32
---
"Ano ba?! Ba't ayaw niyo pa rin akong papasukin?! Dalawang araw na akong bumabalik dito tapos sinasabi niyo sa akin na bumalik na lang ako mamaya o bukas! Eh, hindi niyo rin naman ako pinapapasok?!" Mabibilis ang hininga kong sumbat sa mga guard na nasa harap ng hall. Hindi ko na talaga natiis ang galit ko dahil sa mga kasinungalingan nila sa akin.
"Bawal pa po talaga, Inspector. Utos sa amin na kung hangga't maaari ay bawal munang magpapasok ng bisita lalo na kapag sa mga Magno..." Ani nito sa pagpapaumanhing tono.
Agaran akong napamewang at napahilot na lamang sa sentido. Tsk. Napabuga ako ng hangin. "Anong gagawin ko ngayon?" Bulong ko sa sarili.
Nangako akong babalikan ko siya. Pero paano ko 'yon gagawin kung ayaw naman akong papasukin?! Kainis! Si Chief Manulo naman ay ayaw na akong tulungan. Iginigiit niya na dapat na namin itong kalimutan at magtrabaho na lamang! Aba'y malaking bagay ito sa akin kaya kung maaari hindi ko muna tatantanan. I will have Chrispher back!
Matamlay akong bumalik sa parking lot at sumandal sa hood ng aking kotse. Napatingala na lamang ako sa langit at pinagmamasdan na lamang ang makulimlim na kalangitan. Tanghaling-tanghali mukhang uulan pa ata.
"Miss Phoebe?"
Agad akong napabaling sa taong tumawag sa akin. Namilog ang mga mata ko nang makita ang dalawang kaibigan ni Chrispher. Si Kerven at Corvette. Napaayos ako ng tayo.
"Oh? B-ba't kayo nandito?"
"We're here to visit Tita and Chrispher..." Matamlay na ani ni Kerven.
"You?" Si Corvette sa akin. Napalunok ako at hindi kinaya ang mapang-usisa niyang tingin.
"G-ganoon rin..."
"Pinapasok ka ba?" Ani ni Kerven. Napatungo ako bago napailing. Pagkatapos no'n ay narinig ko ang mabigat na hininga ni Corvette. Lumapit siya sa akin at tumabi ng sandal sa hood ng aking kotse.
"We have the same case then." Namilog ang mga mata ko at napabaling sa kanilang dalawa. They have the same expression. Guiltiness and a pile of sadness is written to their faces. Napakabigat nilang tingnan.
"I'm sure Ignacio's is part of this shit that's why we can't see the family right now. I just hope for Chrispher to think more wisely. Siya na lang ang natitirang lalaki para magprotekta sa kapatid at Ina niya," Si Corvette habang nasa kawalan ang tingin. I can clearly see through his eyes his loved for his friends family.
"H-his father... I-is he really..." Tanong kong hindi ko masiyadong madugtungan.
"He's gone..." Kagat labing ani ni Kerven. I saw how he clenched his fist and looked away.
Naninikip ang dibdib ko. Iniisip ko pa mang nasa kalagayan ako ni Chrispher ay parang hindi ko na kaya. I can't take the painfulness he have right now. Isa siguro iyon sa dahilan kung bakit siya masama kung umasta sa akin. Isa iyon sa dahilan kung bakit... kung bakit biglang nagbago ang ugali niya sa akin.
"It's so funny to think..." Bulong ni Corvette dahilan para bumalik ang atensyon ko sa kaniya. "...the news just ended in just a blink. Mula nang mahuli sina Chrispher ay hindi na muling pinag-usapan ang kidnapping. Agad iyong natigil at hindi na pinag-usapan. Even in newspapers, bigla na lang itong nawala."
Nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. "And the Ignacio's, I heard their preparing for their migration." Si Kerven.
"Saan?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
OFFICERS SERIES #1: Detaining Him [COMPLETED]
Ficção GeralOfficers Series#1 Status: [COMPLETED] Other than having her dream profession, wealthy love from family and a thrilling life as a policewoman, Inspector Phoebe Narine Valerino did not wish for more. Her life as a Police Officer, serving her beloved c...