Dear Big Daddy,
Hindi rin ako nagtagal as janitress doon sa klinika ni Doktora Jimenez, Dad. Isang buwan matapos na mapag-alaman kong nilipat na ng ibang klinika si Baby Tanglaw, nagbitiw na rin ako. Inisip ko sanang mag-apply ng kung anong posisyon sa nilipatang clinic ni Baby pero natakot ako na baka lalo akong maging halata sa mag-asawa at balikan nila sina Sister Gertrude. Siguradong magagalit sa akin ang mga madre. Saka maisip ko lang na baka ihabla ako ng orphanage dahil sa pinirmahan kong papeles, nagdadalawang-isip na ako. Noong mga panahong iyon kasi ay madalas na sa ospital si Mama. I needed all the money that I can earn. Wala dapat malustay sa kung ano mang rason. Or else, ikamamatay na ni Mama iyon.
Sa mga panahong ito ng buhay ko, dumating si Damian. Hindi ko alam kung natatandaan mo siya. Ang sabi niya sa akin nagkaroon daw kayo noon ng brief encounter nang mag-hold ng friendly game sa basketball ang mga eskwelahan natin. Dati raw siyang forward ng Cardinals.
Maganda agad ang first impression ko kay Damian. Pauwi na ako noon mula sa trabaho ko sa Santo Domingo nang bigla na lang may humablot ng bag ko. Nag-hysterical ako no'n Dad, kasi nandoon lahat ng sweldo ko ng akinse. Nakita niya iyon dahil nagja-jogging siya sa lugar na iyon kung kaya nahabol niya ang snatcher. Grabe ang pasasalamat ko. Parang naabot ko ang langit. Haha!
Nang dahil doon ay nasundan pa ang pagkikita namin. Sa tuwing off ko na sa work, inaabangan niya ako at sinasamahan sa paglalakad hanggang sa makasakay ako ng dyip. Naging madalas ang pagkikita namin ni Damian hanggang sa kumakain na rin kami sa labas kahit weekend. Unti-unting nahulog ang loob ko sa kanya dahil bukod sa ito'y maginoo at mukhang may breeding ay nirespeto niya ang mama ko. Nang unang araw kasi ng bisita niya sa amin, iyon ang time na palihim ko siyang sinubukan, hindi niya pinandirihan si Mama knowing na nakahahawa ang sakit nito. Iyon ang isa sa mga naging dahilan kung bakit sinubukan kong palayain ang aking puso sa bigkis ng kahapon. Masyado bang ma-drama, Dad? Haha!
You might think that Damian only had good inner qualities dahil masyado ko iyong na-emphasize. Baka isipin mo rin na walang makakatalo sa iyo when it comes to looks and charisma. Ang totoo niyan, Big Daddy, kung siya ang una kong nakilala at hindi ikaw, malamang I have fallen for him, too, in the same intensity as I have fallen for you. Matangkad si Damian like you at may hitsura rin naman. But unlike you, kayumangging-kaligatan ang kulay ng kanyang balat. Pinagkaguluhan siya sa amin nang unang dalaw niya sa akin. Haha! I didn't say these to make you jealous, Big Daddy, if I still have that power to stir some emotions in you. Sinasabi ko lang ang totoo. Katunayan, nang ipakilala ko siya sa kababata kong si Cherry, napatanga ito. Tulad nang natulala siya nang makita ka niya sa personal.
To make the story short, naging nobyo ko si Damian. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, Big Daddy. For the first time in a long time kasi, sinapo ni Mama ang magkabila kong pisngi at hinagkan niya ang aking noo. Umiiyak siya. This time, sa tuwa. Sabi niya maluwag sa kanyang kalooban ang bumitaw at mamaalam na sa mundong ito dahil nakikita raw niya kay Damian ang kasagutan sa mga pangarap kong magkaroon ng isang 'normal' na pamilya. Biruin mo iyon? Ni hindi ko sinabi ang ganitong adhikain sa buhay ngunit nalaman pa rin ni Mama. Basang-basa pala ako ni Ermat!
Hindi nagtagal ay nagpakasal kami sa huwes ni Damian. Hindi kami nagplano ng church wedding dahil sabi namin pareho, it can wait. Wala pa kasi kaming sapat na pera para sa isang church wedding nang mga panahong iyon. Nagsama kami agad at doon siya muna sa bahay namin tumira. Kung kailan wala nang problema ang buhay ko saka naman namaalam si Mama. Hindi na niya nasaksihan ang bagong bahay na pinatayo sana ni Damian para sa amin na dapat ay kasama rin siya. Labis kong ikinalungkot ang pangyayari subalit dahil mayroong akong kaagapay sa pighati, nalampasan ko agad iyon.
Damian was every inch a good husband and partner, but I have to be honest here. In the middle of the night, I would find myself looking for something---someone. Sana'y hindi lumaki ang ulo mo, Big Daddy. Haha! Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ko sa iyo, ikaw pa rin pala ang hinahanap-hanap ng puso't kaluluwa ko. But I tried my best to be a good wife to him. Until that day...
Kapag binabalikan ko iyon, grabeng guilt ang nararamdaman ko. At naiiyak pa rin ako. Pero kahit na mayroong guilt feelings akong naramdaman, hindi pa rin sapat iyon para pagsisihan ko ang nangyari. Natanong ko nga ang sarili ko sa puntong ito. Ang sama ko na bang babae? Marahil totoo ang sinasabi ng mga matatanda, hindi namumunga ng santol ang puno ng mangga.
O, balita ko'y nag-migrate kayo ng pamilya mo sa Inglatera?
Palayo ka na nang palayo sa akin, Big Daddy. Naisip ko lang, do you still think of me like I do with you? Alam kong sa puntong ito ay hindi na dapat, subalit ganoon pa rin ako. Wala pa ring pagbabago.
Ingat ka sa English Winter, ha? Sabi nila may portions doon na mas malamig pa kaysa Norway.
Your baby,
Isadora
BINABASA MO ANG
DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)
RomanceGreg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar ng bayan. Siya'y isang pangkaraniwang estudyante na may hindi pangkaraniwang ganda. Unang kita pa l...