Nandito na naman ako sa library. Malamig ang temperatura sa loob dahil sa aircon ngunit kung titigan ako ng mga estudyante dito ay parang gusto nilang tunawin ang katawan ko.
Kaya dahil din sa mga tingin nila ay hindi ako nagtagal d'un ngunit nagpapasalamat ako dahil hindi ako ginalaw ng kahit isa sa mga y'un.
Takot lang nila.
Lumabas agad ako. Habang nasa labas ay sinigurado ko munang wala akong naiwan. Ang hirap nang mapagtripan na naman.
"Nandito ka pala babaeng higad"Agad akong napatigil sa ginagawa ko. Hinaharangan ko na pala si Janayah.
"May kailangan ka ba? Nagmamadali kasi ako" sabi ko sa kanyaUmiwas na ako sa gulo. Nilagpasan ko agad siya ngunit bigla siyang nagsalita.
"Ikaw? Alam mo, ang yabang mo porket honor student ka! Ang problema ko lang naman ay nilalandi mo si Kent. Alam mo ba kung anong sabi niya sa akin? Mas gugustuhin niya pa daw ikaw ang maging girlfriend niya kaysa sa akin" sigaw niya sa akin
Napatigil ako at muli siyang hinarap. Ngayon, si Kenneth na naman ang isusumbat sa'kin. Lord! Lagi na lang!
"Ano yung higad d'un at ang malandi sa mga sinabi mo? Hindi ba dapat si Kent 'yun? FYI again si Kent ang kusang lumalapit sa'kin. Siya ang pagsabihan mo" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Hindi mo pa rin gets noh? Ang gusto ko lang naman ay layuan mo siya nagkakaintidihan ba tayo?!" sigaw niya
Naalarma ako sa sigaw niya. Nababaliw na ba siya? Napaikot na lang ako ng mata.
"Janayah may I explain, we are in real world. Hindi ito telenovela na pwede mong manipulahin ang mga tao sa paligid mo nang dahil lang hindi sila sumasangayon sa takbo na gusto mo. Walang direktor dito kaya kahit na sabihin na nating layuan ko si Kent at dahil nga sabi ko sa'yo na siya ang kusang lumalapit sa'kin, wala akong magagawa d'un. Si Kent ang pagsabihan mo at 'wag ako ang komprontahin mo. Baka ikaw ang hindi nakakaintindi"
"How dare you?!"
"Stop being unreasonable okay? Hindi na tayo Grade 1, be responsible sa pag-iisip." seryosong sabi ko sa kanya
"I didn't know that you are so confident like this! E samantalang scholar ka lang naman sa lugar na 'to!"
"Being a scholar is the most prominent thing na maipagmamalaki ko kasi that means I don't use money to survive and instead I use my brain. Being sarcastic anyway, lahat ng successful sa mundo ay ginagamit ang utak, maging ang criminal at mga salot sa politiko gumagamit ng talino para makapanlinlang"
"So you're saying na gusto mo sumali sa politiko para makapanlinlang? Tch! I wonder, kaya ganyan ka. Opportunist!"
The fuck she's saying!
"May latest ako sayo ngayon beshie!"
"Weh! Ano na naman bang chika natin?"
May nagsalita sa likuran ko. Kilala ko na kung sino ang mga 'to.
Hindi lang ako nagpahalata na napansin ko sila bagkus tumutok lang ako kay Janayah na naka-on ang pagiging marites mode niya. Kilala ko siya 'pag may nag-uusap, ugali niyang makijoin in.
"Iba talaga kapag adik ka noh sa taong 'di ka naman gusto. Ako nagkakacrush ako, minsan, nagigiging stalker pa pero.. never pa naman ako napunta sa situation ni Ate girl" parinig ni Rose.
"Eh pa'no ba naman kasi elementary pa lang, crush niya na"
"Kahit na! Ang weird pa rin n'un.. Isa lang ibig sabihin noon Marie! Kapag dati ka pa niyang kasama pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin gusto, that means wala kang pag-asa talaga sa kanya edi sana noon pa 'di ba? Gosh! Hindi ka talaga niya type, accept it or not!"
"Alam mo ang pangit lang tingnan yung parang kang shunga kakahabol sa lalaki. Yung babae mismo yung naghahabol sa lalaki parang imbes na maging romantic, anlaswa na tuloy tingnan. Lahat ibibigay para lang makuha yung lalaking gusto niya at kulang nalang ibigay niya yung v-"
BINABASA MO ANG
My Life Of Dreams
Teen FictionNoon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o a...