Dear Big Daddy,
Tandang-tanda ko ang araw na nakita ko ang wedding pictures mo at ng babaeng iyon sa magazine featuring Manila's rich and famous. Sabi ko hindi ko na sana babasahin ang artikulo tungkol sa iyo at sa Norwegian bride mo dahil baka lalo akong masaktan at maawa sa sarili ko, but my curiosity got the better of me. Akala ko noon anak lamang ng isang pinagkakatiwalaang manager sa Norway ang napangasawa mo. May sinabi rin pala ang pamilya niya sa kanila. Kung sa bagay, knowing your parents hindi naman siguro sila papayag na basta ka na lang mapunta sa isang mahirap na babae---like me.
Nasaksihan ng employer ko no'n ang pagluha ko nang dahil sa cover photo ninyo sa magazine na iyon. Tinanong niya ako kung kaanu-ano ba kita. Hindi ako sumagot, pero tingin ko naintindihan niya kung ano ang ugnayan natin. She didn't ask me further questions. Instead, she offered to give me a two-day break, if I wanted to. Saka alam mo, Dad, sinabi pa ni Ma'am na mas maganda raw ako sa bride mo. Sorry, ha? Tingin ko may point ang amo ko. Haha!
Kidding aside, when I found out from that article that your parents brought your bride here in the Philippines to live in your mansion in Forbes, I wept uncontrollably. Ang ibig sabihin lang kasi no'n, wala na talaga tayong pag-asa. Sinabi mo noon sa akin sa bachelor's pad mo na h'wag akong bumitaw. Na babalikan mo pa rin ako balang-araw. Sana'y h'wag akong magsawa sa kahihintay. Pero, Dad. Habang inuulit-ulit ko ang mga pangako mo sa isipan ko, para siyang dahan-dahang naging isang malakas na hangin lamang. Malakas ang pagpaparamdam ng presensya pero nawawala rin nang kasing bilis sa pagdating nito.
Natatandaan mo si Cherry? Siya iyong kababata ko sa dati naming tinitirhan ni Mama. May pinakilala siya sa akin a few weeks after I read that magazine article. May matatag na trabaho ang lalaki at may hitsura rin naman, although hindi siya kasing pogi mo. Haha! Sabi ni Mama noon, kailangan na kitang bitawan. Dapat hindi ko sayangin ang buhay sa paghihintay sa walang kasiguraduhan. Pasensya na, Dad, I tried to go out with that guy. Not once, but twice. Kaso nga lang, hindi ko talaga naramdaman sa puso ko ang presence niya. Gusto kong mag-move on, pero ang hirap. Sobrang mahirap.
Nang sumunod na dalaw ng lalaki sa amin, nahilo ako at nawalan ng malay. Sa tulong niya, naisugod nila ako ni Mama sa health center ng barangay. And I found out I was pregnant. Grabe ang naging reaksyon nilang dalawa ng ermat ko. Sinampal siya ni Mama at tinawag ng kung anu-ano. Pati si Cherry ay napagalitan pa nang nagpakita rin doon para damayan sana ako. Sa kabiglaanan ko sa natanggap na balita mula sa midwife namin after I gained consciousness hindi agad ako naka-react. Hindi ko tuloy naawat ang mama ko. Nang sasampalin na ni Ermat ang kababata kong si Cherry, sumigaw ang lalaki na dapat daw ay ako ang kagalitan niya. Ang landi-landi ko raw kasi! Kung makaasta raw ako ay parang santa-santita tapos nakikipag-anuhan daw pala sa iba. Right there and then, he told everyone that we were not into that thing yet because he was not my lover. Kaya may ibang ama ang dinadala ko. Napahiya ako, Dad. Kami ni Mama. Pinagsigawan niya kasi. Gayunman, thankful din ako na hindi ko pa siya nasasagot no'ng mga panahong iyon dahil kung nagkataon pala'y bugbog-sarado ang kalalabasan ko. May violent tendencies pala siya, Dad. Grabe ang pagsisintir niya nang mapag-alaman na hindi na ako birhen.
Yes, Dad. Nagbunga ang ginawa natin sa bachelor's pad mo. Paano kasi hindi ko napaghandaan iyon. Ni hindi ko naman kasi alam na magkikita tayo that day. Hindi ko alam kung paano ito sasabihin sa iyo. Sana pala ay inalam ko ang exact address n'yo sa Forbes para nasulatan man lamang kita. Ni hindi ko nga pala alam ang telepono ninyo sa bahay! Ang tanga ko!
Sa ikatlong buwan ng pagbubuntis ko, nahuli ako ng amo kong nagsusuka sa CR. May mahigpit kaming patakaran sa opisina na bawal ang pagbubuntis nang hindi kasal sa ama ng dinadala, ngunit hini niya ako sinisante agad-agad. Sinabihan niya ako na ihanda ko na lang daw ang sarili. Kapag halata na raw ang tiyan ko, bibigyan niya ako ng pagkakataong mag-resign na lang on my own para hindi rin madungisan ang employment record ko. Nalungkot ako sa sinabi niyang iyon noon, pero natuwa rin at the same time. Pinagpasalamat kong binigyan niya ako ng konsiderasyon. At least nakapag-ipon pa ako para sa amin ng baby natin.
I thought about telling you this at that time. Kaso hindi ko alam kung paano ka nga kontakin. Wala rin akong ways to contact your friends. Ang mga kaibigan ko'y wala ring ideya kung paano ka mahagilap. I heard news that you went to Norway to manage your family business there. Pero nagbakasakali akong pumunta sa inyo. I tried to drop by your village one time. Sa gate pa lang hindi na ako pinapasok. Ayaw maniwala ng gwardiya na may ugnayan tayo. Tiningnan pa nga ako mula ulo hanggang paa. Tapos nakita ko ang mama mo sa loob ng Chedeng na papasok sa gate at that time. Sabi ko noon, timing. Mabait ang Diyos. I waved at her and begged her to take me to where you were at that time. Akala ko noong binaba niya ang bintana sa gawi niya, tutulungan na niya ako. But she simply looked through me and motioned to the guard to keep me away from the gate. Grabe, Dad. Walang kasing sakit ang ginawa ng mama mo sa akin. No'n ko napagtanto na hindi nga nagbago ang tingin niya sa akin. Na iyong pakita niya noon ay bunga lamang ng isang paghahangad na malansi ako---tayo---lalung-lalo ka na para madali nilang maisagawa ang kanilang plano.
When Mama found out about what I did, napagalitan pa niya ako. Ang sabi niya, kung gusto mo raw akong panagutan, disin sana'y ikaw na ang naghanap sa akin. Pero pagkatapos ng nangyari sa pad mo, after I turned down your offer, I didn't hear from you again. Hindi pa raw ba klaro ang lahat? H'wag na raw akong umasa.
Real talk, Dad. Were you that mad at me then for rejecting your offer? O baka, nangako ka lang ng anu-ano para maka-score ulit sa akin no'n? Ano ba ang totoo?
Sa puntong ito ng buhay ko, I felt so lost and desperate. But then, our little one made me strong. Kahit malayo ka na sa akin, pakiramdam ko nandiyan ka lang sa tabi-tabi dahil I had a piece of you growing inside of me.
Na-wish ko rin sa mga panahong ito na sana this happened earlier---noong mga estudyante pa tayo sa peyups. Naalala mo iyong time na nasa Sunken Garden tayo? Noong binalita ko sa iyo na false alarm lang pala ang delay sa period ko? Sana hindi, no? Kasi kung nabuntis mo ako noong time na iyon, iba sana ang takbo ng kuwento natin.
Napapabuntonghininga na lang ako, Dad. Pero dasal ko pa rin ang kaligtasan at kapayapaan ng iyong puso't isipan. I---no---we love you, Big Daddy!
Your baby plus one,
Isadora and our little angel
BINABASA MO ANG
DEAR BIG DADDY (COMPLETED - EPISTOLARY)
RomanceGreg Santillan is your typical campus hearthrob. Gwapo, mayaman, at may matapobreng magulang. Isadora Ramirez, on the other hand, is a poor, iskolar ng bayan. Siya'y isang pangkaraniwang estudyante na may hindi pangkaraniwang ganda. Unang kita pa l...