Letter #34 - Mother's love

474 46 8
                                    

Dear Big Daddy,

Alam mo ba kung ano ang pinakamasakit sa isang ina, Dad? Iyong hindi mo kayang sabihin kung ano ang totoo sa iyong pinakamamahal na anak. Gustuhin mo man, hindi mo maaatim na lalo itong masaktan dahil patung-patong na ang mga hinanakit niya sa buhay na isa ka sa mga nagdulot niyon.

Umuwi si Rona sa bahay isang araw. Umiiyak. Tinatanong ko kung ano ang dahilan, pero nagtanggi siyang magsabi nang totoo. Buti na lang madaldal ang kanyang kababatang si Caloy. Ito ang nagsabi sa akin na dumalaw daw ang ama nito sa eskwelahan. Kasama ng papa niya ang anak nito sa babaeng pinakasalan. Would you believe it, Dad? Halos magkasing-edad sila ni Rona! Ang ibig lang sabihin no'n ay halos pinagsabay pala kami ng hinayupak!

I cannot forget what my little angel told me that night. Sana raw ay wala akong pa-sorpresa sa kanya balang-araw. Sana ay hindi ako tumulad sa papa niya. Ang sakit-sakit daw para sa kanya ang mapag-alaman na mayroon siyang kapatid sa ama. All along daw kasi ay siya lang ang inisip niyang anak ng kanyang papa.

You could say my baby is kind of selfish, Dad. Palagay ko it has something to do with what she had gone through. Hindi kasi buo ang binigay na pagmamahal ng kanyang ama sa kanya. But then, she accepted it. She thought that was the way it was. Na ganoon lang talaga ang mga ama. Hindi demonstrative. Pero nasaksihan niya kung paano naging magiliw at malambing ang papa niya sa kanyang half-brother kung kaya naisip niyang it must be her all along. Baka siya talaga ang may deprensya. I broke down, Dad.

Nang kinuwento niya sa akin later on ang mga saloobin niya tungkol sa papa niya, hindi ko naiwasang hindi magmura. Knowing me, hindi mo siguro ma-imagine iyon. Totoo nga namang hindi ako palamura noon. Kahit kasi ganoon lang ang mama ko at lumaki kami pareho sa iskwater hindi namin nakasanayan ang pagmumura. Ang lola ko kasi ay pino kung kumilos at magsalita. Pinalaki sila ni Mama na hindi bastos. Saka taga-probinsya naman kasi sila ni Lolo. P.I. is not part of their vocabularies. Kaya parang nanibago rin ang dila ko. Gayunman, pakiramdam ko, hindi mapapawi ng simpleng 'lintek' lamang ang galit ko kay Damian. Okay lang na ako ang saktan niya, h'wag lang ang aking pinakamamahal na anak.

Problema ko tuloy ngayon kung paano masasabi sa aking anghelita na mayroon din siyang kapatid sa akin. Na ang kadahilanan ng aking pagkabalisa nitong mga nakaraang araw ay dahil sa kanyang Kuya Tanglaw.

Looking at Rona lately made me want to go back in time. Kung pwede lang sana. Gusto kong itama ang aking mga pagkakamali. Subalit, naisip ko rin na baka kapag ginawa ko iyon ay hindi ko siya makakapiling sa buhay ko ngayon. Parte rin siya kasi ng aking maling desisyon. Napapabuntong-hininga na lang ako minsan, Dad. I think this is my destiny. To suffer. I am just thankful that despite what I did, I still have her. Sana balang-araw ay pagpalain siya at hindi niya danasin ang dinanas ko at ni Mama dahil nagkamali kami pareho.

If someday you'll get a chance to meet my daughter and I'm no longer around, kindly tell her how her mama loved her so much. That her mother would go over all the pain she had experienced in her life again and again and again if that means she will be born. I love my Rona so much, Dad. Please help me make her understand that...

And I love you still.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon