#127
March 18, 2021
Messenger
Rykel Tancunco
11:09 AM
Rykel:
Onyyyyyyx na pogi!
Na papi ni Issa!!!!
Onyx:
What do you want?
Rykel:
Sungit naman nito???
Seen
Rykel:
Tangina ka naman hindi ka mabiro, ano?
Naririnig ko kasi sa tabi-tabi at sa chisimisan ng mga nuno na ikaw raw maghahatid kay Issa sa araw ng licensure exams?
Onyx:
Oo. Bakit?
Rykel:
Sama ako!!!
Onyx:
Wala ka ba talagang ginagawa sa buhay?
Rykel:
Meron.
Onyx:
Ano?
Rykel:
Ang guluhin ka. Hahahahaha!
I'll come with. Patulog na lang sa condo mo kasi maaga 'yun, hindi ba?
Onyx:
Ano bang gagawin mo doon? Ihahatid ko lang naman si Issa.
Rykel:
Support. Siyempre kinakabahan ang baby girl. She needs moral support.
Onyx:
Hindi na. Baka makadagdag ka lang sa stress no'n.
Seen
Rykel:
Hmmm...
Gusto mo lang solohin eh.
Onyx:
Alam mo pala eh.
Rykel:
Paalala lang, apat na araw sa loob ng dalawang weekends ang boards niya. Bawal pa solohin.
Onyx:
Alam ko naman. Ayaw ko lang ng asungot. Kilala kita, manggagago ka na naman.
Rykel:
Pakialam ko sa'yo. Hahahaha! Alam ko naman aayaw ka kaya kay Issa ako magpapaalam.
Sorry, papi, bawal pa.
Onyx:
Stop calling me that. Nakakaumay kapag ikaw.
BINABASA MO ANG
At First Glance
Romance|✔ COMPLETED| (It All Started in Quarantine #3) [EPISTOLARY] Noon, ang pangarap lang ni Issa Jean ay makatapos siya at maging isang ganap na doktor. Ngayong nalalapit na siya sa goal niya na iyon, gusto naman niyang mapansin siya muli ng kauna-unaha...