A/N: "Iris" by Googoo Dolls is a song that's my tribute to Terrence Eugene para mas lalo niyong mafeel yung perspective niya sa chapter na 'to. Iyon lang! Happy reading, everyone.
Halos hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi sa'kin ni Eugene. Iisipin ko na niloloko niya ako ngunit sa pagkakataong ito, ramdam na ramdam ko 'yung sinseridad at maging bigat ng pinagdadaanan niya.
Maybe it's hard to open up that easily. Nilaro niya lang pagdating sa'kin. But I'm still glad that he trust me with his words. Sana maging ayos siya. Ang hirap maging hopeless.
Alam ko namang hindi niya sinabi lahat-lahat pero naiintindihan ko.
"Mali ka naman e!"
"What? Tama iyong strumming ko"
"Hindi naman kasi klaro yung pagpapatugtog mo ng gitara e!"
"Hindi mo lang matanggap na talo ka. Kaya huwag ka nang magpalusot.."
Naglalaro na kami dito sa balcony. Hanggang ngayon ay mas lamang pa rin siya sa akin.
Kapag nagkamali ako ng hula ay mababawasan ang puntos na nakuha ko at malilipat yun kay Eugene. 'Pag hindi naman ako nakahula ay walang mawawala sa akin pero madadagdagan pa rin ang puntos niya.
Minamali niya talaga. Kahit na magbigay siya ng hint e pampalito niya lang yun. Sasabihin niya na iba ang pamagat ng kanta kahit tama naman ang sinabi ko.
"You lose. Pa'no ba yan?"
"Anong talo ka dyan?"
Inaasar niya ako na parang bata. E parang laro lang naman to. Feel na feel niya talaga ang pagkapanalo. Akala mo naman nakachamba siya sa lotto samantalang nandaya lang naman siya.
Nakanguso akong inirapan siya ng mata.
"Iba na lang laro natin."
"Ayoko na. Mandadaya ka na naman.."
Tumahimik na lang ako at hindi siya pinansin.
Idinausdos ko ang boung katawan ko sa sofa. Ang sarap kasi sa pakiramdam. Ang lambot ng sofa at mararamdaman mo yun 'pag oras na dumikit ang balat mo dito. Kasunod nun ay ipinatong ko ang paa ko sa mesa at inilagay ang kamay ko sa ulo bilang unan.
"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya..
Tinikom ko na lang ang bibig ko. Wala talaga akong mapapala kapag siya ang kausap. Mukhang 'the no. you have dialed cannot be reach' 'yung mode niya ngayon.
Pinahinga ko sa panandaliang oras ang utak ko. Ang daming nangyari kaganina. Ang daming 'ganap'. Iba-iba at halo-halo.
Teka lang! Cp ko? Bigla akong nataranta. Napatayo ako at kinabahan. Huling hawak ko 'yun nung nasa party ako. Pero nung nagising na ako ay nawala na yun sa isip ko.
"Oh bakit?" narinig ko pa na tanong ni Eugene..
"Iyong.."
Hindi ko alam kung paano ko ikekwento sa kanya. Pinaypay ko ang kamay ko sa sarili ko dahil hindi ako mapakali. Shet! Ang mahal-mahal no'n at bukod pa don ay maraming nakasave na memories, mga school works at project.
"Hey! Bakit hindi ka ba mapakali? Parang may nangyaring masama at ganyan ang mukha mo ngayon"
"E yun nga e.. Nagrerelaks ako tapos p****** naalala ko na nakalimutan ko pala ang cellphone ko sa bahay ni Kris. Bwesit! Hindi ko pa alam kung saan ko nalapag yun"
BINABASA MO ANG
My Life Of Dreams
Teen FictionNoon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o a...