#106

344 23 2
                                    

#106

February 6, 2021

Messenger

Issa Jean Yu

11:09 PM

Issa:

ONYYYYX

May nakita akong recipe na naman sa internet. Susubukan ko gawin tapos tikman mo.

Saka beef 'to. Siguro naman hindi ka na allergic, hane?

Onyx:

Sorry. I know you wouldn't let me live that down. I can eat anything. No need to worry everytime.

Issa:

Joke laaaang! Wala na 'yun. Gusto ko lang binabalik-balikan. Hahahaha!

Bukas ako magluluto. Nasa condo ka lang ba nu'n?

Onyx:

Ok.

I'll bring Rykel there.

Issa:

Hindi naaaa! Sunday naman. Sabihin ko kay Manong Ben i-drop sa'yo.

Onyx:

That's the point. Sunday. Dapat nagpapahinga ka.

Kami na lang pupunta. So that you can relax after. If that's okay with you.

Issa:

Sure ka? Baka may work ka.

Onyx:

Sunday. Rest day.

Para makita mo kung gaano katakaw si Rykel.

Issa:

HAHAHAHAHA! I think may idea na ako. Hindi ba nagpaluto 'yan kapalit ng info about sa'yo, pft!

Seen

Onyx:

Doon ka nagkamali. He'll come and request some more.


Issa:

Naku! Sinabi mo pa. Buti naisipan mo isama. Sabi niya kasi, siya na lang daw taste tester kasoooooo siyempre ikaw nauna kong maisip looool

Seen

Onyx:

I'm relieved |deleted

Issa:

Ah! Saka naalala ko kapag kasama niyo siya, nagrereklamo kayo kasi laging kulang 'yung snacks niyo.

So lalabas kayo kasi gusto niyo rin gumala! 'Yung iba nagkakahiyaan kasi isa na lang natira, iiwan pa... tapos siya walang pakialam. HAHAHAHA! BAKIT NGAYON KO LANG NAALALA 'YUN!

Onyx:

Walang-wala 'yung noon.

Tuwang-tuwa ka naman kasi kasama ka lagi sa may pagkain.

Issa:

Kasalanan ko bang ako ang favorite niyo ni yaku? Inaaway-away ako tapos naalala rin naman ako.

Onyx:

I told you, Isle cares about you. Idinadaan lang sa pang-aasar.

Issa:

I knooooow. Kaso ewan ko ngayon. I think I overstepped my concern.

Hindi na ba ako pwede mag-seryoso, haaa?!

Onyx:

What happened?

Issa:

Siguro nga masyadong harsh pagkakasabi ko pero siyempre kuya ko siya tapos maririnig-rinig ko na parang ayaw ng girlfriend niya na makilala kami. Hindi ba't red flag 'yun? Baka may itinatago?

Akala niya nagbibiro pa rin ako.

Masama lang ng slight 'yung loob kooooooooo pero okay na ako.

Ang daldal ko na naman! 'Yun lang naman ang update sa state of feelings ko. Lakas ng loob ko sumama loob samantalang hindi pa rin niya alam na ikaw crush ko.

HAHAHAAHAHAHAHA BALIW LANG.

Onyx:

Hindi rin naman niya alam na gusto kita. |deleted

Hayaan mo muna si Isle. If he's serious about this woman, he'll eventually let you know her.

It's not bad to be concerned. Knowing you, baka mali na naman pagkakasabi mo.

Issa:

Ehhh

Parang ganu'n na nga. Binawi ko naman agad and all that pero siguro naupos na lang pasensya niya.

Maybe he really loves this girl. Tingnan na lang natin if the girl feels the same way.

Onyx:

Binata na kuya mo.

Hahahaha!

I have a feeling that this will be his first and last girlfriend.

Issa:

Hmmmmmm

May alam ka 'no?

Onyx:

My lips are sealed. Haha! But really, it's just a hunch.

Isle knows what he's doing.

Issa:

Ayun nga. First time ko makita sa kanya 'yung ganu'ng behavior. And I think there's tension between him and Dad kaya... medyo tagilid ako sa mga naobserbahan ko.

Haaaay

But what can I do?

Maghihintay na lang ng chismis. CHOZ!

See ya tomorrow, Onyx! Tulog na ako.  Hindi nankaya ng braincells ko.

--You reacted ❤ to the messsage--

You reacted 👍 to the message

At First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon