Dear Big Daddy,
Isa sa mga happy memories ko sa iyo ay ang unang bouquet of flowers na binigay mo sa akin. Naalala mo rin ba iyon? Nagulat talaga ako do'n, Dad. Hindi ko kasi inasahan iyon sa iyo dahil sabi mo bago naging tayo na you did not believe in giving women flowers. Aksaya lang kasi ng pera para sa iyo. But you gave me the biggest bouquet of flowers I have ever received in my entire life! Sobrang happy ako no'n, Dad. Promise. Paano kasi, wala namang okasyon. Haha!
Sabi ng mga friends ko no'n, maghinay-hinay daw tayo. Baka raw kasi hindi tayo makapagpigil. Alam mo na. Pero sabi ko, ibahin nila ang big daddy ko. Champion ka kaya sa pagiging disiplinado sa sarili. Haha! Alam kong it was too much to ask, Dad, pero nakiusap pa rin ako noon na habaan pa natin ang pagpipigil sa sarili. At least, pwede na tayong mag-kiss sa lips nang mga panahong iyon, right? Level up na. Pero sabi ko sa iyo, sana hanggang doon na lang muna dahil gusto ko pang makatapos ng pag-aaral para sa future natin.
Nang araw ding iyon, may narinig na naman ako tungkol sa sinasabi nilang tunay mong girlfriend. May nakakita raw sa inyong nagpunta ng exclusive restaurant sa Makati. Pero sabi ko, baka family friend n'yo lang iyon. Tama ako no'n, Dad, right? Family friend n'yo lang iyong babae?
Anyways, hindi ko sinusulat ito to confront you, Dad. I trusted you. Gusto kong isipin na hindi mo ako niloko. Na malinis ang hangarin mo noon sa akin. Wala akong paniniwalaan kundi ikaw lamang. Ramdam ko noon na totoo ang feelings mo para sa akin. Minahal mo ako gaya ng pagmamahal ko para sa iyo noon, right?
Kaya naging memorable ang unang bouquet of flowers na natanggap ko sa iyo dahil bukod sa that was the first, muntik mo kasing masabi sa akin ang magic words nang iaabot mo ang mga iyon. You made me laugh, Dad. Ang cute mo talaga mag-blush noon.
Naisip ko lang, sino kayang guy ang nagpauso na kapag emotional ang lalaki ay hindi na tunay na lalaki? Naku, makukutusan ko talaga iyon, Dad! Pakiramdam ko kasi, iyon ang dahilan kung bakit a lot of guys find it hard to reveal their true feelings for the girl they love. Pero hindi bale, Dad. I thought then that it was okay because you had a lifetime to tell me that someday. Sabi ko pa sa sarili ko noon na kukwentahin ko ang mga atraso mo sa akin pagdating ng panahon! Haha!
Oo nga pala, nakita ni Mama ang mga bulaklak na binigay mong iyon, Dad. Itinago ko pa sana. Kaso sa liit ng bahay namin, halos hindi iyon nagkasya sa silid ko. Hayun, pagsilip niya, iyon agad ang bumalandra sa pagmumukha niya. Bago siya nagtalak ng kung anu-ano, I saw her smile. Iyong nostalgic smile ba. Siguro may naalala siya sa mga flowers na bigay mo. Ang alam ko, mayroong first love si Mama. Hindi iyong ex niyang seaman na umatras nang makita ako. Hindi rin ang stepfather kong babaero. At lalong hindi ang swanget na tatay ko!
Boyfriend daw ni Mama ang guy no'ng hayskul siya. Ang sabi ng mga matatanda naming kapitbahay, inisip nga raw ng lahat sa amin noon na makakatuluyan ni Mama ang lalaking iyon. Mahilig daw iyon magbigay ng flowers sa mother ko, eh. Paborito daw ibigay ang puting rosal. I do not know kung alam mo iyon, Dad. Pang-poor lang kasi iyon, eh. Hihi! Actually, hindi naman binibili ng first love ni Mama ang nasabing rosal. Nasa bakuran na raw nila iyon, eh. Kaya kada umaga sa tuwing dadaan daw iyon sa bahay ng mother ko, inaabot niyon ang palumpon ng ganoong bulaklak. Sweet, di ba? Sure ako, iyon ang naisip ni Mama no'n.
Sabi ng mga nakakakilala sa nanay ko iyon daw talaga ang greatest love niya. Kaso nagsundalo raw iyon at sa kasamaang palad ay namatay agad sa unang engkwentro sa mga rebelde. Nadestino kasi agad sa Basilan.
Noong mga panahong iyon, nahuhuli ko si Mama na napapatingin sa malayo. Naisip ko na baka iyong guy na iyon ang naiisip niya sa mga bulaklak na bigay mo.
I can never thank you enough for the flowers, Dad. Hindi ako magsasawa sa paulit-ulit na pasasalamat sa iyo kahit na matagal na iyon. Nagtabi nga pala ako ng isa no'n. Sa pagkakatanda ko ay inipit ko sa Econ book ko. Remembrance ko ng first bouquet na mula sa iyo.
Sabi ko no'n habang tinatabi ang isang buko ng rosas, Someday, ikukwento ko sa mga apo natin na minsa'y naging hopeless romantic din ang lolo nila. At ipapakita ko ang dried white rose na iyon to prove to them na totoo ang sinasabi ko. Sabi ko pa, knowing you baka i-deny mo kasi, eh. Mabuti nang may pruweba. Haha!
Pwera biro, Dad. I hope you saw me and my love for you like those white roses that you gave me. Pure and selfless. Hindi ako magsasawa na ulit-ulitin sa iyo kung gaano kita kamahal.
Your baby,
Isadora
BINABASA MO ANG
DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)
RomanceGreg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar ng bayan. Siya'y isang pangkaraniwang estudyante na may hindi pangkaraniwang ganda. Unang kita pa l...