Kabanata 41

383 18 0
                                    

41





---
Sinundan lang namin ang bellboy sa kung saan naroon sina Lupin na naghihintay sa amin. Habang inaaliw ko ang buong mata sa nadadaanang tanawin ay hawak ko naman ang kamay niya at hindi binibitawan.



"Ma'am, ayun po sila," turo ng bellboy sa isang mesa malapit nga sa may tabing dagat.



Agad akong napangiti at napatango sa bellboy. "Sige, maraming salamat."



"You're always welcome ma'am, sir," aniya at ngiting-ngiti na nakatitig sa akin bago tuluyang umalis.



Napatitig ako sa kalawakang unti-unti nang nagdidilim, ang mga bituin ay nakaniya-kaniya na rin ng labasan. Ngunit mas kinuha ng atensyon ko ang ganda ng papalubog na araw. Kahit na medyo huli na kami sa sunset ay makikita pa rin ang bakas ng pagdaan nito. Hindi ko mapigilang mapangiti ng tudo.



Napatingin ako kay Chrispher na nahuli ko namang matiim na nakatitig sa akin. Ang pungay ng kaniyang pilik mata ay tila lumulutang sa ere nang agad na bumagal sa pagitan namin. Mas lumiwanag ang kulay ng kaniyang mga mata dahil na rin sa iba't ibang ilaw na nakasabit sa mga puno. The lights reflected through his eyes. It made him look so aesthetical.



Mahina akong nagbitiw ng tawa at binitawan na ang kaniyang kamay. Agad na nangunot ang kaniyang noo at napatitig sa kamay niyang kakabitaw ko lang.



"Ah... T-tayo na. Nandoon na sina Lupin..." Kagat labi akong napatalikod at akmang hahakbang na nang bigla niya akong pinigilan sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.



Gulat akong napabalik ng titig sa kaniya. I saw how he swallowed hard. Napaatras ako ng dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang kamay at inilapit sa aking mukha. Naramdaman ko na lang ang pagdapo ng malambot niyang kamay sa aking tenga habang inalalagay ang takas ng buhok doon. Bumuka ang bibig ko sa gulat ngunit hindi ko alam kung bakit wala ni isang salita ang lumabas doon.



"I-It's distracting you. I just couldn't stand it..." Panay ang lunok niyang sabi habang matiim na nakatitig ulit sa akin. And again, we ended up staring at each other.



Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang hindi ko namamalayang unti-unti na pala siyang lumalapit sa akin. Nagising na lamang ako sa katotohanan ng ilang pulgada na lamang ang pagitan ng labi namin. Agad na nag-init ang buo kong mukha at mabilis na napaatras sa kaniya.



Napalitan ng kaba ang buo kong ekspresyon. Now, I can't even stare at him straight right on his face! Panay ang lunok at pagpag ko sa aking pantalon para ibsan ang tila nakakabaliw sa sensasyon na kanina pa hindi nawawala sa akin.



"S-sumunod ka sa akin..." Ani ko bago tumalikod ngunit kalaunan ay pikit mata ulit na napatigil. Isang malalim na hininga ang binitawan ko at inisang hakbang ang paglapit sa kaniya.



His eyes widened. I bit my lower lip and using my trembling hands, I pulled down his hoodie down to his face. I hid his hair and his eyes with it.



"D-dapat tayong mag-ingat..." Ani ko bago tulirong napatalikod. Nagsimula na akong maglakad at pumasok sa isang cottage. I glanced back at him and saw him bitting his lips to hide a very obvious smile while holding his hoodie. Isang mahinang tawa ang lumabas sa labi ko bago siya ulit tinawag papalapit.



Nang pareho na kaming nakalapit sa lamesa nina Chief Manulo at Lupin ay isa-isa namin silang binati.



"Malaki ang pasasalamat kong tinanggap mo ang paanyaya naming kausapin ka, iho." Ani ni Chief.



OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon