07
----
"Ate..." Tawag ng kapatid kong kanina pa ako hindi pinapansin.
Nakasuot ako ng black leather jacket na may fitted white t-shirt sa loob at jeans naman sa pang-ibaba. Handang handa na sa pag-alis.
"Hmm?" Ani ko at ibinaba ang baso ng tubig.
Kakauwi ko lang sa bahay. May kinuha lang na konting gamit at gears na gagamitin sa raid namin mamayang alas-nwebe ng gabi. Alas-onse pa lang ng umaga ngayon at kailangan na naming pumunta sa Pasay pero mas pinili ko munang umuwi at kamustahin ang kapatid at si Mama.
Nanatiling nakayuko ang kapatid ko at parang ayaw mag-angat ng tingin. Nasa harap lang siya ng lamesa at nagbabasa ata ng libro.
"Bakit Preston?" Nag-aalalang tanong ko.
Unti-unting umusbong ang paninikip ng puso ko nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Ang mga mata niya ay mapupula at medyo namamaga na. Napalunok ako ng tumayo siya at walang pagdadalawang isip na sinunggaban ako ng yakap. Napasinghap ako sa gulat.
"Preston..." Nag-init ang mga mata ko nang nanginig ang mga balikat niya at napahikbi.
"Oyy... Para namang lalayas ako niyan." Nagpakawala ako ng biro pero alam kong hindi iyon kumagat.
Nag-iinit ang puso ko dahil sa sitwasyong 'to. Napakagat labi ako at tinanggal ang pagkakayakap ng kapatid. Nang nailayo ko siya ng kaunti ay agad na nanginig ang labi ko ng nakitang punong-puno ng luha ang kaniyang mga mata.
"Ate..." Hikbi niya at agad na tinakpan ng braso ang mga mata.
Pinilit kong ngumiti. "Para namang unang beses ko 'to, Preston," I chuckled.
"Hindi nga..." Aniya habang nagpupunas ng mata at bahagyang tumalikod. Tinawanan ko siya at niyakap sa likuran.
"Kailan ka pa nawalan ng tiwala sa akin? Ha?!" Pabiro akong sumimangot. Umiling lang siya at nagpatuloy sa pagpupunas ng mata.
"Preston... totoo bang may school event kayo ngayong lunes?" Pag-iiba ko ng topic. Tumango lang siya at mahinang suminghot. Napangiti ako at kumalas na sa pagkakayakap sa kaniya. Tinapik ko ang balikat niya.
"Pwede outsiders'di ba?" Tanong ko ulit. Humarap siya sa akin na nakasimangot. Ngumuso ako para pigilan ang nagtatago kong tawa.
"Bakit?" Masungit niyang saad.
"Isama mo 'ko, ah!" Nakangiting ani ko. Naalala ko kasi iyong binanggit na school event ni Chrispher. Iyon ang naisip ko na paraan para gumaan ang pakiramdam ng kapatid ko.
Ngumuso lang siya at padabog na bumalik sa pagkakaupo sa kaniyang upuan at hinarap ulit ang libro. Napatawa ako at kinurot ng bahagya ang kaniyang pisngi na agad niya namang tinampal.
"Aba?! Ba't bigla na lang nagsungit? Susss!" Kinurot ko siya ulit pero bago pa man niya ako ma-tampal ulit ay tumakbo na ako papunta sa kwarto ni Mama. Iniwan ko ang kapatid kong parang nilamutak ng demonyo ang mukha.
Nang makapasok sa kwarto ni Mama ay agad ko siyang nakita na nakahiga sa kama at nakabalot ng kumot hanggang dibdib. Napangiti ako at masuyong humiga sa tabi niya.
"Ma..." Ani ko at niyakap siya sa bewang.
"Hmmm..." She hummed.
"Kailan po ba uuwi si Papa?" Tanong ko. Naramdaman ko ang pagka-estatwa niya na ipinagsawalang bahala ko na lang.
"Sa makalawa pa ata, bakit?" Pansin ko ang lungkot sa boses na nagpakislot ulit sa puso ko.
"Wala, natanong ko lang," pagkatapos no'n ay natahimik na sa pagitan namin. Hinayaan ko muna na lamunin kami ng katahimikan.
BINABASA MO ANG
OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]
Ficción GeneralOfficers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a thrilling life as a policewoman, Inspector Phoebe Narine Valerino did not wish for more. Her life as a Police Officer, serving her beloved c...