Monday na...
Nagmadali na ako papuntang library para ibigay yung essay na isinulat ko.
Maraming tao siguro sa library ngayon dahil test na namin ngayong week.
Ang iba nasa library para makahanap ng katahimikan habang ang ilan ay nagmamadaling habulin ang mga nakaraang gawain nila sapagkat 'di sila makakuha ng quarterly exam nang may mga missing task pa.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay ang dami ng tao. Tiningan ko yung sulok-sulok kaso wala parin akong makita na upuan.
Hindi naman ako sumukong maghanap pa hanggang sa makakita ako ng isa. Nakita ko na may isang upuan at andoon si Kuya Kris kaso kasama niya sina Kuya Eugene, Kuya Wil, Dylan at Kent.
Aalis ba ako? Babalik na lang ako. Imemessage ko muna siya. O kahit sa labas na lang ng library niya ako kitain.
"Ms. Lain?"
Si Ms. Tin...
"Bakit po?" magalang na tanong ko
"Mr. Rosales is waiting for you. Hinahanap mo ba? Come here" sabi ng librarian.
"Ahh miss-" palusot ko
"Why?"
Sasabihin ko ba? Huwag na! Susunod na lang ako.
"Nevermind po, I forgot" naubusan na ako ng lusot.
Nagtuloy-tuloy lang ako habang inili-lead sa'kin ni Ms. Tin ang daan papunta sa pwesto nila. Pagkarating na pagkarating ko pa lang ay ramdam ko na ang tensyon sa paligid. Maging ang ibang estudyante'y binigyan kami ng atensyon.
Luminga sa'kin ang tatlo maliban kay Kuya Eugene. Napapahiya naman akong napayuko.
"Here! Just report me the progress later"
"N-noted miss"
Umalis na naman si Ms. Tin.
"Take a seat, Georgina" utos ni Kris
Tumabi ako kay Kent at nasa harap ko si Kuya Eugene.
"Bakit ka pala andito?" tanong ni Kent.
"Kaya nga"
"Kapartner ko siya sa annual contest na sinasalihan ng school library. Actually, kaya ako nagpareserve ng upuan para sa kanya" sabi ni Kuya Kris
"Oh? Angas niyan. Contest enthusiast rin 'to si Georgel e" ani Kent.
Tumingin lang si Kuya Eugene pagkatapos ay binaling ulit ang atensyon sa cp.
"Buti nagkakasundo kayo?" tanong ulit ni Kent
"Maayos naman kausap si Kris" sabi ko
"Kris?! Kailan mo pa siya tinatawag na Kris?" biglang sumigaw si Dylan
"Hoy! Ang OA naman neto?" sabi ni Kent
"Kailan pa kayo naging close, Georgel?"
"Parang ang big deal naman sa'yo ng 'di pagtawag ng kuya"
"Kaibigan niya ako!" sabi ni Dylan
Napakunot ang noo ko. Malapit na sila magbulyawan.
BINABASA MO ANG
My Life Of Dreams
Teen FictionNoon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o a...