#12
July 1, 2020
Messenger
Kambs 👽
10:09 AM
Issa:
This is my second life.
I need to make it worthy.
Mona:
HOY????
KAMBAL???
Anong second life?!
Issa:
Eh…..
Hehe
Nakabunggo ako
Mona:
HA?! BAKIT?! KAILAN KA PA NATUTONG MAG-DRIVE?
Actually, hindi. Hindi ka pala natuto. Wala kang natutunan! Sinong nabangga mo? Okay ka lang ba? Nasaang hospital ka?
Seen
Mona:
ISSA JEAN!!!!
Seen
Issa:
Nakabunggo ako ng puno.
Heheheheehhehehehehe
Seen
Issa:
Okay lang ako!!!
Mona:
Aba, paano ka nauwi sa puno? Sino ang nagsabing mag-drive ka. Sinasabi ko sa'yo, kailangan may milyon ka bago mo ako mapasakay ng sasakyan habang ikaw ang nasa manibela.
Issa:
Gusto ko na matuto kasi. Kesa palagi akong nagpapa-drive kay Manong Mik.
Mona:
Ok. Kaso saan ka naman dinala niyang kagustuhan mo?
Kambal, tanggapin mo na, you're not cut out for driving. Madali kang ma-distract.
Issa:
Grabe mang-realtalk?!?!?!
Mona:
Sinasabi ko lang. Saka pinapakaba mo ako. Jusmiyo ka! Aatakihin ako sa puso sa true lang.
Issa:
Sorry na. Ok lang ako. Promise. Konting bunggo lang. Na-excite ako kasi napilit ko si Manong na turuan ako kahit ilang beses na niya akong pinagtiyagaan turuan no'n, wala talaga.
Siyempre ayoko rin naman makaabala. Mamaya need siya ng parentals. Mahirap pa naman ang public transpo ngayon. Buti nga isang sakay lang 'yung lab.
Mona:
Oh, bakit ka laging nagpapa-drive?
Issa:
Hehe. Nakikikain ako kila Mommy. Minsan bina-badtrip kasi ako ni panget. Pero minsan nagpapa-drive din ako sa Isle's kaso gusto ko makaganti ng pambuburaot.
Anyway! I'll be sleeping ovaaaah tomorrow!
Seen
Ay joke!! Ngayon!
Kasi bukas duty ako ng afternoon.
Be ready!!!!!!
Mona:
Aba baket? Matutulog lang naman tayo! Alam ko wala tayong magagwa kundo mag-tsismisan at matulog.
Issa:
May iba akong agenda.
Sabi ko second life ko na, hindi ba? I need to make sure na malalaman na ni Kuya Nyx na crush ko siya.
Mona:
Paano? Hindi nga nag-re-reply!!!!
Issa:
May big brain move tayo diyan, kambs. Wait for me. Pakinggan ko muna sermon ni Papa. Hehehehehehehehe
BINABASA MO ANG
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...