#33
Messenger
Kambs 👽
3:05 PM
Issa:
KAMBAL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
I AM SO FREAKING DEAD!
SABIHIN MO NGA, NAKAKAHIYA BA TALAGA AKO BILANG ISANG TAO? May redemption pa bang magaganap sa isang katulad ko?!
Seen
Issa:
You sent 2 photos
Mona:
ANO 'YAN?! BAKIT KA MAY BUKOL SA NOO?
Seen
Mona:
SAKA BAKIT MAY NEW MESSAGE YAG SI KUYA NYX?!
Siya ba 'yan?! Bakit may Onyx na? Sam Desalva lang 'yan nu'ng nakaraan ha?
Issa:
Oo nga, 'no? Hindi ko rin alam?! Ayaw kong buksan!
Saka nauntog ako dahil diyan! Nakitaa ko 'yung notification habang palabas dahil nagbukas ako ng data. Alam mo naman sa loob ng lab, palaging undas sa katahimikan kapag nandu'n kapatid ni Tina.
Mona:
HAHAHAHAHAHAHAHA! JUSKO KA NAMAN KAMBAL?! Bakit ba takaw disgrasya ka?
And seeing you're okay, wala akong ibang sasabihin kundi, THIS IS IT!!! THIS IS YOUR CHANCE! Habol ka nang habol diyan tapos ngayong siya nag-message, ayaw mo na?
Issa:
WELL! 'Wag mo ako paasahin, ok? Mamaya 'yan lang 'yung mga link na automatic na-send kapag na-virus ang profile. Tapos porn 'yung nasa thumbnail ng link.
Mona:
Again, paano mo malalaman kung hindi mo bubuksan?
Issa:
Teka nga!
Sabi mo i-try ko 'yung zoom date para maka-move on?! Bakit itinutulak mo na naman ako?
Paano ako makaka-move forward?
Mona:
Again, my kambal, hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.
Saka, ganti ito ng api kong pagkatao!
Issa:
Anong api!?
Kailan kita inapi?!
Hindi ka naman api. Marupok ka, kambs.
Mona:
Excuse me?????
Seen
Mona:
May point ka naman talaga.
HAHAHAHA!!
You reacted 😂 to the message
Mona:
Tawa-tawa ka diyan!
BUKSAN MO NA 'YUNG MESSAGE. Hindi kita patatahimikin until you open it. Saka para naman may silbi 'yang bukol mo.
Issa:
Sabihin na nating siya talaga 'yun...
BAKA NAKAKALIMUTAN MO KUNG ANU-ANONG KAHIHIYAN PINAGSASASABI KO DOON?!
Mona:
BAKA NAKAKALIMUTAN MO KUNG ANONG SINABI MO SA AKIN NOONG NAKARAAN?!
"Own up your tweets"
Practice what you preach!
OWN UP YOUR MESSAGES!
Issa:
I hate you
🙃🙃🙃
Mona:
I love you!
Baka ako pa makakolekta ng 5k diyan. Cash ba?
Issa:
Never!
BINABASA MO ANG
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...