Laro lang kami ng laro ni Ara. Bandang huli nakatulog kami. Matagal din ang byahe sa Tagaytay ah.
Ginising naman ako ni Tristan. Kinalabit kalabit nya ko.
"Gising na, dito na tayo" -Tris
Nasa likod ko kasi sya. Napansin ko na kaming tatlo na lang ang na sa Van. Wala na ding mga bag.
"Paki gising na nga din si Ara" -ako
"Tsk! Hoy Arang payatot! Gising na! Tagaytay na tayo!!!" -Tris
Bigla naman napadilat si Ara.
"Pwede bang gisingin ako nang may lambing! Bakulaw ka talaga!" -Ara
"Lambingin mo mukha mo!" -Tris
Tapos bumaba na kami sa Van at nagbabangayan pa din si Tris at Ara. Yang dalawang yan laging ganyan. Pansin nyo no? Mula nang maging magkakaibigan kami ganyan na yang dalawang yan. Sanayan lang yan.
"Wow ang sarap ng hangin" -Ara
"Weh? Ano lasa? Matamis? Maalat?" -Tris
"Tsk! Basta masarap!" -Ara
"Ano nga lasa ng masarap?" -Tris
"Wag mo nga ko kausapin!" -Ara
"Bakit hinde?" -Tris
"Kasi ayaw kitang kausap" -Ara
"Bakit ayaw mo?" -Tris
"Kasi nakaka-asar ka" -Ara
"Bakit ako nakaka-asar?" -Tris
"SHATAP NGA!!!" -Ara
"Bakit ako magshashatap" -Tris
"Aish!" -Ara sabay walk-out. Tumawa lang kami ni Tris sa reaction ni Ara.
"Tss, walk-out girl" -Tris
Hindi man silang dalawa umaamin, alam kong gusto nila ang isa't isa. Ayoko lang pangunahan dahil mas maganda kung ipapasatadhana na lang ang lahat.
Kita nyo naman. Iisa ang utak nila.
"San na sila?" -ako
"Na sa Room na sila. Tara" -Tris
Tapos hinila nya ako. Dinala nya ako sa pool side. Nandun si Ara sa may veranda. Yung parang maliit na house na may table at duyan na upuan. Gets nyo ba?
Tumakbo ako dun at mukhang naiwan si Tris. Nakita ko si Ara na parang malalim ang iniisip. Umupo ako sa harap nya. Waley pa din? Eto na...
"Ara!!!" -ako
"Ay Tristang Bakulaw! Xy naman! Bakit ba gustong gusto nyong ginugulat ako?" -Ara
"Si Tristan pala ang iniisip mo ah" -ako
"Hinde ah! Nakita ko kasi sya at yun yung nasabi ko" -Ara
"Hoy! bakit naririnig ko ang pangalan ko?!" -Tris
Tumabi sya sakin. Bali ganto ang sitting arrangement.
[wala] [ ta ] [Tris]
[Ara]. [ble] [ako]"Sinasabi ko lang kay Xy kung gaano nakaka-asar ang pangalan mo" -Ara tapos lumingon sya sa swimming pool. Namula ba sya?
"Xy! mamaya daw may party sa Dining Hall. Punta tayo" -Tris
"Si Ara na lang yayain mo. Ayaw ko nang mga ganyang gatherings" -ako
"Tsk! Ayan aayain ko? Wag na lang, di na lang ako pupunta" -Tris
"As if naman papayag akong sumama sa KANYA" -bulong ni Ara pero narinig namin ni Tris.
BINABASA MO ANG
Growtopia Love Story
Teen FictionAko si Xyriel Celine Fuentes at wala akong ibang buhay kundi ang Growtopia. Imagine! Dito din ako nagka-Love Life! Exciting ang story, puno ng happiness, Sadness at lahat ng emotions.