Ako nga pala si Georgina Angel Lain, yung Lain ko ay pinopronouce as Line, marami kasing nagkakamali ng pronounciation lalo na yung mga guro ko, minsan La in or Lane. Kilala ako sa tawag na Georgel.
Hindi naman ako sikat sa campus. Simple lang ako kung mag-ayos, palaging nakatali yung buhok, iyong style ko pabalik-balik. Tanging suot ko na accessory ay iyong bigay ng tatay ko na singsing na may Georgel na pangalang nakaukit. Siguro 'yon na ang prominenteng bagay na nakalagay sa katawan ko.
Pagdating naman sa personalidad ay madaldal ako pagdating sa mga kaibigan ko at tanging sa mga kaibigan ko lang pinapakita iyong ugali ko. Hindi masama ugali ko, prangka kung minsan ngunit mas malala ang mga kaibigan ko. Pero kung gusto niyo ay ipapakilala ko na rin sila:
Rose Rivera na mala attorney kong magsalita at wala siyang pakialam kung mas matanda ka sakanya basta't nasa mali ka. Maganda siya at mahahalata mo ang pagiging rich kid hindi lamang sa kutis at pananalita niya.
Si Marie Hernandez, kpop enthusiast! Kapag kinalaban mo siya hindi siya mahihiyang pagsalitaan ka ng mga bagay na hindi mo magugustuhan. Mabait naman siya pero bilang lang sa katawan niya.
Si Cloe Comps, dakilang athlete na mahilig mambalibag pero huwag kayong mag-alala dahil mabait siya pwera na lang kung pagkain iyong pinag-uusapan. Galawin niyo na lahat, huwag lang kinakain niya.
Meg Gonzalez, mabait na matalino pa, advice giver namin. Siguro siya na ang pinakasoft spoken sa lahat at maging sa klase. Hindi na ako magtataka kung kuhang-kuha niya ang respeto ng buong klase.
Si Anne Lopez, dancer na at varstiy player pa. Muscle baby sa grupo at mahahalata mong gym rat. Nanghahampas siya hindi lang ng bola kundi ng katabi, mamaga buong braso mo kapag pinatawa mo siya.
Si Angelu Aguilar na ang hilig hilig sumayaw. Isang kembot, bading lahat. Poganda! Napakabf material pero mas straight pa sa ruler, e! Muntik ko nang maging crush.
Si Irene Pascual, siya iyong pinaka close ko sa lahat, ang galing galing niya kumanta pero napakatahimik at napakainosente niya, may lihim siyang pagtingin kay Wil.
Kapag may problema ako, sila minsan iyong nalalapitan ko. Walang pakialam sa sinasabi ng iba ngunit ramdam mo yung init ng presensya nila. Sila na iyong palang naging pamilya ko simula nung umalis ako ng US, wala kasing tao sa bahay maliban kay yaya at sa akin. Ang hirap na kasi magtiwala ngayon, maraming mga plastic na kaibigan at may mga kaibigan rin na hindi ka malaya na ipadama iyong nararamdaman mo.
Ang buhay ko ay puro bahay to school and vice-versa. Pinapayagan naman ako ng mga kuya ko na gumala pero masyado akong reserve sa social battery ko. Kung iisipin, unang impresyon agad sakin ay nerd. Hindi naman sila nagkakamali. Mahilig ako magbasa ng mga libro kaya tambayan ko yung library dahil bukod na sa malamig ay napakatahimik pa. Bukod sa libro ay isa sa mga pinagkakaabalahan ko ay musika.
Isa sa mga long-term crush ko ay galing sa isang boyband.
Kung pwede lang ibigay 'yon sakin ni Lord.
Natutulog ako sa may Canteen nang may narinig akong ingay. Nagkakagulo na naman sa simpleng tao ang mga estudyante sa paligid ko.
"Hi!" pacute na sabi ni Ben namay pakindat kindat pang nalalaman
"Narinig niyo ba iyon?"
"Waaah andyan n naman ang magpinsan"
"I lab you Kuya Ben ang gwapo niyo po!"
"Justin pa autograph naman oh!"
BINABASA MO ANG
My Life Of Dreams
Teen FictionNoon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o a...