Kabanata 15

16 2 2
                                    

"HAPPY BIRTHDAY!!!"

Napatingin ako kay Eugene. Tiningnan niya lang rin ako. Hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

"Gel! Come on! What are you waiting for?"

"Hey! Give us a hug little girl"

"Kuya Dan.. Kuya Mich!" sigaw ko patakbo sa kanila

Agad ko silang binigyan ng napakahigpit na yakap. Tumatalon ang puso ko sa saya. Nandito iyong dalawa kong kapatid.

"'Di ko expected na uuwi pala kayo"

"Of course syempre! You shouldn't," si Kuya Dan

"That's why it is a surprise. Psh!" pasinghal na sabi ni Kuya Mich

"Wait! Kaya pala sabi niyo na huwag muna akong umuwi. Kayo ah. Sana sinabi niyo edi sana hindi nga ako umuwi"

"Stupid! Edi hindi na surprise," si Kuya Michael.

"The principle of logical thinking," si Kuya Dan

"Biro lang naman.. Kayo, lumayo lang kayo tapos inaaway niyo na ako. Hmmp.." sabi ko

"Huwag ka ngang pabebe diyan. Nakakahiya ka kay Eugene oh" si Kuya Dan

Tiningnan ko si Eugene, tumango lang siya.

"Ah kuya! Paano niyo nakilala si Eugene?"

"Matagal na namin siyang kilala. 'Di ka pa nag-eexist sa mundong ito," si Kuya Dan

"OA ah?"

"Close na namin yan si Eugene noon pa, kahit noong naiyak ka pa kasi 'di ka pinayagan bilhan ng barbie ni mommy hehe" si Kuya Mich

"Walang hiya! Napakatagal na no'n"

Totoo naman ang mga sinabi nila. Naiyak talaga ako kapag hindi ako binibilhan ni mommy ng barbie na wala pang isang linggo sira na sa mga kamay ko.

"Ahahahaha. Actually we talk to her sister. Trisha contacted me na you are staying on their house. When we recieved her message, we told her immediately about our surprise and ask for her cooperation and she just said yes," si Kuya Mich

Ngayon alam ko na mga rason ng mga ginagawa ni Ate Trisha. May kung ano-anong nilalagay at sinasabi sa akin.

"Nga pala Gel. Anong ginagawa mo dun?" tanong ni Kuya Dan

Nakikilamon ng masasarap na ulam nila do'n habang pinipeste ng bunsong anak nila.

"Right Gel. E 'di ba sabi mo you are staying with your friends?"

"Ahhh," tanging naisabi ko .

Nakangisi lang akong kinakabahan sa harap nila. Lumingon ako sa likuran ko at binigyan ko ng signal si Eugene.

"Excuse me. Dan, Mich, Ako na lang ang mag-eexplain"

Mahinang buntong-hininga ang lumabas sa bibig ko. Lumapit siya papunta sa kinaroroonan namin.

"Napahiwalay kasi siya sa mga kaibigan niya ng mga oras na iyon. Sakto pauwi na rin ako ng mga oras na iyon at tinulungan ko siya na mahanap sila pero hindi na namin sila makita," bahagya niya akong tiningnan at tumango-tango ako bilang pananda na magpatuloy siya, "Sinabi niya sa akin na hindi muna siya uuwi. Kinontak ko si ate kung pwede sa amin na lang siya at pumayag naman siya kaya dun muna siya nakitulog pansamantala."

Tagalog na tagalog...

"Ooh. You contacted us also right Gene. Dan you recieved it.?"

"Yeah. But I read it late"

My Life Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon