#61
October 28, 2020
Messenger
Rykel Tancunco
8:40 PM
Issa:
Alam mo, kuya Rykel? Wais ka din eh.
Rykel:
Bakit naman?
Issa:
Wala ka masyado nasagot sa mga nauna kong tanong.
Rykel:
Ang usapan, sasagutin ko 'yung huli mong tanong noong nakaraan kapag naglapagka ng ulam.
Eh... madami ka palang tanong dapat dinamihan mo rin putahe. 🤣🤣🤣
Issa:
GRABE!
Ano ka? Loan shark pero pagkain ang kinukuha mo? Saan mo nilalagay 'yung kinakain mo sa katawan mong 'yan?
Sarap na sarap ka eh experiment lang 'yan!
Rykel:
Pati naman sila Tita, natuwa sa luto mo.
Issa:
🥲
I mean, hindi na masama. Pero bakit kasi allergic sa manok 'yun?!
Rykel:
Kaya nga.
Sad ng life niya. Hindi niya alam lasa ng fried chicken. Ay, alam pala niya kaso muntik na niya ikamatay, so yeah.
Issa:
Ay. Ok lang. Mas sad 'pag namatay siya. Mag-aaral ako ng ibang lutuin. Mahirap na.
Pero ito na! Sagutin mo na tanong ko na rason kung bakit naman pinagluto kita uli.
Rykel:
Okay, fine. Iiwanan ko muna pagkain ko para lang sa ikasasaya mo.
Honestly? I don't think my cousin has a type.
Issa:
Eh? Ganun na ba karami naging girlfriend niya?
Rykel:
Ah, tatlo? Not really sure since naghalo-halo na. But he liked dating.
Issa:
Liked? Past tense? Ayaw na niya? Kaya ba naghiwalay sila nu'ng Jenn?
Rykel:
Hindi ko alam kung ano nangyari para magbago ihip ng hangin, butbhe started keeping his relationships longer.
Pangatlo si Jenn.
Issa:
Gaano ba sila katagal?
Rykel:
Almost a year? Not really sure, but somewhere there. Si Jenn pinakamahabang nakarelasyon niya.
Issa:
True? Sana kwago.
Rykel:
Kwago????
Issa:
Sana all=alls=owls
Rykel:
Haaaaaaaaaay.
Issa:
🙄
Yabang nito.
Rykel:
So... meaning gusto mo isang taon lang kayo ni Nyx?
Issa:
Ay hindi. Erase, erase!!!
Siyempre forever. Kaso wala kang tulong. HAHAHAHA!
Ge. Salamat sa very litol information.
Rykel:
Ge.
Salamat sa food. Sa uulitin ha? 'Pag ayaw ng pinsan ko, ako sasalo.
Issa:
Sama ng ugali nito!
Rykel:
🤷🏼♂️ Sayang foods eh.
Well, good luck sa pinsan ko. Sana mapasagot mo. Muahahahaha!
Issa:
Salamat, ha, laki ng tulong mo eh.
Rykel:
Aba! Pasalamat ka close ka sa pinsan. Ako bahala sa'yo. 'Wag mong sasaktan pinsan ko!
Issa:
🥸🥸🥸
Baka ako pa saktan nito eh.
BINABASA MO ANG
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...