko lang ng private show. Gusto mo ba bawiin ko ang pagpayag ko?"

"Iba nalang kasi!"

"Are you raising your voice at me?"

"Ikaw naman kasi, eh." Palo ko sa braso niya.

"You're so cute." She pinched my cheeks pero pinalo ko 'to.

"Pumayag ka na sa gusto ko. Baka mas lalong lumala pa ang kondisyon ko."

"Oo na! Oo na! Wala naman akong magagawa, eh."

She smiled at me. "Good girl." Bago niya ako halikan sa labi.

𝐀𝐍𝐆𝐄𝐋 | 𝟏𝟖+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon