#63
Instagram Storyisle.van replied to your story
| Oy panget, sino may sabing mag-aral ka mag-drive mag-isa?
Sino naman may sabing mag-isa ako?!?!?!?!?!
| So sino nga nagtuturo sa'yo?
| Sinasabi ko sa'yo, Issa, you were lucky that one time. Sino ba 'yan? Did you enroll in a driving school? Buti tinanggap ka?
Hindi ha. Hassle naman mag-driving school pa. Saka maayado ka talaga sa akin.
Ewan ko kasi sa'yo. Ayaw mo naman ako turuan!
| Sabi ko sa'yo after ng exams mo, tuturuan kita. Ikaw 'tong nagpupumilit kay Manong noon. Tingnan mo nangyari sa'yo.
Siyempre! Gusto ko naman may ibang aralin maliban sa reviewers. Natutusta na utak ko!
| Mas matutusta ka sa akin kapag naaksidente ka na naman!
Sweet naman ng yaku ko na ito. Maaksidente na ako tutustahin pa ako. Ewan ko talaga!
But don't worry, makapal balat ng kapatid mong pretty. Medyo matagal pa ako bago mawala. Don't cry yet.
| Ipagdadasal ko na lang siguro kung sino magtuturo sa'yo. They need it. Ako pa lang natutuyot na dugo ko sa'yo.
| Sino ba magtuturo sa'yo? Si Manong uli? Don't you think he has enough trauma from you?
Huy ah! Peyborit ako ni manong! Hmp.
Pero hindi manong magtuturo sa akin. 'Yung LOML ko!
Si Kuya Onyx!!
| Loml? Si Onyx?! Nyx namin?!
Maka-angkin 'to! Oo, 'yung tropa mo.
LOML = Lodi of my life
Ganorn.
Wag ka nga mag-alala. Tropa mo naman 'to!
| Teka! Bakit hindi ko alam na nag-uusap kayo?! At kailan 'yan?!
Luh?! Ipapaalam ko pa ba sayo? Kahapon lang!
| Siyempre! Crush mo 'yung pinsan n'yan! Baka hina-harass mo na sa information.
Alam ko. Kaya nga nakikipag-close ako ih. At... hindi ka naman nagkakamali? Lolololol
| Baka naman mamaya niyan si Nyx naman ang crush mo?
Seen
| Hmm?
Luh. Nakapaka-mapaghinala naman.
| Paiba-iba ka pa naman ng crush
Ano naman masama kung si Kuya Onyx?
| Ikaw ang masamang pangitain para sa kanila.
Aray, ha. Foul yorn! 😡
| But seriously, si Nyx ba?
Hindi nga! Si Kuya Rykel. Kulitnng butika nito.
| Bakit? Kay Nyx ka na lang. Mas matino kesa sa pinsan niya.
Totoo? Walang bawian?
| Hindi. Hindi pa rin. Magtigil ka, Issa. Kakausapin ko 'yan si Nyx.
Luh? Bakit?!
| Wawarningan ko. Pagpasensyahan ka kamo at pagtiisan.
Heh! 😤
BINABASA MO ANG
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...