#82

341 17 2
                                    

#82

December 1, 2020

Kambal 👽

6:05 PM

Mona:

Progress?

Issa:

Ano....

Hehe.

Wala.

Mona:

Anong wala?

Issa:

Eh... kaka-send ko lang ng message 2 nights ago eh.

Mona:

HAAAA?!

Issa:

Eh kasi!

ANG HIRAP NAMAN KASI NG PINAPAGAWA MO! Tingin mo ba may mukha akong ihaharap doon after ng pinagsasasabi kong kadramahan?

Mona:

OY!

Hindi lang basta drama 'yun, kambal. It was what you were feeling. Hindi 'yun dapat labeled as drama lang.

Issa:

Okay... okay. Hindi lang ako sanay na mag-breakdown sa ibang tao, okay? Sa'yo lang naman talaga ako nagsasabi. It was new to me kaya parang nakakahiya tapos makapag-demand ako kala mo naman awoj ako.

Tingin nga yata sa akin ng pamilya niya tropa lang ako ni Onyx.

Mona:

Kaya nga! That's the reason why I want you to talk to him. Para malinaw. Hindi pwedeng he's doing things to make you think that there is something and then he says something else.

SINUSULAT KO 'YANG MGA GANYAN PERO UMAY 'PAG TRUE TO LIFE!

Issa:

Jusme. Napa-high blood na naman kita.

Oo na. Maghihintay na lang tayo. Na-seen lang ako eh. Anong gusto mong isipin ko, ha?! Na nakalimutan mag-reply? Nakatulog? Ganu'n tayo, kambs, but not Onyx.

Mona:

Hay.

Sige. Ganito na lang.

Let's wait three more days. Kapag hindi pa nag-reply, you know what to do, okay?

Seen

Issa:

Teka... may plan b ba?

Mona:

Hindi lang plan b kundi final plan.

Itutuloy mo ang pag-mo-move on.

Issa:

ANO?!

Mona:

Yes, my dear kambal. Operation moving on kapag walang reply.

Alam ko bet na bet mo siya pero siyempre I'll choose your welfare over everything. Kung hindi lang tropa ni Herson 'yan baka talaga ako na nag-pm.

Expiration date: December 4, 11:59 PM

Seen

At First GlanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon