Dear Big Daddy,
Sabi nila masusubok lamang ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak kung kaya niyang balewalain ang totoo niyang nararamdaman para sa kaligayahan nito.
Napapahikbi ako sa gabi habang iniisip ko si Rona at ang nobyo niyang si Caloy noon subalit wala rin akong nagawa para paghiwalayin sila kahit na alam kong iyon sana ang mas ikinabuti ng Ronaldhina ko. Ang lalaking iyon lamang kasi ang nakapagbigay sa kanya ng labis na kasiyahan. Ayaw ko ring isipin ng aking bunso noon na kontrabida akong magulang. But then, I couldn't help worrying about her and her future with him right from the start. Sa totoo lang Dad, kahit wala pa akong nabalitaang may kinakarinyo itong iba noon, may kutob na akong hindi siya ang makakatuluyan ng anak ko. Ewan ko ba. Basta, may ganoon akong feeling. Ang lakas ng pakiramdam kong gagawin niya lang passes through adulthood si Rona.
Nang lumaon ay may napansin akong kongkreto sa anak ko at sa nobyo niya. Kung dati-rati ay halos kambal-tuko sila nito, laging magkasama, laging magkausap, nang bandang huli'y halos siputin-dili na ng lalaki ang bunso ko sa bahay namin. Minsan pa nga, napagalitan ko pa itong Rona dahil sa kagustuhan nitong puntahan pa si Caloy sa kanila. Ang katwiran ko, kung ayaw siyang dalawin ng lalaki bakit siya magpupumilit? Iisa lang ang ibig sabihin no'n. Wala na itong pagtingin sa kanya.
Ewan ko ba. Kakaiba rin itong anak ko. Palaban. Sa puntong ito, napapangiti ako. Naisip ko pang kung sana nagkaroon din ako ng ganitong tapang noon, palagay ko iba ang kinahahantungan ko ngayon. Gusto ko na parang hindi ang pagiging fighter ni Rona when it comes to love. Gusto sapagkat nakikita kong hindi ito susuko nang basta-basta lamang. Ipaglalaban talaga nito ang nararamdaman. Hindi naman dahil parang hindi ito makaintindi sa damdamin ng iba. Parang sarili lang nito ang iniisip. Sa punto de vista ko kasi dapat ding marunong makiramdam ang isang tao lalo na sa pagtingin sa kanya ng kanyang minamahal. Imposible naman kasing hindi mo mararamdaman kung nagbago na nga ang tingin sa iyo ng nobyo o nobya mo. Kasi bago pa dumating ang panahon ng panlalamig niya sa iyo, naipakita na niya ang mga senyales na nagbago na nga siya. Ako kasi ay naramdaman iyon kay Damian noon. Bago ko pa nakompirma na mayroon na itong ibang inuuwian ay nakita ko na ang pagbabago ng pagtingin niya sa akin several months earlier.. Kaso noon ay mayroon na kaming Ronaldhina na gusto kong pangalagaan at bigyan ng kompletong pamilya kung kaya sinubok ko pang magmakaawa na bumalik siya sa amin. Gayunman, nang naging matatag si Damian sa kanyang pagnanais na kumawala, tumahimik na rin ako. I let him go. Lagi kong panalangin noon na sana ay matauhan din ang anak ko at mangyari iyon sa lalong madaling panahon---na ma-realize niyang nagbago na ang sitwasyon nila ng kababata.
Alam mo, Dad, nang maulinigan kong nakikipag-usap si Rona sa isa pa niyang kababatang si Elena tungkol sa condom, labis-labis ang naging pag-aalala ko. Noong mga kapanahunang iyon kasi'y kakatuntong niya lang sa college. Biruin mo, ni wala pa siyang seventeen noon iyon na ang concern niya?! At ang napagtanungan pa niya ay ang kapitbahay naming kilala sa amin na maagang naglandi. Sa edad na katorse o kinse yata ay nag-asawa na itong si Elena. Ewan ko. Hindi ko na masyadong tanda kung ilang taon talaga. Ang alam lang naming lahat noon ay ang bata-bata pa nito nang mabuntis. Dahil magkababata at magkaibigan sila ng anak ko simula't sapol ay nag-worry din ako noon na maimpluwensyahan nito ang pag-iisip ni Rona. Subalit, napagtanto ko rin nang bandang huli na Rona was different. Kahit papaano ay may control pa rin naman ito sa sarili. Kaso nga lang, there were times na pinag-aalala niya akong talaga. Tulad no'ng time na iyon. Muntik na nga akong sumabat sa usapan nila ng kababata niya eh. Nagpigil lang ako dahil ayaw ko siyang mapahiya. But I knew right there and then what she was up to.
Nang bumisita sa amin si Caloy matapos ang ilang linggo o buwan ba (hindi ako sigurado) na hindi nito pagdalaw kay Rona, kinabahan ako nang todo. Base kasi sa nakikita ko sa kanyang mukha at sa kilos na rin mismo, may gusto na siyang ipagtapat sa anak ko. Bilang ina, gusto kong mapahagulgol noon. Naranasan ko kasi ang pait ng paghihiwalay sa taong pinakamamahal ko kung kaya I knew how it felt to be in that situation. Inakala kong nakita at naramdaman ng bunso ko ang nakita at naramdaman ko sa nobyo niya no'ng time na iyon, subalit nabulag siya ng pananabik at pagmamahal niya rito. Alam mo Dad, nang nahulog ang kahon ng singsing sa bulsa ni Caloy at akalain ni Rona na para sa kanya iyon at isipin pa niyang kaya pumunta sa amin ang nobyo niya ay para mag-propose sa kanya, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nabatid ko kasi nang mga oras na iyon na tama nga pala ang kutob ko all along! Mayroon na nga itong iba at gusto pa nitong pakasalan!
Tumalikod na lang ako no'n, Dad. I cried in our little kitchen. Ang ikinagalit ko lang noon ay kung bakit hindi nagpaka-lalaki itong Caloy na ito. Sana kung sinabi niya agad sa anak ko ang totoo, hindi nangyari iyong ----hay. Sa tuwing naaalala ko iyon ay labis akong nasasaktan.
Magpapaalam na ako, Dad. Baka kung saan pa hahantong itong sulat kong ito. Naiinis ako sa sarili ko. I felt helpless as a mother. Pakiramdam ko ay hindi ko napalaki nang mabuti si Rona. Ano sa tingin mo, Dad? Mayroon ba akong pagkukulang sa kanya? Saan ako nagkamali? Hindi ba ako naging mabuting ina? Ang dami kong duda tuloy sa sarili ko. I felt like a total failure.
Sana nandito ka sa tabi ko. Kailangan ko ng karamay. Missed you a lot!
Your baby forever,
Isadora
BINABASA MO ANG
DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)
RomanceGreg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar ng bayan. Siya'y isang pangkaraniwang estudyante na may hindi pangkaraniwang ganda. Unang kita pa l...