#85

393 26 5
                                    

#85

December 4, 2020

9:30 PM

Calling O, mamama...

[accepts after three rings]

Ano ang maipaglilingkod ko sa prinsesa?

Eomma...

Oh? Bakit eomma na tawag mo? May kailangan ka ba?

Hala. Ma naman!

Haha! I'm kidding. Papasundo ka ba?

Hmm.......

Gusto mo na ba ako magka-boyfriend?

Why, yes, my dear.

I-reto mo na ako.

/laughs hysterically/

Grabe. Napakamapang-asar nu'ng tawa mo, Mommy.

Hindi na ako naniniwala sa'yo, 'nak.

This is your chance, Ma. Baka suwertihin ka at magtagumpay ka sa matchmaking mo.

How's Onyx, by the way? Tell him to visit some time.

Maaaaaa

Baka nandiyan si Appa!

Wala. He's busy with Isle.

NANDIYAN SI YAKU?

Ma, 'wag ka na magbanggit ng pangalan. Matinik pa naman pandinig ng mga 'yan sa pangalan ng lalaki.

Hindi pa rin alam ng kuya mo?

Hindi pa. Malamang kung alam niya hindi matutuwa 'yun na kasa-kasama ko si Onyx.

Hmm? Onyx na lang?

Mommy, hindi naman ako magpapareto kung jowa ko na siya.

Stop using that word, Issa. I told you.

Ayy sorry. Ano, boyfriend-Yieeee. Ma! Kinikilig ako kaso malapit na ang deadline na sinet ni Mona.

Bakit may deadline?

Deadline para mag-move on na from Onyx. Sabi kasi ni kambal, I should talk to him and tell him na, oo gusto ko siya and all that but if there is a slim chance, puwede raw bang friends muna kami.

Mona has a point. Ano ba nangyari before all this? I know you both. Walang deadline na magaganap if nothing happened.

Ma! I don't wanna be friends. Naging magkaibigan naman na kami, hindi ba?

Kasi Mommy, may nirereto rin kay Onyx. If it was possible, suggest ko sana sa'yo na mag-connive kayo ni Tita to matchmake us kaso...

Kaso?

Hmm, nevermind.

Anyway, ayun nga. Tapos kasi basta nag-drama ako sa kanya na ano ba ako sa kanya since he was still with me or something.

Sabi niya ayaw niya sa akin tapos sama pa rin nang sama! Siguro natatakot lang kay yaku.

Maaaaaaaaaaaa, what should I do?

Why does it have to be Onyx, matanong ko lang? I know it was my fault you called out Rykel's name when I put you on the spot.

There are a lot of boys worthy of your time. Bakit ka naghahabol?

/pauses for a long time/

Next question please.

Issa Jean Senieres Yu, hindi kita pinalaki para maghabol sa lalaki.

Hindi naman ako lumaki /makes sad owl noises/

Pero joke lang. Actually, hindi ko rin alam, Ma. Basta gusto ko siya. Lahat ng about sa kanya, gusto ko. Walang tapon mula ulo hanggang talampakan, pati utak at manners.

Maaaaaa, perfect son-in-law.

Hindi ko kailangan ng perfect na manugang. Ang gusto ko 'yung mamahalin at aalagaan ka. That's all I want for you and your brother.

Now, bakit ka naghahanap ng irereto sa'yo kung desidido ka diyan kay Onyx?

Papagalitan kasi ako ni Mona kapag sinabi kong i-extend 'yung deadline. Mamayang 11:59 na 'yun. It's almost 10PM.

Masisisi ko ba 'yung kaibigan mo?

Hay, anak. If that's the case, I won't stop you. If whatever should happen happens before the deadline, go for it.

Kung papayag, I also think the best course for this is to be friends first. Ilang taon na ba? Surely, a lot has changed. Get to know him as who he is today and let him know you for who you are today.

I love you, mommy. Thank you for tolerating me.

I'm not just tolerating you, Issa. I'm trying my best to understand you because you are my daughter and you have your own unique personality. May not be refined, but who cares.

We love you just the way you are, my dear. Don't let anybody make you think otherwise. Kaya sabihan mo si Onyx na bumisita sa bahay nang makilatis ko na.

Invite him to dinner. Christmas? New Year? Valentine's? Kahit simpleng araw.

Ma...

Gusto mo ngayon na? Or if he agrees. Mag-usap kayo sa bahay.

Ma...

Okay ka ba sa Isle's? O gusto mo ipakausap sa Papa mo?

Mommy!

What?!

Akala ko ba friends muna? Bakit naisama na natin si Papa? Bakit kikilatisin?

Ay oo nga pala.

Sorry. I got carried away.

Alam ko na kung kanino ako nagmana.

Kung magandang trait, sa akin. Kapag hindi, sa Papa mo.

Magandang trait ba 'yung madaling ma-carried away?

Okay. That's it. Bawal ka pumunta dito para makikain.

/secretly snorts, pero narinig pa rin./

I love you, Ma!

Yeah, yeah. Sabihin mo 'yan sa mga instant noodles kapag 'yun na lang pwede mong kainin.

[Call ends.]

At First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon