Kabanata 06

610 34 2
                                    

06







---

"One hundred eight... One hundred nine... One hundred ten... One hundred eleven..."

Iniinda ko ang bigat at sakit sa ilalim ng tuhod ko habang inaangat ang katawan. Nakasabit ang dalawa kong paa sa isang pole habang gumagawa ng curl-ups.

"One... hundred sixteen! One hundred... seventeen! One hundred eighteen! Ahh!" Marahas akong nagbuga ng hangin habang hinahayaang lumugay ang mga kamay sa taas ng aking ulo.

Nakatingala na ako ngayon sa damuhan na nasa uluhan ko lang, nire-relax muna ang mga kalamnan bago gumalaw. Inangat ko ang kamay at ulo ko para maabot ang pole at bumaba na. Ramdam ko ang pagtataas baba ng dibdib ko at ang mabibigat kong hininga bago lumapit sa dala kong duffle bag at kinuha ang dala kong mineral water. Pinunasan ko na rin ang pawis ko sa katawan gamit ang dalang towel bago inabot ang cellphone na tumutunod dahil sa isang tawag. Nang makitang kay Andrew iyon ay agad ko nang sinagot.

"Phob!" Masayang aniya. Ibinaba ko na ang towel at ipinasok sa duffle bag.

"Andrew!" Nakangiting ani ko at nagpatuloy. "Napatawag ka?"

"May gagawin ka ba ngayon?"

"Konti lang naman, bakit?" Sabi ko sabay lingon sa paligid. Malapit na rin pa lang mag-umaga. Kitang-kita ko ang papa-angat ng araw mula dito sa parke na kinatatayuan ko.

"Bibisitahin sana kita diyan sa opisina mo, okay lang ba?"

Kinuha ko na ang duffle bag ko at isinukbit sa aking kanang balikat.

"Oo naman, kailan ka darating?" Naglakad na ako paalis sa parke at pumunta sa aking kotse.

"Mga mamayang nine pa naman. Sige, Phob. Take care..." Sabi niya.

"Sure, ikaw rin..." Agad ko ng pinatay ang tawag at pumasok na sa kotse.

Pagkarating ko ng bahay ay agad na akong dumiretso sa aking kwarto at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ng maroon na t-shirt na tuck-in sa fitted ripped jeans ko. Namili ulit ako ng cap at pinili iyong plain black. Nagpulbo ng konti at naglagay ng pabango bago bumaba papuntang kusina.

Una kong nadatnan ang kapatid na nakasuot ng reading glasses at pokus na pokus ang tingin sa binabasang libro. Nang sinilip ko ang libro ay 'Studies of Medicine' ang pamagat. Napangiti ako ng makitang hinahabol niya nga ang pangarap niyang maging doktor.

Nang mapansin ang presensiya ko ay nag-angat siya ng tingin at ngumiti.

"Good morning, Ate," aniya. Nginitian ko siya bago dumiretso sa ref at kumuha ng cereals at gatas.

"Good morning." Dumapo ulit ang titig ko sa libro niya. "Malapit na ba preliminary niyo?" Kumuha ako ng bowl at nilagay doon ang cereals at gatas.

"Next week na, Ate." Aniya. Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain ng cereals. Nang may napansing kulang ay nag-angat ako ng tingin sa kaniya.

"Asan si Mama?" Tanong ko at pasimpleng nilibot ang tingin sa paligid.

"Naliligo pa, may lakad ata siya ngayon e. Sasama sana ko pero may klase ako ngayon," sabay ngisi niya.

Napangiwi ako dahil doon. "Ano ka? Seven years old na kahit saan magpunta ang nanay ay sinasama?"

Siya na naman ngayon ang napangiwi. "Joke lang 'yon."

Nilunok ko muna ang cereals bago siya binalingan. "Obvious."

Natatawa siyang napailing at nagpatuloy na sa pagbabasa ng kaniyang libro. Nang matapos akong kumain ay tumayo na ako at hinugasan muna ang pinagkainan bago lumapit sa kapatid.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon