Kabanata 03

748 40 3
                                    

03





---

"Mag-g-gym ka ba ate?" Tanong ng kapatid kong kakababa lang ng hagdanan. Preskong presko ang porma. May dala-dalang kulay asul na duffle bag.

"Bukas na lang siguro, may pupuntahan pa kasi ako e," sabi ko habang busy sa pagtitirintas ng sapatos. Naramdaman ko ang presensiya ng kapatid ko sa harap ko.

"Saan?" Aniya. Nangunot ang noo ko at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ipapatingin ko muna ang Ducati ko, nagasgasan kasi no'ng isang araw," ani ko at ibinaling ulit ang tingin sa sapatos.

"Nagasgasan?! Bakit?! Sinong gumasgas?!" Hindi makapaniwalang aniya. Pagod akong huminga ng malalim.

"Studyante, ka schoolmate mo ata. Binangga ako," nag-iinit ulo kapag naalala talaga 'yun e. Pero maayos naman ngayon kaya gumiginhawa na rin pakiramdam ko.

"Taga-UST?! Ano pangalan? Baka kilala ko," sabi niya at umupo sa kaharap kong sofa. Tinapos ko na muna ang pag-aayos sa sapatos ko bago siya sinagot.

"Chrispher ata 'yon? Magno ang apelyido," ani ko ng 'di siya tinitingnan. Tumayo ako at pumunta sa cabinet na puno ng perfume na koleksyon ni Mama. Halos matapon ko pa ang nakuha kong perfume ng agad na sumigaw ang kapatid kong si Preston.

"Si Kuya Chrispher?! Talaga ate?!"

Sinimangutan ko siya at in-aksyunang ibabato ang perfume sa kaniya. Tumawa lang siya at dali-daling tumayo at lumapit sa akin.

"Ate, magkikita ba kayo ngayon?" Bakas ang excitement sa itsura niya.

"Oo, bakit?" Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil nagbibigay na siya ng nakakainis na ngisi. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pagpili ng magandang perfume.

"I-kwento mo 'ko ate! Sabihin mo may kapatid kang gwapo na Preston Charles ang pangalan tapos sabihin mo turuan niya ako ng mga amazing moves niya sa basketball!" Tuwang-tuwa na suggest niya. "Jowain mo na lang kaya 'yun at-" agad ko ng nabatukan ang pumuputak kong kapatid.

"Huwag mo 'ko isali sa kalokohan mo, ha?" Sabay irap ko sa kapatid kong naghihimas ng ulo at may ngisi pa rin sa labi.

"Idol ko 'talaga 'yon ate e! Minsan lang kami mag-usap kasi busy siya palagi sa school," sabi niya nakasunod pa rin sa akin.

Tumaas ang kilay ko at napailing. Pake ko naman? Gagamitin pa ata ako nito para makalapit sa idol kuno niya. Psh. Ano namang ka-idol idol sa lalaking 'yon?

Habang nagsu-suggest ang kapatid ko ay agad na tumunog ang cp ko para sa isang tawag. Nang makitang numero iyon ni Chrispher ay tamad kong sinagot.

"Oh?" Bungad ko at agad na isinukbit sa balikat ang itim na bag.

"Where are you?" His voice sounded so jolly.

"On the way na," ani ko at kinuha na ang susi sa isa sa kabinet namin. Nagpaalam na muna ako kay Mama, si Papa ay maagang umalis, halatang iniiwasan ako.

"Siya na ba yan ate?" Tanong ng kapatid kong agad kong pinatahimik.

"Take care, I'll wait for you here." Aniya, Um-oo na lang ako at pinatay na ang tawag.

Bago kasi ako tuluyang nakatulog kagabi ay sinabi ko na agad ang plano ko. Kailangan ay maaga kami dahil talagang may trabaho pa akong hahabulin.

Nang makalabas na ng bahay ay agad na akong dumiretso sa basement. Kinuha ko ang Ducati ko at sumunod naman ang kapatid ko para kunin din ang kaniyang kotse. Ngising-ngisi pa siya at binusenahan ako. Binaba ko ang salamin ng Helmet ko at pinagtaasan siya ng kilay.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon