Kabanata 14

20 2 0
                                    

"Ang babaeng toh. Mukha kang pamilyar sa akin" seryosong sabi niya sa akin

Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko sapagkat kinabahan ako dahil sa reaksyon ng mukha niya. Magkasalubong ang kilay niya at mukhang may galit sa akin.

"Pa'no naging pamilyar? E hindi pa naman kayo nagkikita," takang tanong sa kanya ni Eugene.

Naiilang naman akong tinitingnan lang siya.

"Yeah! Siya nga iyon. Nakita na kita!"

Nagtataka akong nakipagpalitan ng tingin sa kanilang dalawa ni Eugene.

"Saan?" tanong ulit ni Eugene
.

.

.
"Sa panaginip ko"

"What the heck Ate Wendy!" naiinis na singhal sa kanya ni Eugene

Ngayon, kilala ko na si Wendy. Kung tatanungin, mga 10/10 ang itsura. Napakaganda at mestiza, halata namang 'di purong Pinoy sa tayuan/datingan. Napakamahinhin rin, iyong tipong pangfemale lead ang atake.

"Eto naman 'di mabiro hahaha sorry. Masyado kasi kayong seryoso," natatawang sabi niya sabay hampas kay Eugene na ngayon ay 'di maipinta ang mukha..

Nakingiti na lang rin ako kay Ate Wendy. Itong kasama ko 'di marunong makisama.

"Hi! I'm Wendy, pinsan ni Eugene"

Iniabot niya ang kamay niya sa akin. Agad ko namang kinuha 'yon at nakipaghandshake sa kanya.

"Georgel"

"Oooh.. Gel" sabi niya habang sinisingkitan kami ng mata ni Eugene.

"Tch! Kung ano-ano na namang pumapasok sa utak mo"

"Wae? Hehehe" sabi niya habang nakataas ang kilay kay Eugene

Binigyan lang siya ni Eugene ng isang walang ganang tingin.

"Saan ka ba nagsusuot ha? Nung nakaraan mo pa hindi binabalik yung sasakyan ko," pag-iiba niya ng punto ng usapan.

"E nagsabi naman ako sa iyo na hihiramin ko sa Friday. Um-oo ka naman di ba? Wala ka namang sinabi na kukunin mo agad. Na parang dalawang araw pa lang naman na nasa akin yang van mo. Ano bang gagawin mo dyan?"

"Malamang gagamitin"

"E bakit parang galit ka?"

"Hindi ako galit"

"Ngiti ka muna"

Hindi siya sinagot ni Kuyang katabi ko.

"Kahit kalian, ang sungit mo sa akin. Hanggang ngayon ba e hindi ka pa rin nakakamove-on sa mga nangyari sa atin?"

"Hindi ko kailangang maging mabait para masabing nakamove on na ako sa mga nangyari noon at mas lalong hindi ko kailangang magmove on"

Hindi na nakapagsalita si Ate Wendy. Kung mag-usap silang dalawa, akala mo naman ay walang ibang taong nasa harapan nila na walang kamuang-muang sa kung anong meron/naganap sa buhay nilang magpamilya.

"Oh eto na ang susi"

Inabot niya ang susi kay Eugene pero hindi niya agad ito tinangggap. Tiningnan niya lang ito at muling bumalik ang atensyon niya kay Wendy. Binigyan niyo ito ng seryosong tingin.

"Saan ka ba nanggaling?" seryosong tanong niya

"Lumabas ako kahapon. Pumunta ako ng Tagaytay."

"Ikaw lang?"

"Oo"

"Sinungaling"

Natahimik si Wendy at nawala ang mga ngiti sa labi niya.

"Ano na naman bang pinagkakaabalahan mo?"

Hindi pa rin siya sumagot. Nagpasalit-salit lang ang atensyon ko sa kanilang dalawa. Nagtitigan lang sila at para bang nakikipagkomunikasyon sila sa isa't isa.

"Alam kong pumunta ka sa party kagabi"

Bakas ang pagkagulat sa mukha niya. Kagabi?! Iyon iyong muntik na akong dalawang beses mamamatay.

"Tatanungin kita at ito na ang panghuli. Anong ginagawa mo sa party kagabi?" salubong ang kilay na tanong niya kay Ate Wendy

"Oo na. Nandoon nga ako pero sandali lang yun. Sinundo ko lang ang kapatid ko at hinatid siya sa bahay niya doon sa Tagaytay. What's wrong with it, huh?"

"Talaga bang siya ang hinatid mo? O baka may ginawa na naman kayong kababalaghan nung boyfriend mo?"

"Grabe ka samin ni Jong Ki. Kasama ko nga siya kagabi. E bigla na lang siyang nagyaya after party. Nagpaiwan dun si bunso kaya kaming dalawa na lang. We went together in Tagaytay instead. Tch!"

"Date ba talagang pakay niyo dun sa Tagaytay? E Bakit inumaga na nung makabalik kayo?"

"Malamang gabi na kaya dun na rin kami natulog. What the hell Eugene? Akala ko ba huli na yung tanong mo?"

My Life Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon