Letter #10 - Big Daddy

985 44 9
                                    

Dear Big Daddy,

Did you remember that day when I came to you paralized with fear, Dad? Isang linggo na kasi akong delayed noon. I was worried na nagbunga ang pinaggagawa nating kahibangan. Nag-alala akong baka lalong magalit sa akin ang mama ko at sasabihin niyang wala rin pala akong pinagkaiba sa kanya at baka masabi na naman niya sa akin ang lagi niyang bukambibig noong ako'y bata pa: Sana hindi na lang kita binuhay!

Ilang beses kitang tinanong noon, "Dad, what should I do? Ano ang gagawin nating dalawa?"

Sinabi mo no'n sa akin na huwag akong kabahan. You even gave me a reassuring smile. Sabi mo pa, kapag nagkataon ay mapapabilis ang matagal mo nang minumungkahing gawin natin. Ang magtanan na lang! The more I thought about eloping with you then, the more it became tempting. Kaso nga lang, sa tuwing naiisip ko iyon noon, sumasagi naman sa isipan ko ang hitsura ng mama at papa mo. Sa aristokratang hitsura pa lang ng mother mo, tiklop na ako. Kahit wala siyang sabihin, taasan lang ako ng kilay ay nanginginig na ako. Idagdag mo pa ang papa mo na tiger look lagi kong makatingin sa akin.

Sabi mo rin noon, huwag ko silang pansinin. Ang importante ay nagmamahalan tayo. Pero paano tayo magkakaroon ng peace of mind kung sabi nila ay hahantingin tayo kahit saang lupalop ng mundo magtago?

Naisip ko rin noon, isang bagay lang ang makapagpabago ng opinyon nila about me. I have to prove my worth to them. Kailangan kong maipakita sa kanila na ang pobreng babaeng ito ay mayroong paninindigan. Hindi ako tutulad sa ibang mahihirap na nagkarelasyon lamang sa isang mayaman ay naging mapagsamantala na. Baka nga iyon ang inaalala ng parents mo. Na baka kaya ako dumikit sa iyo ay dahil gusto kitang pagkukwartahan.

I thought then na kapag mayroon na akong natapos at may magandang trabahong maipagmamalaki ay papayagan na nila ang relasyon natin. Na magiging proud din sila sa akin.

I was so naive then. Ganoon ka simple ang takbo ng utak ko.

Ganoon na lamang ang tuwa ko noon nang dumating ang hinihintay kong buwanang-dalaw nang linggo ding iyon! Sa labis na katuwaan, napasayaw-sayaw ako sa Sunken Garden. People were staring at us like I was some kind of a weirdo. Haha! Pero you were kind of disappointed. Yes, Dad. I could still remember your reaction. Ngumiti ka nga but then it didn't reach your eyes. I had to hug you and kiss your neck just to comfort you.

Nang mga oras na iyon, ibayong ligaya rin ang dulot ng reaction mo, Big Daddy. Ikinataba ng puso ko na gustung-gusto mo na palang maging daddy---daddy ng magiging anak ko!

Habang yakap-yakap kita no'n bigla na lang may magandang babaeng kumaway sa iyo. Kumaway ka naman sa kanya. She looked so beautiful. Iyon ang pagkakaalala ko sa kanya. Sa pagkakatanda ko pa, blonde ang kanyang buhok at kulay asul naman ang mga mata. Natanong nga kita kung sino siya at ang sabi mo, anak ng pinagkakatiwalaang manager ng kompanya ng dad mo sa Norway. You sounded uninterested while talking about her, but I felt threatened. Hindi ko alam kung bakit. Kung ganda rin lang naman ang pag-uusapan, hindi sa nagbubuhat ng sariling bangko, mas maganda ako, di ba, Dad? Sinabi mo pa nga iyon sa akin noon. Haha!

Ang hindi ko alam, iyon pala ang babaeng aagaw sa iyo sa akin. Though I was threatened about her the moment I laid my eyes on her, hindi ko masyadong binigyang halaga iyon. Naisip ko kasing may matatag tayong pundasyon. Halos mag-iisang taon na rin tayo kasi no'n at labis nating mahal ang isa't isa. You had proven to me how much you loved me. At gano'n din ako sa iyo. Sabi ko pa noon, matatag tayo. Walang makabubuwag sa samahan natin. Wala...

Later ko na lang naintindihan ang lahat. Kaya pala nagmamadali kang magpakasal tayo noon dahil ginigipit ka na pala sa inyo. Pinoproseso na pala ng mga magulang mo ang kasal n'yo ng babaeng iyon. If I only knew...If I could turn back the clock...

Pero mahal pa rin kita, Dad. Kahit nauwi sa wala ang mga binuo nating pangarap, hindi pa rin napingasan ang pagmamahal ko sa iyo. You will always be my Big Daddy.

Your baby forever,

Isadora

DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon