Kabanata 11

517 27 6
                                    

11






----

Nang mapansin niya ang pagkakatulala ko ay agad na umalpas ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi.

"So much for the amazement, huh?" Tumawa siya at nilapag ang dalang yellow duffel bag sa tabi ko. Napalunok ako at napatikhim. Nag-iwas na rin ako ng tingin dahil sa kahihiyan.

"Umalis ka na nga sa harap ko," inis na ani ko at binalingan ang kapatid na sinasayaw ang kamay habang tumatakbo sa treadmill.

"Who's that?" ininguso niya si Preston. Siguro ay napansin niya ang paninitig ko doon.

"Kapatid ko," I crossed my arms over my chest and never gave him a single glanced again. May nararamdaman kasi akong kakaiba.

Tumango siya't walang pasubaling tumayo at naglakad papunta sa direksyon ni Preston. Namilog ang parehong mata at bibig ko ng tumigil siya sa mismong harap ng kapatid ko. Halos matapilok pa ang kapatid ko nang makita si Chrispher.

"Lodi!" Singhap nito at may pinindot sa treadmill para tumigil.

Tumawa si Chrispher at nakipag-fist bump pa sa kapatid. Amazement is so evident in my brother's expression. Napangiwi ako. Tss. Para namang artista ang kaharap.

"Ba't ka nandito? Lumipat ka ba ng gym?" Manghang tanong kapatid ko at nakangising napasulyap sa akin.

Umikot ang mata ko sa ere at napahinga ng malalim. Base sa tingin niya ay may ipinapahiwatig siyang kalokohan. At alam niyang hinding hindi ko 'yon magugustuhan.

"Lumipat na ako, gusto ko rin kasi ng bagong lugar e. Nakakasawa kapag paulit-ulit na lugar lang ang makikita ko kaya lumipat na ako," sabi ni Chrispher.

Well, hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya pero ramdam ko ang paninitig ng damuho sa akin. Bakit ba ang lakas ng instinct ko sa kaniya?!

"Maganda 'yan! Pwede mong maging trainor ang Ate ko!" Bulyaw ni Preston na halos magpabuwal sa akin sa kinauupuan.

Nakangiwi at nagtatakang ekspresyon ang binigay ko sa kaniya. Pinagsasabi nito? Kailan pa ako naging trainor?

"Talaga?! Nagt-train siya? That's good, then!" Isa pa 'to. Gumagatong pa e.

I bit the insides of my cheeks while taking a deep breath. Halong inis at kaba ang nararamdaman ko. Nagkasama lang naman kasi ang parehong mga utak kuhol. Parehong makukulit at isip... isip bata!

"Ate!" Tawag ng kapatid ko at tumatakbong lumapit sa akin.

Basa ang kaniyang noo dahil sa pawis, pati na rin ang kaniyang collar. Pinag-taasan ko siya ng kilay. Ngising-ngisi at alam ko na kung ano ang isusunod.

"Preston, ah? Tatamaan ka sa'kin," inirapan ko siya at kinuha ang Flask ko sa duffel bag. Natutuyot ang lalamunan ko.

"Hala," napatakip siya ng bibig at nagpipigil pa ng tawa. "Kilala mo naman siguro si Kuya Chrispher 'di ba?"

Sinulyapan ko si Chrispher, nakatayo siya sa tabi ni Preston at nakangiti sa akin. He moved his brows up and down in a teasing way. Blangkong ekspresyon lang ang binigay ko.

"Siya iyong kinuwento mo sa akin dati, Ate 'di ba?" Dugtong pa niya. Napangiwi ako dahil doon.

"Kailan pa ako nagkuwento sa'yo? Gumagawa ka na naman ng kalokohan diyan."

"Suss! Pasensiya na kuya, pakipot si Ate ngayon," sabay bungisngis niya. Sarap talagang sipain nitong kapatid ko e.

"Hi," si Chrispher, naglalahad ng kamay sa akin. "Ako si Chrispher, pwede mo 'ko tawaging ma—" hindi ko na siya pinatapos pa.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon