Kabanata 36

417 19 0
                                    

36





----
"She started it!" Turo ni Berenice kay Beansey nang tanungin sila ng Manager ng mall kung sino ang pasimuno ng pag-aaway nila. Napasinghap si Beansey dahil sa paratang ng kapatid.


"What the fuck?! You started it! Sinugod mo kami!"


"I didn't! I am just asking if you saw my husband!"


"Asking?! Eh, kung sampalin kaya kita ng utak ko para maalala mo ang puno't dulo nito, ha?! Ano?! Nasali ba sa pagtanggal ko ng buhok mo ang utak mo?! Ha?!"


"Damn you!" Berenice screamed at her.


Pikit ang mata akong nakatingala sa ceiling habang marahang hinihilot ang sentido. Nandito kami sa loob ng manager's office ng mall. At halos kalahating oras na rin kaming nandito dahil hindi pa rin maayos-ayos ang problema ng dalawa. Gusto ko mang magsalita ay pinipigilan naman ako ni Beansey dahil labas daw ako dito. Hay! Anong labas eh isa rin ako sa dahilan! Nadamay pa ako sa paratang na wala namang katotohanan!


Paano ko naman makikita si Chrispher eh ni anino hindi ko pa nakikita? At mas gugustuhin ko na nga lang din na hindi na siya magpakita dahil paniguradong gugulo na naman ang tumatahimik ko ng mundo!


"Why are you here anyway?! Bakit mo dito hinahanap sa mall ang asawa mo?!" Beansey crossed her arms over her chest while glaring at her sister. And my heart started to hitched again at the 'asawa' word.


"I stalk his GPS! At nandito siya!" Sagot ni Berenice.


Umusbong ang kaba sa akin dahil sa narinig. Nangunot ang noo ko at napatitig kay Berenice. She glanced furiously at me again. Dinuro niya ako kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha sa mga mata.


"Just fucking say the truth! Just say that you've met already!" She shouted. My fist automatically folded. She still insisting it kahit naman talaga hindi totoo!


Maang labi lamang akong napabuga ng hangin at napatitig sa kaniya na hindi makapaniwala. "Ano ba ang gusto mong sabihin ko maliban sa katotohanan, ha?! Sinabi ko namang hindi ko pa nga siya nakikita 'di ba?!"


"Just ask Chrispher! Huwag mo kaming susugurin ng mga walang kabuluhan na paratang mong 'yan! You're just embarrassing yourself, Berry!" Si Beansey.


Inis na napatayo si Berenice at padabog namang kinuha ang kaniyang purse sa upuan. She clenched her jaw before pointing a finger on me. "Once I find out! I will do something to get rid of you!"

Nangunot ang noo ko at sinundan siya ng tingin na nagdadabog papalabas ng opisina. Napabuga ako ng hangin bago napailing. Hindi na bago sa akin ang mga banta kaya wala naman akong pakialam. Nababaliw na ba siya? Ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa ni Chrispher sa loob ng isa't kalahating taon? Hindi ito ang inaasahan kong pagkikita-kita namin! This is just so impossible to believe!

"Omygod! How could she threaten you?! She threatened a fucking Police Officer?! What a nuisance she is!" Beansey scoffed in disbelief.

Napakamot na lamang ako ng ulo at lumapit sa lamesa upang kausapin ang manager. Kinausap ko siya tungkol sa nangyari at humingi ng patawad. I also assured him that this will never happen again. Wala namang properties na nagalaw o nasira kaya medyo nadaan ko pa sa usapan. Lumabas kami ni Beansey doon na parehong mabibigat ang pakiramdam. Ang plano naming kainan ay naudlot pa.

"Kung alam ko lang na hindi tayo makakakain ay sana mas binanatan ko na nang sobra iyong buhok niya!" Inis niyang giit nang nasa kalagitnaan na kami ng byahe pauwi ng bahay.


OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon