Dear Big Daddy,
That day was so nerve-wracking, Dad. Naalala ko pang sobra akong natakot noon. But at the same time, I was very happy. Ganoon pala iyon. I never thought a person could be that happy by giving a piece of herself to someone. Marami din akong agam-agam no'n, Dad, pero mas nanaig ang sayang naramdaman ko sa piling mo. Hiniling ko no'n na sana ay hindi ka magbago---hindi tayo magbago para sa isa't isa.
Nakakatuwa. Iyon lang pala ang kailangan kong gawin para marinig nang paulit-ulit ang mga katagang matagal ko nang inaasam-asam na marinig mula sa iyo. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya no'n, Dad. Kaya pala ang daming nahihibang sa pag-ibig. Grabe pala talaga ang feeling na ito! Nakakadeliryo! Nakakabaliw!
Iyong tungkol sa alok mo pala, Dad. Pasensya na kung hindi kita napagbigyan noon. Sana hindi mo minasama, ha? Sana hindi ka nagtampo sa akin. Hindi sa ayaw kong makasama ka sa habang buhay. Ang totoo niyan, gustung-gustung-gusto ko na nang mga panahong iyon na mamuhay kasama ka. Iyan ang matagal ko naging pangarap, Big Daddy. Sabi ko pa nga sa iyo noon, I cannot wait to start a family with you, di ba? Kaya nga nangyari no'ng araw na iyon ang ayaw ko pa sanang mangyari. Kasi gusto kong maramdaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin. Kahit buhay ko'y ibibigay ko sa iyo. Gayunman, may mga pangarap tayong dapat nating tuparin. Gusto ko talagang makatapos no'n. Gusto kong maiahon sa kahirapan ang mama ko mula sa sarili kong kayod. At ikaw, gusto mo ring patunayan sa papa mo noon na karapat-dapat kang magmana ng family business n'yo, right?
Sabi ko pa sa iyo no'n, dapat nga ako ang kabahan sa nangyari sa atin. Biruin mo, sinuko ko nang gano'n-gano'n lang ang pinakaimportanteng bahagi ng pagkatao ko bilang babae na ipinangako kong ibibigay lamang sa lalaking ihaharap ko sa dambana? Wala, eh. Mapusok ako. Hindi ko kayang labanan ang kindat ng tukso lalo pa kung ang kumikindat na iyon ay ang gwapong Greg Santillan na kinababaliwan ng lahat ng kababaihan sa campus. Haha!
Nakakainis ka rin noon, Dad. Alam mo ba iyon? You were irritatingly so good-looking I couldn't take my eyes off of you. Haha! Kahit minsa'y naiimbyerna ako sa iyo hindi pa rin kita kayang tiisin. Ganyan kita ka mahal noon, Dad. I was so into you!
Sabi ko pa sa iyo noon, "Do not be scared because no one can steal me away from you." Totoo pa rin iyan hanggang ngayon, Dad. Maybe, no matter how many guys I meet, my feelings for you will never change. You will always be my past, my present, and my future. I still love you, Big Daddy.
Your baby love,
Isadora
BINABASA MO ANG
DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)
RomanceGreg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar ng bayan. Siya'y isang pangkaraniwang estudyante na may hindi pangkaraniwang ganda. Unang kita pa l...