Letter #19 - You are my soul

545 43 8
                                    

Dear Big Daddy,

Tama ba ang balitang narinig ko noon, Big Daddy? Nag-away daw kayo ng father mo nang dahil sa akin? Ang sabi ng best friend mo at kasahaman sa basketball team, muntik na raw kayong magbarilan sa Manila Golf Club. H'wag naman sana kayong magpatayan, Dad! Kahit ano man ang naging kasalanan niya sa atin, tatay mo pa rin siya.

Alam mo, Dad, maswerte ka kahit papaano. At least, you grew up with a father. Ako'y mayroon, pero non-existent siya sa buhay ko. He never acknowledged my birth. Alam ko lang na siya ang ama ko dahil sinabi sa akin ni Mama. One time, pinuntahan ko siya sa kanila. Hindi naman ako pumasok sa bakuran ng mansion niya. I just stood outside and waited for him to come out. Ang sweet niya sa mga anak niya. Kitang-kita ko. He kissed and hugged them before leaving the house. Hindi ko napigilang mapaluha dahil ni katiting ng pagmamahal na iyon ay hindi ako naambunan. Kaya i-cherish mo ang dad mo. Kahit ganyan iyan, mahal ka. Well, minahal ka sa kanyang pamamaraan.

Sabi sa akin ni Mama, minamahal tayo ng mga magulang natin ayon sa nakagisnan din nilang klase ng pagmamahal mula sa parents nila. Tulad halimbawa ni Mama. She was not demonstrative before. Katunayan, aping-api niya ako noon. Pero sabi niya, ganoon din daw kasi ang nakagisnan niya kina Lolo at Lola. Dahil bunso siya, she was taken for granted lalo pa't medyo mahina ang ulo niya. Mas binigyang pansin daw ang kanyang mga ate at kuya na mas matalino.

Palagay ko, Dad, ang erpat mo ay nakasal din nang labag sa kalooban niya sa ermat mo. H'wag kang magalit, ha? Naalala ko noong pumunta ako sa inyo for that dinner night na ni hindi ko man lang sila nakitaan ng sweetness sa isa't isa. They seemed to be cold towards one another. Isipin mo kung totoo ang hinala ko. Naiisip siguro ng parents mo noon na sumunod sila sa kanilang mga magulang at napabuti ang kanilang buhay. Naging marangya. Dapat ganoon ka rin.

Sa puntong ito, napaluha talaga ako, Dad. Naawa ako sa sarili ko. Naisip ko pa, ano kaya kung kinilala akong anak ng mayor ng Maynila? Paano kaya kung legal daughter niya ako? Papayag kaya ang parents mo na ako ang makatuluyan mo?

To be honest Dad, sa kabila ng mga nangyari ng Disyembreng iyon, patuloy pa rin akong umasa na maging tayo pa rin sa bandang huli. At grabe ang naramdaman kong pananabik nang isang araw ay bulagain mo ako sa trabaho ko. That was a few weeks after Christmas. Nagulat talaga ang mga kasahamahan ko sa work nang makita ka nila. Kilala ka pala ng halos karamihang babae roon. Crush ka nga raw nila, eh. Napupunta rin pala silang peyups sa tuwing may laro ang team n'yo noon. Ganoon ka pala ka sikat! Kahit taga-ibang universities ay bukambibig ka! Naging tampulan tuloy ako ng tukso nang malaman nilang nobyo kita. Sabi nila, ang swerte ko raw.

Swerte. Gusto kong maiyak nang marinig iyon sa kanila. Kung alam lang nila. Hindi ko na nga alam kung ano ang itawag sa iyo no'n. A few months ago then, I thought ako ang pakakasalan mo dahil naipakilala mo na akong fiancee sa mga magulang mo. Tapos, bigla ka na lang nagpakasal sa iba. Gayunman, hindi ko nagawang ipagtabuyan ka noon kahit na ang sakit-sakit ng naramdaman ko. Pakiramdam ko kasi no'n ay pinapaasa mo lang ako. A part of me then wanted to shout profanities at you. Sabi ko, hindi mo naman pala tunay na mahal ang babaeng tinawag mong 'baby'. May baby bang sinasaktan ng Big Daddy niya?

Noong time na iyon, dahil sa tampo ko, I refused to call you Dad and I asked you to stop calling me baby or your baby girl ngunit nang makita kong may gumuhit na pait sa mukha mo, para ring piniga ang puso ko. When I saw you teary-eyed, wala na. Nawindang na ako. Hindi ko pa napigilang sumama sa iyo. Doon sa bachelor's pad mo sa Quezon City, ilang beses nating ninamnam uli ang pagmamahal sa isa't isa. Naniwala na naman ako sa iyo nang sinabi mong temporary lang ang kasal mo. Dapat akong ma-guilty nang mga oras na iyon, but to be honest, I didn't feel it was wrong. Kasi, Dad, akin ka naman talaga, di ba? Tayo naman dapat, eh!

When I looked back to all those years I have loved you, iyong last dinner natin sa pad mo ang tinuturing kong pinakamahirap pakawalan sa alaala. Kasi Dad, naroon na, eh. Nabago ko sana ang naging kapalaran ko kung pumayag akong sumama sa iyo at magpakalayu-layo na lang right that very moment. Bahala na kung ano ang mangyari sa atin. Maghirap man tayo o ano. Sinabi mo sa aking kakayanin mo.

Your offer was so tempting then. Muntik na akong mapa-oo. Pero naiisip ko pa lang na iwan ang mama kong may sakit, hirap na hirap na ang kalooban ko. Hindi ko pala nasabi sa iyo noon na na-diagnose na may TB ang ermat ko. Palala na siya no'ng mga panahong iyon. But you know what Mama said when she found out about your offer? Ang tanga ko raw! Dapat pumayag daw ako sa plano mo at nagpakalayu-layo tayo. Ke mananatili raw ako o hindi sa tabi niya, mamamatay din naman siya kaya mas gusto niya sanang iwan akong may kasama at masaya sa buhay.

Nagulat ako no'n, Dad. Napaiyak tuloy ako. I was deeply touched by her demonstration of her love and concern for me. Hindi kasi ako sanay. Nagyakapan na naman kami at nag-iyakan no'n ni Mama. Kaya sinabi ko na lang, kung tayo talaga ang para sa isa't isa ay gagawa ng paraan ang tadhana...Kaso, tingin ko, we were not meant for each other.

Balang araw kung mabasa mo ang sulat kong ito at wala na rin ako sa mundong ito, sana, Dad, you continue to cherish our good memories together. Ang dami nating masasayang alaala lalo na sa loob ng peyups---sa klase ni Dr. Dominguez. Iyong mga alaalang iyon ang nagpapatatag sa akin---ang patuloy na nagbibigay ng inspirasyon. At least ako, masasabi kong minsa'y minahal nang labis ng isang lalaking labis ko ring mahal.

I still love you, Big Daddy. I think my heart will remain with you forever and beyond. You are my soul.

Still your baby,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon