Kabanata 04

693 36 2
                                    

04






-----

"I won many awards in different teams! I'm sure you're watching basketball in TV, right? Sasabihin ko sa'yo kapag meron na. You can watch on YouTube or in other channels. I tell you, it's really worth it lalo na't isa ako sa mga maglalaro doon." Sabi niya na may halong pagmamayabang. Parang nangangampanya lang sa baranggay para maging kapitan e.

Nakatunganga lamang ako sa labasan  habang paminsan-minsang sumusubo ng fries sa bibig. Tinitingnan ang mga sasakyan at ang mga taong nagdadaan. Nakaharap ang kanan kong tenga sa kaniya at walang kabuhay-buhay na naglalabas masok lamang ang mga salita niya sa akin.

Narinig ko ang singhap niya ng napansing wala akong pakealam sa kung ano ang pinuputak niya. Ewan ko ba? Kanina pa siyang nagsasalita pero wala namang pumapasok sa utak ko.

"You should be amaze! You're talking with the team captain of UST tigers!" May bahid ng gulat sa boses niya.

Nagtaas lang ako ng kilay at tamad na kumuha ng fries sa lamesa, nakatitig pa rin sa labas. Pake ko naman kung anong klaseng team siya nabibilang? Hayy naku.

"Really?" May inis na dumantay sa boses niya ng wala pa rin akong reaksyon. "No response? Kahit sa unang topic ko lang? Since I was a elementary schooler?" He scoffed.

Nangunot ang noo ko at napanguso. "Tumatango naman ako ah?!" Nginiwian ko siya at kumuha ulit ng fries at padabog na kinain.

"Tss. Halos buong buhay ko na nga kinu-wento ko para makilala mo 'ko tapos wala lang sa'yo?" He scoffed again and crossed his arms over his chest, acting so disappointed.

I pursed my lips and swallowed hard. Umayos ako ng upo at tumikhim. Tinitigan ko siya gamit ang blangko kong ekspresyon.

"Talaga bang naihi ka sa pants mo noong elementary?" Ani ko, nagpipigil ng tawa.

Namilog ang parehong mata niya bago napangiwi.

"Seriously?! Sa lahat ng sinabi ko 'yan lang ang naalala mo?! What about my successes?!" Dismayado siyang napailing. "You're hurting my feelings!"

Doon ko na hindi napigilan ang kanina ko pa pinipigilang tawa. Nanatili lamang galit ang ekspresyon niya at siya na naman ngayon ang nakatitig sa kawalan.

"Eh, naiinip na ako! Ang tagal mong kumain puro ka salita diyan," I tsked and put a fries on my mouth, hiding my laugh.

"You're the most cruel woman I've ever met," naiiling niyang sabi at uminom sa kaniyang MCFloat. Tumawa lamang ako at napailing sa kaniya.

Natahimik agad sa pagitan namin at agad akong nakaramdam ng konsensiya. Nakanguso ko siyang binalingan. He's expressionless while dancing his head left to right, looking at the window. Napangiti ako at napailing. Napansin niya siguro ako kaya siya kunot-noong napatingin rin sa akin.

"What are you laughing at?" Aniya sa masungit na paraan. Nakanguso at nangmamaliit ang mga titig. Ewan ko ba kung nagpapa-cute lang siya o talagang galit na. He's childish and stubborn.

Itinukod ko ang siko ko sa mesa at sinandal ang pisngi sa nakatayong kamay.

"Anong oras na?" Tanong ko.

Inangat niya ang kaniyang palapulsuhan at tiningnan ang kulay itim na relo.

"10:23 am pa," aniya at masungit na uminom sa kaniyang MCFloat. Iniiwasan ang titig ko.

Tumikhim ako at umayos ng upo. Mukhang nainis ko na talaga ata.

"Anong gusto mong malaman sa akin?" Ani ko at bahagyang tinagilid ang ulo para makuha ang titig niya.

OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon