Dear Big Daddy,
Ang daming nangyari ngayong araw. Sobrang overwhelming para sa akin. Nanginginig nga ang kamay ko habang isinusulat ko ang liham na ito. Hindi ko inaasahan kasing darating pa ang oras na ito. Matagal ko na kasing isinuko ang pangarap na 'to---noon pa. Tama nga sila, Dad. God is good.
Dad, when you were rushed to PGH today for a minor injury, I was there! Kitang-kita ko ang dugong umagos mula sa iyong sentido. Kahit mahigit dalawang dekada na kitang hindi nasilayan, nakilala ka agad ng puso ko. I got hysterical when I finally realized what was happening. I rushed to your side because you slowly closed your eyes. Naisip ko no'n, you finally let go. Hindi agad ako nakalapit sa iyo dahil may humarang na mga paramedics. But I kept on screaming, "That's my big daddy! That's my big daddy!" The young paramedics stared at me as if I was a crazy woman. Itataboy na sana nila ako, pero may pumagitna.
Naalala mo ba si Mamerto Facundo-Reyes? Naging kaklase natin siya sa Humanities at lagi nating kabiruan noon. Tawa tayo nang tawa dati sa pangalan niyang Mamerto. You even jokingly offered to pay for his lawyer's fees should he decides to change his name. Dad, siya na pala ang head ng Anesthesiology Department ng PGH! Hindi niya ako nakilala agad when he saw me. But when he heard me yelling, "That's my big daddy," saka siya lumapit sa akin at pinakatitigan ako. Then he asked in his gentlest tone, as always, "Isadora? Isa, is that you?" Dahil hindi ko na siya namukhaan, siya na mismo ang nagpakilala sa akin. Then, he told all the paramedics to let me have my moment with you. Siya rin ang nagsabi na minor lang ang sugat mo at hinimatay ka lang dahil nakita mo ang dugo. Nakalimutan kong you cannot stand blood pala.
I hugged you and kissed your forehead. You made some groaning sound. I thought dahil sa sobrang sakit na iniinda mo. Lalayo na sana ako sa iyo, but then you grabbed my frail shoulders and hugged me back. Tightly. Hindi ko makalimutan ang ibinulong mo sa akin habang hinahalikan mo absent-mindedly ang ulo at sentido ko. Sabi mo, "Isadora. Baby girl. I miss you so much! I love you! I love you, baby girl! H'wag mo akong iwan!"
Napatingin ako sa mukha mo. Inisip ko kasing nagising ka na. But your eyes were still closed. And you were still whispering my name and how much you missed and loved me. Parang puputok ang puso ko no'n sa saya. Pareho pala tayo, Dad. Hindi nakalimot.
Binalikan ko sa isipan ang mga pagkakataong pinanghinayangan ko ang paghihintay sa iyo at pagdududa sa totoo mong nararamdaman. Ngayo'y wala na akong pag-aalinlangan. You deserved what I feel for you. Justified ang paghihintay ko. Sapat na sa akin na malamang minahal mo nga ako nang katulad ng pagmamahal ko sa iyo. Ang saya-saya ko, Big Daddy! Wala akong pagsidlan ng ligaya. Natupad ang hiling ko na mayakap ka't makapagpaalam sa iyo nang personal.
Gusto pa sana kitang yakapin pa pero kailangan ko nang lumayo. Dumating na kasi ang misis mo. Kabuntot nila ang dalawang mestisahing binata't dalaga. Napaatras ako nang dali-dali silang lumapit sa iyo. At pinagmasdan ko na lang kayo sa malayuan.
Dapat dalawang oras lang ako sa PGH dahil regular check up lang naman ang pinunta ko roon, subalit I stayed a bit longer to be with you. Hindi man sa tabi mo, okay na sa akin na for the first time in more than two decades we were both in the same building. Hindi mo lang alam kung gaano ako napasaya no'n.
Pinuntahan pala ako ni Mamerto sa labas ng klinika ni Dr. Alejandro, ang doktor ko, at sinabihang okay ka na at kung gusto kong silipin ka. I went with him to peep at your private room. Kaso hindi na ako pumasok dahil ang dami mo nang bisita. Habang nakatingin kami by the door, kinuwento sa akin ni Mamerto that goes by the name Dr. Reyes now, na habang hindi ka pa rin nahimasmasan you were repeatedly calling my name and that you kept on whispering how much you loved me. Tingin nga niya your mind was in Sunken Garden. Noong mga panahong tumatambay tayo roon. Nakaupo ako sa damuhan at nakaunan ka naman sa mga hita ko.
Thank you, Big Daddy. Pasensya na kung wala akong lakas ng loob para magpakita sa iyo habang kausap mo ang tingin ko'y mga big time mong bisita. Sapat na sa akin ang mapag-alaman na minahal mo ako nang labis noon magpahanggang ngayon. Wala na akong mahihiling pa.
Salamat sa huling yakap at halik.
Your baby girl,
Isadora
BINABASA MO ANG
DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)
RomanceGreg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar ng bayan. Siya'y isang pangkaraniwang estudyante na may hindi pangkaraniwang ganda. Unang kita pa l...