#50

371 20 9
                                    

#50

October 17, 2020

Messenger

Rykel Tancunco

1:45 PM

Rykel:

Sangsaaaaang, wala ka na ba uling pa-ulam diyan?

Issa:

BAKET?! Doon ka sa yaku manghingi!

Rykel:

Eh, masarap 'yung chicken na niluto mo last time eh.

Issa:

IKAW KUMAIN NO'N?

Rykel:

Kami. Nakikain ako kila tita. Sakto kararating lang ni Nyx dala 'yun.

Ano tawag doon sa niluto mo?

Issa:

DINALA NI ONYX YUNG NILUTO KO SA BAHAY NILA?????????????

WHAT

THE

HECK?!

HINDI BA SUMAKIT TIYAN NG MGA MAGULANGNIYA?! JUSKO NAKAKAHIYA AYOKO NA

Rykel:

Sa kanila ka lang concerned?! AKO NA NAG-COMPLIMENT SA'YO, HINDI?!

Issa:

NAKU KUYA RYKE, ALAM KO MATIBAY SIKMURA MO! HAHAHAHAHAHAHA!

ANO NGA TOTOO BA YAN Y NAMAN GANORN

PAASA YANG PINSAN MO

Rykel:

Dinala lang sa bahay nila, paasa na? Hindi ba pwedeng sayang kasi? Ayaw pa naman nu'n nasasayangan o nagtatapon ng pagkain.

Issa:

PANIRA KA NG PANGARAP

AT HINDI TAYO BATI AKALA MO BA?! HINDI MO SINABI SA AKIN NA HIWALAY NA PALA NILA NU'N JENN! AKALA MO NAKALIMUTAN KO? NO!

Rykel:

SINABI KO KAYA SA'YO!

Sabi ko break na sila!

Issa:

Kailan, aber?

Grabe! Kaya naman pinagluto ko si Onyx kasi para mag-sorry tapos allergic pala sa manok.

Rykel:

🤦🏼‍♂️🤦🏼‍♂️🤦🏼‍♂️

Sinabi ko. Teka nga. Ako pa nasisi. Jusko kang bata ka! Isumbong kita ay Isle diyan eh.

Seen

Rykel:

Rykel sent you a photo.

Issa:

Luh. Gawa kwento!

Wala 'to sa chat natin!

Rykel:

Backread ka pa. Kapag ako mali, ililibre pa kita. Kapag ikaw mali, isusumbong kita kay Isle.

Issa:

TEKA

SANDALEEEEEEEEEE

GRABE NAMAN 'YUNG GRAVE CONSEQUENCE NA YAAAARN?!

Seen

Issa:

SABIHIN NA NATING TAMA KA, IPAGLULUTO NA LANG KITA NUNG MANOK NA NILAGYAN NG GATA NA PINASUYAL YUNG PANGALAN.

Quits na ba, ha?!

Rykel:

That's more like it. Sobrang hyper mo kasi, hindi mo siguro napansin na may kasunod ako na message. Kumalma ka lang.

Issa:

How to keep calm, sige? KINAKAUSAP AKO NG CRUSH KO. Namnamin ko 'yun kahit bagal mag-reply.

Rykel:

Doon ka kasi sa isa mag-message.

Issa:

Yq. Nahihiya ako. Kasi sabi ko siya mag-decide kung i-add niya ako doon kahit messenger lang. Eh wala pa rin ngayon ang confirmation message soooo tiis-tiis lang.

Oo pala! Dahil quits na tayo, I still have a question!

Ano ba mga tipo nitong ni Onyx sa babae? Totoo ba na wala siyang type????? Sabi niya kasi wala raw pero duda ako doon.

Seen

Rykel:

Sinagot na pala eh.

Issa:

I am not satisfied.

Wala ba talaga? Like, katangian na hinahanap niya? Okay, disregard na natin 'yung mukha and face vakue ekla pero 'yung ideal woman niya ganorn!

Rykel:

Alam mo, sangsang?

Issa:

Hindi pa.

Rykel:

HAHAHAHAHA!

Sagutin ko 'yang tanong mo kapag nakalatag na 'yung manok.

Seen

Issa:

ANO?!

Rykel:

Ciao!

🤣🤣🤣

Issa:

KUYA RYKEL!!!!!!!

At First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon