30
---
Pagkarating ng mga pinatawag kong mga kasamahan ay hindi na ako nagdalawang isip na bumyahe pabalik ng headquarters. Tulala at maraming bumabagabag sa isip ay hindi ko na pinansin pa ang dugo na naiwan sa aking damit. Wala akong ibang maisip kundi si Chrispher.Naiisip ko pa lang na ginawa niya iyon ay tila napaparalisado na ang utak ko. Chrispher will never do such thing! Isa lang ang bagay na gusto kong gawin ngayon. Iyon ay ang makita at makausap siya. Damn! I badly want to see him right now! He's fucking innocent!
Nang makarating sa headquarters ay ang mga nagkakagulong kasamahan ang aking nadatnan. Puros may kaniya-kaniyang trabaho at tila walang oras para man lang tumigil. Salin-salin sila at nagpupunta saan-saan, pero hindi na iyon ang mas pinagtuonan ko ng pansin. Tumakbo ako papunta sa opisina ni Chief Manulo. Balita ko'y nandoon daw silang lahat pati si Lupin. Hindi na ako kumatok at walang ano-ano'y binuksan ko na ang pintuan.
Natigilan ako ng bumungad sa akin ang kasalungat na ingay mula sa labas. Dito'y tila nakakabingi ang katahimikan at tipong lahat ng nandito'y may kaniya-kaniyang pinagdadaanan. Si Chief na nakatitig sa kawalan. Si Lupin na malungkot na sa sahig lamang ang tingin at ang tatlo pa naming kasamahan na siguro'y isa sa mga nag-iimbestiga.
"C-Chief..." Nanginginig ang boses kong tawag sa kaniya.
Dahan-dahan silang nag-angat ng tingin sa akin at tila ngayon lamang ako napansin. Ang kaninang kaba ko ay nagsimula ulit na mas grumabe. Ang tuhod kong nanginginig ay unti-unting nanghihina.
Ang mga mukha nila'y puno ng simpatya sa akin. Puno ng patawad, puno ng mga salitang hindi masabi-sabi. Halos sabay din silang nag-iwas dahilan para sumakit ang puso ko sa pagtataka. Nang akmang magsasalita na ako ay ang siya rin namang pagpasok ni General Villegas sa opisina. Mahina itong tumawa at tinapik ang aking balikat.
"This is a good job for all of us, Chief Manulo! You're team deserves to have a celebration! Kung hindi rin dahil sa inyo'y hindi natin matatapos ang kasong ito. I am so grateful to all of you!" Matagumpay siyang tumawa. "I am... The General Police will help you gain promotion in this field!"
I clenched my fist tightly as I gritted my teeth to hide my anger. Nagsimula ulit na manubig ang mga mata ko nang makita ko ang pilit na ngiti ng mga kasamahan. Tanging ako lamang ang wala sa panahong makipag-plastikan sa sitwasyong ito. Nanatili akong nakatuod sa aking pwesto.
"T-thank you... General," ani ni Chief Manulo at nagawa pang makipag-kamay sa mismong harap ko. I want to scoffed to express my emotions but I can't make any bad moves in this moment.
"We'll, I guess I interrupted a very confidential meeting," General Villegas laughed. "I will head out for now. Again, team... Congratulations to all of us!" At lumabas na siya.
Doon ko lamang hindi na napigilan ang matatalim na tingin kay Chief Manulo. Nanunubig man ang mga mata'y hindi ko na siya napigilan pang pagsalitaan.
"Akala ko ba ay atin lang 'to, Chief?!"
"I-Inspector..." He trembled.
Umiling ako at mas lumapit sa kaniyang lamesa. Ngayon ay mas klaro ko na ang kulubot sa kaniyang mukha na nagpapahiwatig ng problema o 'di kaya'y katandaan.
"Akala ko ba ay atin lang 'to! Chief?!" Pag-uulit ko.
"Inspector Valerino!" Saway sa akin ni Lupin ngunit hindi na ako nagpa-awat pa.
"B-bakit..." I took a deep breath. "... Bakit nasali si General nang naganap ang kidnapping?! Kaninong kaso ba talaga 'to, Chief?! Dapat alam namin 'yon!"
BINABASA MO ANG
OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]
Ficción GeneralOfficers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a thrilling life as a policewoman, Inspector Phoebe Narine Valerino did not wish for more. Her life as a Police Officer, serving her beloved c...