Kabanata 10

36 6 0
                                    

Saturday Party...

"Anong klaseng damit iyan?"

"Bakit naka jacket ka?"

"Bakit all black ka? Mukha kang pupunta sa libing ah?"

"Gosh Georgel, ang low ng sense of fashion mo"

Halos laitin na ng mga kaibigan ko ang buong pagkatao ko nang makita nila ang sinusuot kong damit. 

"Hay naku paano ka makakapuntos niyan sa mata ni-"

"Ano ba?!"

Tumingin ako sa buong paligid. Gusto ko takpan ang mga mata ko sa nakikita ko. Para akong nasa bar sa sobrang wild ng mga estudyante dito.

Iilang minuto palang ako pero gusto ko nang umuwi. 

"Matanong nga lang yung mga babae ba dito estudyante talaga o mga nagtatrabaho ang mga ito sa bar? Ang iikli ng mga damit nila at kulang na lang at mahubaran sila sa mga suot nila" bulong ko kay Rose

Hindi pa sila pormal kung kumilos.

"Wala kang pakialam sa kanila, Gel. Hindi mo naman mapipilit sa mga 'yan ang kong anong gusto natin. Hayaan mo sila. Anyways some of them is senior na and drunk. We don't know"

Tinurn down na naman ang mga expectations ko dito sa lugar.

Ang mga kaibigan ko naka dress sila pero hindi naman maiikli. It's fit! Bagay na bagay. Hindi katulad ko-

Nakajacket ako at nakasumbrero na black, nakarubber shoes at may sando ako na white natatabunan ng jacket ko. 

Wala naman akong dress at gaya nga ng sabi ko ganito lang ang laman ng closet ko. I'm not party goers! Malay ko ba!

"Hindi ka ba magpapalit?" tanong ni Rose

"Wala naman akong pamalit"

"Eh kahit hubarin mo lang yang jacket mo at ilagay mo sa bewang mo nang may kastyle-style lang naman ang porma mo" sabi ni Irene

"Nakasando lang ako. Manipis pa ang sando ko. You know, may body dysmorphia ako"

Tumango lang sila. Maiintindihan naman nila kung hindi ako confident sa katawan ko.

Umalis ako sa pwesto namin at nagdesisyon na libutin ang buong bahay. Pumunta ako sa may kusina. Pwede naman na siguro kumain?

Kumuha lang ako nang kumuha na parang hindi talaga ako nabubusog. Hindi ko alam baka may invisible na butas ang tiyan ko at lumulusot lahat ng mga kinakain ko.

Sa gabi ako malakas kumain at hindi sa umaga.

Bigla ko naman naalala si Eugene. Ilang araw na niya akong hindi kinakausap at hindi pinapansin. Kung magkocross man ang landas namin ay hindi naman niya naman ako napapansin o sadyang ayaw niya lang talaga akong pansinin. Minsan nga nabubunggo niya pa ako pero para lang akong hangin na napadaaan sa harapan niya.

My Life Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon