Dear Big Daddy,
Sa lahat ng mga nagdaan kong kaarawan, iyong nineteenth birthday ko ang tumimo talaga sa isipan ko, Dad. Naalala ko, tayo na no'n. Sinorpresa mo ako ng balloons at multi-layered cake. Special delivery pa sa canteen natin kung saan kami lagi kumakain ng mga kaibigan ko. Hindi lang iyon. Nilibre mo pa ng lunch ang lahat ng mga estudyanteng naroon. Haha!
After that impromptu celebration, nang tayo na lang dalawa ulit sa Sunken Garden, pinagtapat ko sa iyo kung bakit ayaw na ayaw kong mag-birthday. Sinabi ko sa iyo na nang araw na iyon binungangaan ako ng mama ko at sinabi niya sa akin na labing siyam na taon nang pinaalala ko sa kanya na minsa'y pumatol siya sa isang swanget na mayor na bukod sa may asawa na't pamilya'y nagpi-feeling binata pa rin! At hindi pa rin niya ako napapatawad dahil sinira raw ng pagdating ko sa buhay niya ang lahat niyang pangarap.
Naalala kong pinangiliran ka ng luha noon. Hinila mo ako agad at niyakap nang mahigpit na mahigpit. Ang tagal ng yakap na iyon, ha. Ang higpit pa. Halos nadurog ang mga buto ko no'n, eh. Then, when you finally let me go, I saw tears in your eyes. Hindi ko na pinagpatuloy pa ang iba ko pa sanang kuwento dahil baka lalo kang umiyak.
Actually, Dad, gusto ko rin sanang sabihin sa iyon noon na routine na ng mama ko ang minumura ako sa tuwing kaarawan ko. Lahat ng hindi niya nasabi sa walang kwenta kong ama ay sa akin binubuhos. Kung ang ibang nanay ay nagkukumahog makaluto ng kahit lugaw man lang para ipagdiwang ang kaarawan ng kanilang anak, ang mama ko iba. Sa araw na ito wala kaming ibang ginagawa kundi ang mag-iyakang mag-ina. That's right! Nagda-drama kami lagi sa birthday ko.
Naalala ko pa noon, I just turned twelve at that time, Dad, muntik nang masunog ang bahay namin sa kaka-emote. Bakit ba 'kamo? Hindi kami nakikonek ng kuryente sa kapitbahay at nagsindi lang kami ng kandila. Down na down kasi si Mama. Ang tindi ng hagulgol niya no'n. Iba sa hinagpis niya no'ng mga nakaraang birthday ko. Napag-alaman ko sa tsismosa naming kapitbahay na dumating daw pala nang araw na iyon ang seaman niyang ex-boyfriend. Gusto raw sanang balikan si Mama at yayayain nang pakasal kaso nakita raw ako ng lalaking iyon. Agad-agad daw na nagbago ang isipan niya. Hindi man pinagtapat sa akin ni Mama iyon, naramdaman ko naman ang pagsisintir niya. Nagpakalasing siya no'n at sinabihan pa akong sana ay namatay na lang daw ako noon sa dengue. Naiyak din ako nang sobra no'n, alam mo ba. Nakalimutan tuloy naming magpatay ng kandila. Hayun, nahagip ang kurtina namin. Kung hindi lang dahil sa tulong ng mga kapitbahay, malamang ay natupok din kaming mag-ina.
Kaya sabi ko sa iyo noon, paano ako magiging masaya sa birthday ko? Wala akong happy memories no'n, eh. Lahat ng naaalala ko sa araw na ito puro drama. Minsan nga, pati ako'y umaayaw na rin sa sarili ko. Kung hindi ka dumating sa buhay ko, dadaan lang sana ang nineteenth birthday kong lumuluha kaming mag-ina. Kaya nga, Dad, sobra akong thankful sa iyo. Iyon ang kauna-unahan kong cake! At hindi lang isang layer, ha? Multi-layered pa! Ibang klase ka talaga no'n, Big Daddy! You really knew how to make a girl feel special!
Pero Dad, nainis din ako sa iyo noon, alam mo ba? Kasi regular na tayong lumalabas-labas at para na tayong magnobyo no'n but then you haven't told me yet that you love me. Nakailang hatid ka na rin sa akin no'n sa lugar namin sa Tondo. Naipakilala na rin kita sa mama ko, pati sa kababata kong si Cherry.
Real talk, Big Daddy. Love mo na rin nga ba ako no'ng mga panahong iyon tulad ng sinabi mo no'n sa kaklase natin sa Econ 11? Kasi ako, sobra na kitang mahal at that time. Kahibangan mang sabihin pero noong mga panahong iyon, I can choose loving you over breathing kung kinakailangan kong mamili. Ganyan kita minahal no'n, Dad. I have loved you more than life itself!
Your crazy baby,
Isadora
![](https://img.wattpad.com/cover/261228847-288-k284816.jpg)
BINABASA MO ANG
DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)
RomanceGreg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar ng bayan. Siya'y isang pangkaraniwang estudyante na may hindi pangkaraniwang ganda. Unang kita pa l...