Dear Big Daddy,
That day was very special. Kasabay ng balitang in-approve na ng thesis adviser ko ang aking research paper, napag-alaman ko pang hindi natuloy ang kasal mo at ng babaeng iyon. I just couldn't believe it! Ang saya-saya ko nang personal mo pang sinabi sa akin na naglayas ang bride mo sa kanila at hindi na ito nagpakita pa sa araw ng kasal n'yo! You just didn't know then how happy I was, Dad. Grabe. Ang sarap lang sa pakiramdam. I thought then, it bought us time. Sabi ko, makakapag-isip pa tayo ng kung ano ang maaari nating gawin para hindi kayo magkatuluyan ng babaeng iyon forever.
Nang makita kita sa Sunken Garden nang araw na iyon after several weeks of not seeing you, I felt deliriously happy. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman ko noon, Dad. Iba. Naisip ko pa no'n na tama ang sabi ng mga matatanda na 'good things happen to people who wait'. Sabi ko pa, kung nagpadala ako sa emosyon noon at ginalit ko ang mga magulang mo, disin sana'y hindi tayo nabigyan ng second chance. Baka pinakulong pa ako ng mama mo. To which you responded with a warm kiss on my cheek. Then you said to never ever joke about it because you can never imagine me suffering in a jail. Pero ang naisip ko no'n, baka nainis ka dahil I pictured your mom as a wicked woman.
Ang OA ko ba, Dad? Naku, kung alam mo lang ang dinanas ko sa mama mo. She warned to send me to jail for dating you! Haha! Half-meant ang biro kong iyon, Big Daddy. Hindi ko alam kung ano ang ikakaso niya sa akin noon. Unang-una, hindi ka na minor. Mas matanda ka pa nga sa akin noong time na iyon, eh. I was just a little over twenty-one, samantalang ikaw ay twenty-two na. Wala nang minor sa ating dalawa.
When you kissed me for the first time after weeks of not seeing you, I felt so blessed. Naisip ko no'n, not many couples have what we had. Lucky tayo, Dad, kasi alam nating we were together not because we wanted to have someone beside us, but because we felt we were soulmates.
I still believe our souls knew one another since forever, Dad. Hindi pa rin nagbabago ang paniniwala kong iyon. Ramdam ko pa rin. At alam kong ganoon ka rin.
I assured you then that I would try all my best to be strong for us. Sabi ko, ipapakita ko sa mga magulang mo na hindi ka nagkamali sa pagpili sa akin. Sabi ko pa, hindi na ako magpapa-intimidate sa kanila. Na ipaglalaban ko ang kung ano mayroon tayo. Basta ba nandiyan ka lang palagi for me. I told you I just needed some assurance na susuportahan mo ako hanggang sa dulo ng walang hanggan. Para ano pa't naturingan tayong iskolar ng bayan kung hindi tayo marunong lumaban?
But I also promised you then that I will not cross the line. Hindi ko lalapastanganin ang mga magulang mo. Hindi naman kasi ako pinalaking bastos ng mama ko. We may be poor, but our values are intact. Marunong pa rin akong gumalang sa nakatatanda lalo na kapag ang nakatatandang iyon ay mga magulang ng pinakamamahal ko.
Ang sarap-sarap balikan ng araw na iyon, Dad, sa totoo lang. It felt so good then to know that you were mine again. Mine again...Imagine that!
Your baby forever,
Isadora
BINABASA MO ANG
DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)
Roman d'amourGreg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar ng bayan. Siya'y isang pangkaraniwang estudyante na may hindi pangkaraniwang ganda. Unang kita pa l...