Chapter 12: Typicall First Day Of Junior Year

104 6 0
                                    

A/N: Pasensya na po sa mga nagbabasa nito! Nakalimutan ko pong mag-update. Sorry po talaga. Hectic po sa school. Tinapos ko pa yung report ko. Nakakawindang sorry ulet! Promise sa bakasyon babawi ako! thanks sa pagbabasa. Lagay nyo sa comment box yung username nyo sa Growtopia isasali ko kayo dito.

*****

Nakakasawang first day. As usual Introduce yourself.

May lima kaming transferee. Sila Polly Mionette Sta. Cruz, Drake Buenaventura, Wesley Brooks, Nichole Andrea Whitney at si Terrence Gallardo.

Well napahiya ako sa pagpapakilala ko dahil kay Pearl.

"Hi I'm Xyriel Celine Fuentes---"

"And I like playing Growtopia!" sabi ni Pearl. "Grabe isip bata pa din. Malapit na grumaduate ng high school and yet she is still playing games for kids" nagtawanan yung mga classmates ko.

"Well look who's mature, gagraduate na ng highschool KSP pa din" nagtawanan nanaman ang mga classmates ko dahil sa sinabi ni Ara.

Umupo na lang ako at namumula pa din. Nakasalubong ko kanina sila Kuya Brian, Sean at Clyde.

Kuya talaga! 4th year na kasi sila eh. Sila ate Zam, Vea at Juls naman di ko pa nakikita.

Ang masaya, nalaman kong palaging sinusundan ni Terrence si Pearl.

Gwapo si Terrence. Mukha lang hinde dahil una weirdo sya, pangalawa buhok nya di mo maintindihan at pangatlo nakasalamin sya.

Btw, ang teacher namin sa Math sobra ah! walang introduce yourself, hala sige diretso discuss.

Menopause ata tong si Sir. Dimaguiba eh. Sa sobrang bored ko naggrowtopia ako.

Patago akong naglalaro. Naglalaro ako nung ng parkour sa "LOSTPARKOUR" favorite ko dito. Hindi ko lang matagusan ang isang level.

"Miss FUENTES!"

Konti na lang matatagusan ko na!!! Yes natagusan ko na!

"Ms. Fuentes!?"

Wah!! ang hirap nitong next. Mas mahirap kung ikukumpara sa una. Nagulat ako nang may humatak ng cellphone ko.

"What is the answer to number 6 Ms. Xyriel Celine Fuentes?"

"Ano po yung tanong?" nagtawanan yung nga classmates ko.

"You may get this phone after class in the Guidance Office"

Tumango ako at umupo. Sa kasamaang palad. Nasa likod ko si Pearl.

"Naku nga naman. Xyriel Celine Fuentes is playing kid games how immature" bulong nya.

Napayukom na lang ako sa palad ko sa sobrang inis kay Pearl.

Related kami ni Ara pareho kaming magalit ang pinagkaiba mas matindi yung akin kasi minsan lang ako magalit.

Natapos ang Math at recess na ngayon. Sabay-sabay kami nila Nic, Tris at Ara kumain.

"Pearl is getting on my nerves. Konti na lang talaga masasapak ko sa mukha yun" -Ara

"Hindi ka ba natatakot sa kanya? Sa mga pwede nyang gawin sayo?" -Tris

"Hinde" simpleng sagot ni Ara. Matigas na matigas ang pagkakasabi nya at ramdam kong lalo syang naggalit.

"Ikaw? bakit kanina ka pa tahimik dyan?" tanung ko kay Nic

"Wala lang. Pinagmamasdan ko lang kung gaano ka ganda si Ara pag galit" hanggang dito ba naman! Pagseselosin nya pa din yung mokong na yun. Bakit naman ako naaapektuhan? Dapat si Tris lang ang maapektuhan. Hindi ako...

Namula si Ara. Ewan ko kung sa galit, sa hiya o sa kilig.

Sunod kong tinignan si Tris. Kumakain lang sya ng fries.

"Ano namang maganda dyan? Lalo lang syang pumangit nung nagalit sya" sabay tawa ni Tris.

Tumayo si Ara "excuse me!" at umalis sya. Si Tris kumakain pa din. Sinipa ko yung paa nya.

"Patay ka sakin pag di mo sinundan yun!"

"Edi patay ako. Bakit hindi si Nic ang sumunod dun?" -Tris

Gusto mo nang ganyan? Pagsisisihan mo yan Tris *smirk*

"Oo nga Nic ikaw na lang sumunod tutal ikaw naman ang nagpapagaan ng loob ni Ara" huminto si Tris sa pagkain at pinagpatuloy nya ulit to makalipas ang ilang segundo. Labag sa loob kong sabihin yan...

"Sige mauna na ko Tris at Xy baka umiiyak NANAMAN si Ara" alam kong hindi umiiyak si Ara.

Huminto ulit si Tris at ngayon naman ay tumingala sya at nakita nyang umalis si Nic dito.

"Oi ikaw! bayaran mo lahat ng kinain namin" sabi ko at iniwan ko sya dun.

Naglibrary ako. Nay free WiFi doon. Close kami nung librarian eh!

"Hi Miss Camille"

"Oh Celine kamusta Junior High?"

"Ganun pa din"

"Eh si Louise at si Lorenzo?"

"Ganun pa din eh. Wala namang nagbago saming tatlo. May nadagdag lang"

"Oh? ano yun?"

"Actually Sino ang tamang tanong.... Sya si Nic Xander Delos Santos"

"Ahh! yung anak ni Mr. Neo?"

"Opo"

"Balita ko gwapo daw yun ah"

"Balita nyo lang po yun"

"Pakilala mo sakin minsan ah. Bakit ka nga pala nandito?"

"WiFi po"

"Akin na" binigay ko yung Ipod ko. Cellphone ko yung nakonfiscate. Ipod ko nasa bag lang.

"Bago ba to?"

"Hindi po. Ipod lng po yan"

"Asan yung phone mo?"

"Confiscated"

"Naglalaro ka nanaman ba ng Growtopia?"

Ngumiti lang ako. Napailing na lang si Miss Camille.

"Kayo ba Ms. Camille may BF na?"

"Bakit mo naman natanong?"

"Just Curious"

"Alam mo na sagot dyan sa tanung mo"

"Malay mo naman Miss Camille si Sir. Buenavista na ang para sayo"

"Baliw" nagtawanan kami. Walang sasaway samin!

Si Sir. Buenavista ang pinakapoging profesor dito sa Citti High. Kaso di nya naman pinapansin si Miss Camille.

Si Miss Camille naman patay na patay dun. Mukha namang playboy eh.

Nagpaalam na ko kay Miss Camille kasi magtitime na. Dumaan muna ko sa locker ko at may note doon.

Binasa ko yun. Anong problema ng nagsulat nito?

*****

A/N: Ano kaya nakasulat sa note? Minsan na nga lang ako mag-update mambibitin pa. Hahaha Sorry!!!

Growtopia Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon