Georgel's POV
"Wake up. Jebal! Don't leave me"
Ang boses na iyon. Pamilyar na tinig na hindi ko matandaan kung saan ko narinig at ang mga salitang sinabi niya, tumatak sa akin lahat.
"Gina. Ayos ka na ba?"
Bigla na lang akong bumalik sa sarili ko. Hindi ko na matandaan ang mga nangyari. Ang huli lang na tumatak sa isip ko ay ang pag-aaway namin ni Janayah at ang bigla niyang paghila sa akin sabay ng pagtulak niya sa akin sa swimming pool.
"Gina! Did you hear me? Hey, are you okay?"
Minulat ko ang mata ko at tumingin sa buong paligid. Medyo malabo ang nakikita ko na may mga puting ilaw at haligi.
Nang tuluyan nang bumalik sa dati ang paningin ko. Lumapit ako sa kanya upang tulyan ko siyang maaninag.
"Wuy! Anong ginagawa mo!" sigaw niya.
Sobrang lapit ko na pala sa kanya iyong tipong konting maling galaw ko lang ay mahahalikan ko na siya. Sinampal ko ang sarili ko sa isip ko.
Kami lang ang tao dito?
"Nasaan ako? Bakit mo ba ako sinisigawan?"
"I'm sorry. Nagulat lang ako nang bigla mo na lang akong nilapitan ng ganyan sa mukha e samantalang nasa tabi mo naman ako."
"Ako? Akala ko kung nasaan na ako at akala ko patay na ako"
"Mukha ba itong langit? At mukha ba akong anghel? HAHAHA nakakataba naman ng puso"
"Nasaan ako? Ano bang nangyari?"
Muli kong inilibot ang paningin ko. May kama na puti, haliging puti, kulay ng kurtina puti tapos ang kaharap ko naman ngayon ay nakasuot din ng puti.
"Nasa langit ka na HAHAHA welcome to your destination"
Isa pa! Hindi ka na nakakatawa. Pati utak din neto naging puti na.
"Kris!!! Hindi ako nagibiro!"
"Mukha ba akong nagibiro?"
Sinamaan ko siya ng tingin kaya agad naman siyang sumeryoso.
"We're worried. Akala namin mamatay ka na. Buti na lang at dumating ako agad."
"Ikaw? Ikaw ang dumating para iligtas ako?"
"Secret"
"Ano ba? Sumeryoso ka nga!"
Hinampas ko siya ng unan.
"Ang laki ng anger issue mo" seryoso siyang lumapit sa akin kaya kinuha ko ang unan at pinangdepensa sa kanya "Gusto mo ba parusahan kita?" sabi niya sa harap mismo ng mukha ko.
Tumayo siya at pumuta sa may pintuan. Naalarma ako at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama. Hinabol ko siya bago niya mahawakan ang door knob. Kaya nung humawak na siya sa door knob ay nagkabanggaan pa kami ng kamay.
"Ano gagawin mo?" sabi ko
"Bakit interesado ka?"
"Bakit? Bawal ba magtanong?"
"Bakit kinakabahan ka?"
"Bakit ka ba nagtatanong?" naiiritang sagot ko
"Bawal din ba magtanong?" nakangiwing prangkang sabi niya
Humarap siya sa akin at ngingisi ngising tumingin. Hinawakan niya ako sa balikat.
"Hoy! Wag kang ano diyan Kris."
BINABASA MO ANG
My Life Of Dreams
Teen FictionNoon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o a...