Kabanata 27

367 22 0
                                    

27






---
Pagkababa ko nang hagdanan ay masayang tili ni Chacey ang agad kong narinig. Napangiti ako nang makitang may nilalaro silang dalawa ni Preston sa tablet. Magkatabi sila sa sofa sa sala.

"Madali lang ang ML, 'di ba?" Tumatawang saad ni Preston.

Ang kaninang tuwa ko ay agarang napalitan ng gulat. Umusbong ang irita sa akin dahilan para lapitan ko ang kapatid at palihim na kinurot sa likod.

"Aray! Masakit Ate!" Nakangiwi niyang hinagod ang parte ng kaniyang likuran.

"Bata pa si Chacey, tapos ml nilalaro mo, akala ko naman at pambatang laro lang 'yang pinapakita mo!" Mariin kong ani sa kaniya bago siya pinandilatan ng mata.

"Gusto rin naman kasi ng bata, Ate! Tsaka mas mabuti na rin iyang matuto siya— Ate! Ano ba! Masakit!"

"Isa pa Preston hindi na kurot aabutin mo," pagbabanta ko bago binalingan si Chacey na mahinang tumatawa lang sa gilid. Agad na nagbago ang reaksyon ko.

"Baby halika," nakangiti kong ani. Tumalon siya sa sofa at tumakbo papalapit sa akin.

"Where's kuya? Is he alright now?" aniya habang nakatingala sa akin. Kinuha ko ang kaniyang maliit na kamay bago lumuhod sa kaniyang harapan.

"Medyo okay na si Kuya mo, ang sabi niya uuwi na daw kayo ngayon. Baka rin kasi nag-aalala na ang Mommy mo," ani ko at inaayos na rin ang kaniyang buhok. Her hair is so soft and silky. It's not straight, curly ito at medyo manilaw. Bagay na bagay sa kaniyang maputing kutis.

"Kuya Presty said he'll teach me to play a game... I want to stay more," nakanguso niyang sambit. Bahagya akong natawa dahil sa tinawag niya kay Preston.

"Asuss! Sabihin mo kay Kuya mo na dito ka na lang muna, tapos iuuwi na lang kita mamayang gabi," ani naman ni Preston at parang demonyo na tinutukso ang bata. Pinandilatan ko ulit ang kapatid dahilan ng mabilisan nitong pagtiklop. Chacey giggled and looked up. Lumiwanag ang kaniyang mukha at tumakbo papunta sa aking likuran.

"Kuya!" She jump on Chrispher's waist and hugged tightly to it. Tumawa si Chrispher at hinagod ang likod ng kapatid. Dahan-dahan akong napatayo at hindi na mapigilan pang mapangiti. Watching this two siblings made my heart skip a beat. Pero sa isang iglat ay mas dumoble nang nag-angat ng tingin si Chrispher gamit ang kaniyang makulay na ngiti sa akin. Natigilan ako sa aking pwesto.

Lumabas si Mama galing sa kusina dahilan ng pagbaling ni Chrispher sa direksyon nito. Kagat-labi ko namang nailagay ang takas ng aking buhok sa likod ng tenga.

"Nagpapa-cute ka na niyan, Ate?" Ngiwi ng kapatid at mabilis na naglakad papalayo sa akin. Agarang napalitan ng simangot ang aking ekspresyon. Sarap talagang kutungan ng lalaking 'to e.

"Iho? Uuwi na ba kayo?" rinig kong saad ni Mama.

"Uhmm... Opo Tita, e. Siguradong nag-aalala na parents namin ngayon. Hindi kasi ako nakatawag sa kanila kasi hindi ko dala ang phone ko tsaka nakalimutan ko rin po e," nahihiya siyang nagkamot ng ulo.

Napangiti si Mama at napatitig kay Chacey. Lumapit si Mama sa bata at may ibinulong, maya-maya lang ay nagtatalon na sa tuwa ang bata at tumakbo pabalik sa akin. Napakurap ako at napatitig kay Mama na may makahulugang ngiti na ngayon.

"Chrispher... mag-usap muna tayo saglit," ani ni Mama na ngayon ay agarang naging seryoso.

"Sure po," si Chrispher at bahagyang napasulyap sa akin. He smiled and winked before following my Mom inside the kitchen.

Umusbong ang kaba sa kaloob-looban ko nang mapansin ang kakaibang kinikilos ni Mama. Ano kaya ang meron? Bakit pakiramdam ko ay may sasabihin siyang hindi ko magugustuhan? P-pero ano naman iyon? Wala naman akong tinatago, ah? Ahmm... w-wala nga ba?

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon