#121

310 24 1
                                    

#121

Messenger

Tinay Lansang

07:50 PM

Marthina:

Giiiirl, are you free? O busy ka?

Seen

Issa:

Yooooooo Bakit? Ano maipaglilingkod ko sa iyo kaibigan?

Marthina:

Gagi bigla akong nahiya. Fuuuuuuuuuuuuuuu

Issa:

Ano 'yun? Parang tanga 'to!

Marthina:

Ano mo ba 'yung Onyx?

Issa:

Ooohhhhhh

Bakit?

Kaibigan. Actually kaibigan ni Kuya ko.

Marthina:

Alam mo naman ako, bakla. Kilala mo ako. I don't like family gatherings and shit but here I am, enduring another one right now.

Issa:

Yeah. Alam ko. Naikukuwento mo naman.

Marthina:

Eh tapos their family's with us? Hindi ko alam kung paano nagsimula at bakit pero biglang napunta sa'yo 'yung usapan.

Issa:

AHA!

Kaya siguro kanina pa ako nasasamid.

Marthina:

Gagi!

Close ba kayo nito?

Issa:

Uhhh medyo haha! Bakit?

Marthina:

Pinagtatanggol ka kasi.

Issa:

Eh? Ano ba nangyayari?

Marthina:

Alam mo hindi ko alam kung paano ako hihingi ng sorry sa'yo dahil sa ate ko.

Issa:

Huy! Kung tungkol 'to doon sa pam-bu-bully niya noon sa work, wala na 'yun. Haha! Kilala mo naman ako kaya nga nag-quit na rin ako kasi hindi ko na keri na alam mo rin naman.

Marthina:

Hindi ko alam bakit pinag-iinitan ka nito sa totoo lang. She kept on telling stories about you and the time you
were working with us.

Sinabihan ko naman na tumigil kasi nakakahiya 'yung ginagawa niya since it's like a breach of privacy or something. Lalo na kakilala mo pa.

Issa:

Hayaan mo na! Ano ka ba?

Salamat sa pagtatanggol pakibulong na rin kay Kuya Onyx, salamat.

Marthina:

Luh gaga bat ako? PM mo na lang. Nagpakilala siya kanina eh at nakilala niya ako kasi nababanggit mo raw ako.

Issa:

Bigla akong hindi pinansin niyan eh. Naka-read lang akis pero busy pala.

Binabanggit kita kasi palaging tayong dalawa nakakagalitan ng ate mo HAHAHAHAAHAHHAA

Marthina:

Ewan ko ba dito. Gusto ko na nga umuwi. Wala naman akong ibang narinig kundi kuwento tungkol sa kanya with a bit of slander at me.

Issa:

Oy! Ano na naman sinasabi?

Marthina:

Same old thing. Comparison na naman kaliwa't kanan.

Issa:

Hay naku! Hayaan mo na nga lang. Hopefully mapagod sila. Ang mahalaga, you're doing your best. Ikaw kaya lagi hinahanap ng mga pasyente.

Marthina:

Mas lalo ikaw. Haha! Nu'ng umalis ka parang ilang linggo rin na araw-araw hinahanap 'yung maingay raw.

Sana alam mo rin na you've been doing your best. You're really a great friend kaya nakakahiya man pero never ako mapapagod na mag-sorry on behalf of my evil sister.

Issa:

Tina, ilang beses ko bang sinabi na tapos na 'yun. Kung anong ginawa ng ate mo, hindi mo naman kasalanan 'yun so why would you apologize for her?

Marthina:

Nakasanayan na eh. Ako lagi taga-salo ng kasalanan niya kaya ako ang humihingi ng pasensya kadalasan.

It would be hard to break the habit.

Issa:

Tama 'yan. Stop adjusting to her whims, gooorl.

Marthina:

Yeah. I'm tryiiiing. Problema ko na lang magulang namin. Haha!

Oh well. That's life. Kapag naging doktor ka na, kuhain mo na akong secretary mo, ha? I'd rather work for you than them. hahahaha!

Issa:

Sige ba. Hahaha! Tingnan ko muna kung papasa ako.

Marthina:

Gaga! Kaya mo 'yan! I'd be rooting and praying for you! Sa'yo nakasalalay ang future work ko. Haha!

Anyway, please sabihan mo uli si Kuya Onyx na humindi siya kung sakaling pilitin sila to be together. I think Ate likes him but please! Balaan mo na.

Issa:

I think he knows this? Pero sige, 'pag kinausap ako uli. 🤣

Seen

At First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon